CHAPTER TWENTY-ONE

1 1 0
                                    

This is it.

Umayos siya ng upo at tumingin sa kawalan.

"Sorene.. hindi kita iniwan. Prinotektahan lang kita." ani Cliffe.

Tumingin ako sa kanya at nagtaka. "Saan?"

Hindi ko inaasahan na ganon ang sasabihin niya.

"Iniwan kita for good."

Mas lalo akong nalito. Ang una niyang sinabi, hindi niya ko iniwan.

Ngayon sasabihin niya, iniwan niya ko for good?

What's good doon?

"Just say it." sabi ko.

"Naalala mo ang huling usapan natin?"

"Of course, hinding-hindi ko iyon makakalimutan." tiim-bagang kong sinabi sa kanya.

"Yun ang araw na sinalba ko ang Doyle Corp." pumikit siya at tila bang iniisip niya ito.

"What do you mean?" sinusubukan kong buuin lahat ng sinasabi niya na parang puzzle na hard level na hindi ko mabuo.

"Sorene, ang araw na iyon ay ma ba-bankrupt kami dahil kagagawan ni Roberto Guzman." nakita ko nanaman ang maitim niyang aura ng sinabi niya ang pangalan ni Tito Roberto.

"To be honest, wala akong paki dyan Cliffe. Just tell me kung bakit mo ko iniwan. Tell me."

Hindi ko mapigilan mainip. Dahil hindi naman iyon ang inaantay kong sagot.

Sa sobrang daming katanungan ko, at baka abutin pa kami ng ilang oras bago sabihin ang totoo.

"Calm down babe. Okay. Bibilisan ko ang kwento. Just please calm down."

Aba, dapat lang. Dalawang taon ako nag hanap ng sagot.

"Mahinahon ako."

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili.

"Tinalo ni Robert ang daddy ko dahil naging desperado na siya kunin ang kumpanya. Umabot pa sa puntong gusto niya patayin ang daddy ko. Dahil sa hindi nakayanin ng daddy ko ang galit sa kanya ni Robert, muntik na ito makuha ang kumpanya."  kwento niya.

"Cliffe, I said–" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinagpatuloy niya ang kwento.

"Ako ang daan para malinis ang duming kinalat niya. Sinubukan kong ibalik sa posisyon ang Doyle Corp. Dahil sa sobrang daming kalat ni Roberto, na muntik na itong bumagsak. Kaya hindi ako nag dalawang isip pumunta sa US para ilagtas ang mga pinaghirapan ng ama ko na mawawala na lang bigla dahil sa hayup na yon, Sorene."

Dagdag nito, "Kailangan ako ng dad ko."

"Kaya hindi ka nag paalam." sabi ko.

Sinubukan kong intindihin, pero parang naging zero ang utak ko at hindi ko maintindihan ang paliwanag niya.

O sadyang nilalamon lang ako ng pride ko.

"Yeah I know, it's my fault. I'm sorry." tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Kita ko naman sa mata niya na sincere siya. Pero dahil sa pesteng pride ko, hindi ko magawang patawarin siya.

"Napaka-daling mag paalam Cliffe." umiling-iling ako.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon