Tumingin ako sa relo ko at ilang minuto na lang mag uumpisa na ang klase.
Napatingin naman ako sa taasan ng noo ko na ini-imbitahan ako ni Cliffe gamit ang palad niya upang tumayo na sa pagkakaupo.
Hinawakan ko iyon at binuhat niya ang akin kamay upang makatayo na ako.
Ngumiti naman ako sa kanya, at ganon din naman siya.
"Salamat Cliffe." ani ko.
Pinagpag ko muna ang skirt ko at inaya niya na ako pumasok.
Naramdaman ko naman ang daloy ng kamay niya sa kamay ko sa tuwing naglalakad kami.
Kitang-kita naman sa mukha niya ang saya. Dahil simula nung nasa garden kami, hindi mawala sa mukha niya ang ngiti sa mga labi.
Eto na ang simula..
Sisimulan nanamin ulit ang pagmamahalan na—naudlot noon.
Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami.
Pumayag naman ako, dahil ayoko naman maisip niya na kinakahiya ko siya.
Pero, nahihiya ako. Dahil sa mga nadadaanan namin—ang daming studyante na nakatingin sa amin.
Back off, hindi niyo alam ang storya!
Nakalimutan ko pala ang libro ko sa locker. Pinapadala pala ni Xander iyon sa amin.
"Cliffe, mauna ka na. Kukunin ko lang yung book ko sa locker." paalam ko.
Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo.
Agad ako dumiretso sa locker upang kunin ang librong naiwan.
Nakita ko naman si Sheryll na may kinukuha din.
Pumasok nanaman sa isip ko, ang sinabi ni Cliffe kanina.
"Sheryll." panimula ko.
Tumingin naman ito sa akin at ngumiti.
"Hi best! Ano, kumusta ha? Oh—ang seryoso naman ng face mo." sabi niya
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Dahil alam ko na ang lahat. At tungkol sa paguusap nilang dalawa ni Cliffe.
Ayoko naman na dahil lang doon ay bubulabugin nanaman ako ng utak ko sa kakaisip.
Kaibigan ko naman siya, kaya kahit papaano.. ayoko mag lihim sa kanya.
At alam ko naman may dahilan siya kaya niya iyon ginawa.
"Kinuwento ni Cliffe."
Nakita ko naman sa mukha niya ang tensyon.
Siguro alam niya na ang tinutukoy ko.
Bigla niya naman iniba ang aura ng itsura niya, at nag panggap na hindi niya pa ito alam. Nakangiti pa ito ng pilit.
"A-ang ano? N-nag kaayos na ba kayo?"
"Sheryll, wag ka na magka-ila pa. Kilala kita. Sinabi na din ni Cliffe, na ikaw ang dahilan kung bat alam niya ang nangyayari sa akin. Right?"
Inaantay kong sabihin niya ang totoo.
Nag pout naman ito at niyakap ako bigla.
"Best, sorry na best! Ginawa ko lang yon dahil naaawa ako kay Cliffe. Best sorry!!! Please huhu."
Para siyang bata na humihingi ng tawad. Ngumiti naman ako at sa wakas sinabi niya na rin.
Pinalo ko ito ng mahina sa braso. At kunyaring galit ako.