"Ano sis? Sabay kaba sakin?" Tanong sakin ni Joyce ang best friend ko.
"Hindi na siguro sis" sagot ko.
"Uhm osige ingat ka Gabrielle ha?"
"Aye aye master!"
Pinagmasdan ko muna si Joyce habang naglalakad sya palayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
"Ok self maglalakad ka lang ngayon wala kang pera leche ka ang gastos mo!" Naiinis na sabi ko sa sarili ko.
Nagsimula na nga akong maglakad hanggang sa malapit na ako sa may kanto nang may nakita akong bata. Medyo gumagabi nadin kaya naisipan kong lapitan ang bata.
"Psst bata!" Pagtawag ko.
"Wampipti?" Sagot naman nya.
"Aba! Bastos ka ah!"
"Baket kinantot ka? Kinantot ka?"
"Anong pangalan mo bata? Tyaka ayusin mo nga yung buhok mo di ko tuloy makita ang mukha mo"
"Ako si Monique" sagot nya.
"Monique! Pempayb!"
"Nang buraot ka pang baboy ka!"
"Grabe sa baboy ha? Ayusin nga natin yang buhok mo"
Unti-unti kong hinawi ang buhok nya ngunit....
"Awooooohhhh! Takboooo!" pananakot nya saakin. Ang mukha nya ay nakakatakot parang sa Tyanak.
"Uwahhhhhhh! Mamaaaaaaaaa!" Pagkasigaw ko ay agad na akong tumakbo dire-diretso sa bahay.
"Oh Gabrielle mukha kang hinahabol ng sampung unggoy" What the? Nanay ko ba talaga to?
Ngunit di ko pinansin ang pang aasar nya sakin. Agad akong yumakap sakanya at sinabing...
"Mamaaaaaa! M-may n-nakita akong b-bata sa may kantoooo!"