1. THE PROMISE

1.3K 58 6
                                    

“PARE, ANO ba ‘yan? Tanghaling tapat, Red Horse ‘yang kaharap mo.” angal ni Atong kay Ira. Natigil sa pagbibilang ng pera sa Chelsea Zarate dahil sa narinig. Pasimple niyang tiningnan ang magkaibigan. Nasa linya ng bar counter ang cashier kaya kitang-kita niya ito. Malapit lang din ang puwesto ng mga ito sa kanya kaya naririnig din niya. Tama si Atong. Alas dos pa lang ng hapon. Pagdating pa lang ni Ira sa Hades’ Lair, beer agad ang hinarap nito.

            Kinabog siya ng konsensya at natetensyon din sa presensya nito. Marahil, ganoon ang taong mayroong itinatago. Guilty, nakokonsensya at natetensyon. Pakiramdan niya, anumang oras ay mahuhuli siya.

Huminga siya ng malalim at ipinilig ang ulo. Hindi niya hinayaang dumaloy ang mga mapapait na alaala. Nangako siya sa sarili na gagawin ang sa tingin niyang tama. Wala na siyang magagawa para ibalik ang lahat sa dati. Ang maaari lang niyang gawin ay tulungan itong maghilom at bumawi. Kaya nga siya nag-apply sa Hades’ Lair bilang cashier ay para mapalapit kay Ira.

            Bago iyon ay pinaimbestigahan niya ito. Sa loob ng halos tatlong buwan, wala siyang ibang ginawa kundi ang alamin ang kalagayan nito. Nasaktan siya ng malaman kung gaano ito nagsa-suffer. Gusto niya itong lapitan para paliwanagan pero ang sabi ng imbestigador na inupahan niya ay hindi iyon wise na gawin. Ira was devastated. He was so sure that he would never listen to her words.

            Besides, nakialam na ang ama nitong dating gambling lord ng San Jose. Ayon sa inupahan niyang imbestigador, umuwi pa iyon galing Boston para siguruhin ang kalagayan nito. Sa Boston kasi ito namalagi magmula ng makalaya ito. Bago ito umalis pabalik ng Boston makalipas din ng isang buwan, hindi ito pumayag na walang body guards si Ira. Mas maganda na rin daw ang nagiingat. Habang hindi pa nahuhuli ang nakabangga sa kanila ay babatayan pa rin sila. Mahirap na daw kung babalikan sila.

Sa ngayon, nasa labas lang ng bar ang mga mala-PSG na limang guwardya. Lagi iyong nakabuntot kay Ira kahit saan ito magpunta. Balita din niya, maging sa bahay nito ay mayroong guwardya para mabantayan din ang anak.

            So she decided to come there as an employee. Hindi naman siya nabigo dahil sakto namang kailangan ng Hades’ Lair ng cashier. Balita niya, ang dating cashier doon ay nag-resign dahil pinaginitan nito. Naging daan tuloy iyon para makapasok siya. Pangit mang pakinggan pero pineke niya ang identity para makapasok doon. Sa ngayon, kilala siya doon bilang Leilanie Bermudez.

Unang dahilan kung bakit niya pineke ay overqualified na siya. Pangalawa, alam niyang oras na malaman ni Ira ang totoo ay siguradong hindi siya nito tatanggapin. Naging posible naman iyon dahil na rin sa ilang taong binayaran niya para pekein ang ilang papeles niya. Nabilinan din niya ang ilang taong maaaring tawagan ng Hades’ para siguruhin ang pagkatao niya kaya nakalusot siya.

Kasalukuyan siyang nagte-training. Apat na araw na siyang nandoon. Sa loob ng ilang araw ay napatunayan niyang tama ang ginawang hakbang—ang itago ang lahat kay Ira. Ngayon pa lang, nahirapan na siyang lapitan ito. Papaano na kung nalaman nito ang totoo?

Lagi itong naglalasing. Kung hindi naman ito nakainom ay laging mainit ang ulo. Lahat ng tao nito ay napagbabalingan. Hindi niya ito masisisi dahil bukod sa nagluluksa pa rin ito, hindi pa rin nahuhuli ang nakabangga dito.

DOA si Bonsai pagdating sa ospital matapos ang banggaan. Nasagip naman noon ang sanggol dahil naprotektahan naman ito ni Bonsai at airbag. Si Ira, bagaman na-comatose ng ilang araw ay naka-survive naman. Ang nagmamay-ari naman Ford Ranger ay pinaghahanap dahil tumakas iyon matapos ang banggaan. Naka-blotter na iyon sa lahat ng presinto.

HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon