Kabanata 1

29 5 2
                                    

Dave Salvador

Nawala ang atensiyon sa 'kin ni mama, kuya at ate ng dumating si Noah sa buhay namin, limang taon siya at sampung taon ako ng mamatay sa aksidente sila tita at tito (Magulang ni Noah).

Nasa bahay kami ni Noah dahil nasa trabaho pa si mama, at nasa eskwelahan pa sila ate at kuya. Ilang minuto lang ang makalipas ay sabay-sabay silang nagsidatingan.

"Noaaaah? I have a gift for you." Maligayang salubong ni ate.

"Woooow! Thank you po."

"Meron ding gift si kuya sayo," pati rin si kuya meron.

"Woow. Thank you po kuya."

"At siyempre meron din si Mama, eto oh."

"Wooah, thank you mama."

Mama na rin ang tawag ni Noah kay mama at wala naman yun saamin, sobrang saya ni Noah dahil sa mga pasalubong natanggap niya.

"Eh ate, kuya at mama? Yung saakin nasaan?" Tanong ko.

"Sorry bunso. Si Noah lang kasi nabilhan ko eh," sagot ni ate.

"Malaki kana Dave! Hindi muna yan kailangan." Walang expression na saad ni kuya.

"Psh! Dave malaki kana, ba't humihingi ka pa ng regalo?" Tanong ni mama.

Hahaha okay lang.

"Akala ko lang naman po kasi meron eh," umaasang saad ko.

"Oh siya, matulog kana at ako na magbabantay kay Noah," saad ni mama.

"Sige po." At umalis na ako.

*AFTER 2 YEARS *

Graduate na sa college sila ate at kuya at sobrang proud si mama dahil nakapagtapos sila ng Suma Cum Laude.

"Ate?" tawag ko kay ate Janine.

"Bakit?"

"Ga-graduate na po ako ng Elementary."

"Tapos?"

"Pwede mo po ba akong regaluhan ng Cellphone?"

"Anooo? Alam mo namang mag si 7th Birthday si Noah diba? Wala akong pambili niyan," pagalit niyang saad.

"Ah, okay po."

At pumunta rin ako kay kuya Lawrence, baka sakaling maregaluhan ako ng cellphone.

"Kuya?" Tawag ko rito.

"Oh bakit? Anong kailangan mo?"

"Ga-graduate na ako ng Elementary, pwede mo po ba akong regaluhan ng cellphone?"

"Aba! Wala pa akong pera Dave! Alam mo namang mag si 7th Birthday si Noah diba?" Pareho lang sila ng rason ni Ate.

"Ah sige po, salamat."

At sinubukan ko ring pumunta kay mama.

"Ma?" Tawag ko kay mama.

"Ano 'yon?"

"Ga-graduate na po ako ng Elementary Ma, pwede mo po ba akong regaluhan ng cellphone?" Nagbabakasakaling tanong ko

"Dave! Wag na muna ngayon. Mag bi-birthday na si Noah oh? Marami tayong gagastuhin."

"Sige po naiintindihan ko" at umalis na ako.

Puro nalang si Noah ang iniisip nila, pano naman ako?

'Ayos lang yan Dave! Marami pang next time' saad ko saaking sarili.

*7TH BIRTHDAY OF NOAH*

Kalalabas ko palang ng kwarto at napakarami ng bisita, talagang pinaghandaan talaga nila ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Graduation Where stories live. Discover now