Chapter 4: If We Ever Meet Again

11 0 0
                                    

CHARLIE'S POV:

"Ikaw?!" gulat na tanong ko.

"Ako nga. Long time, no see! Namiss kita. Payakap nga." sabi nya habang lumapalapit sa akin.

Humakbang ako paatras. Palayo sa kanya. Di pwde to. Hindi to pwe--

BLAG!!

(O_____O)

Aray! Shet. Ang sakit ng likod ko. Kinusot kusot ko at tiningnan ang wall clock sa kwarto. 6:20 na.

Ipinikit ko muli ang mga mata ko at inirefresh ko ang nangyari.

Loading..5%

15%

40%

68%

83%

94%

99%

Ooops. Tama na. Okay na. Hays. Di pwde yun noh. Napaparanoid lang ako. Bwiset kasi yung pinsan kong yun, binanggit pa yung John na yun. Tuloy, I had another nightmare.

Bumangon na ko sa pagkakahiga ko sa sahig at bumaba na ng kwarto. Nakagayak na si Jean.

Bwiset na yun. Di man lang ako ginising.

"Charlie, halika kain na tayo." aya nya. Kain sya ng kain ng hotdogs at bacon. Sinimangutan ko lang sya at umupo sa tabi nya.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong nya.

Nakatulog nga ba ako ng maayos? Hindi rin. Kasi may asungot sa pagtulog ko.

"Ah, eh, oo. Haha."

"Akala ko hindi eh. May narinig kasi akong kumalabog sa kwarto mo kanina eh. Kala ko nagwala ka. Bwahahaha."

=_____= Oo Jean. Tama ka. Pero nahulog ako sa kama at di nagwala. Ang galing mo.

Pagkatapos ko kumain, pumunta na ulit ako sa kwarto ko at nagcr. Ginawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin at nag-ayos ng gamit.

Nakahairclip ako tapos ipinusod ko ng bun yung buhok ko. Madalang lang din kasi ako maglugay. Madalas akong nakabuns kaya yung buhok ko, pag nakalugay, wavy sya na kulot na malaki. Isinuot ko na rin yung eyeglasses ko.

"Wow, Charlie. Modernang manang ba trip mo? Wag ganyan insan. Sayang pa naman yung lahi nating maganda at pogi. Dapat pinapakita ang magandang lahi natin."

"Hayaan mo na. Wag mo na pakialaman buhok ko. Kita mong nananahimik eh ginugulo mo." Pano naman kase pinipilit nya hilain pusod ko.

"Pierre, pumasok na nga kayo. Wag mo pababayaan pinsan mo dun ah. Naku. Lagot ka sa akin pag napahamak yan."

Yan. Buti nga. Lagot ka kay Tita Mandy. Mwahahahaha.

"Tita pasok na po kami. Bye." paalam ko.

Pumasok na kami ni Jean sa sasakyan nila. Rich kid eh. Ihahatid na lang kami ng driver nila sa school.

Pagpasok namin ng gate, andami palang estudyante dito. May mga nagtatawanang girls sa isang sulok, meron ding grupo ng mga lalaki na nagtatawanan at nagpupustahan pa ata. Meron ding grupo ng mga babae na parang version ng Mean Girls, mukha kari silang maaarte eh at halatang mayayaman. Meron din namang mga may sariling mundo na nagbabasa ng libro o tumutugtog ng gitara.

Napansin ko lang kanina pa kami tinitingnan nung grupo ng Mean Girls. Nung napatingin ako sa kanila, nagsmirk yung isa sa kanila. Mukhang leader ata nila yun. Familiar nga sya eh. Parang nakita ko na sya dati pa. Di ko maalala. Saan nga ba?

Huwag Ka Nang MagbabalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon