Hi! This is my first story dito sa Wattpad. Uhmmm.. Pagpasensyahan niyo na po ang nakayanan ko, at thank you rin sa paglalaan niyo ng ilang minuto para basahin ito. I'm looking forward po sa mga comment niyo and good criticisms para po sa mas ikagaganda pa ng mga susunod kong istorya. God bless! :))))))))))
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
May crush ka. As in gustong-gusto mo talaga siya. Pero ni hindi man lang kayo close. Di ba gagawin mo ang lahat para lang mapansin at mapalapit ka sa kanya?
Ako si Jessie . Isang tipikal na estudyante. Simpleng babae. Pasok sa school - sulat ng notes - gawa ng assignments - uwi ng bahay - facebook,tumblr,twitter. Ayan. Diyan umiikot ang buhay ko with matching daydream…Daydreaming tungkol kay crush.
Matangkad siya, matangos ang ilong, maporma, maganda ang boses. Hahahay! Gwapo ng bebe ko. Sikat siya sa school, member kasi siya ng choir. Sikat din siya dahil sa mga porma niya. Pang lookbook nga lagi ang peg niya eh! Kaya ang mga kabarkada din niya ay yung mga uma-aura din ang mga outfit kapag papasok. AKO: Shirt + Jeans + Chucks + makapal na salamin = Ah. K. Siguro naman gets mo na kung bakit di ako close sa kanya? Di ako kapansin-pansin.
Ang ganda na ng araw ko kapag nasisilayan ko siya ng maigi. At pinaka da-best naman kapag inaaproach niya ko. “Jes, may assignment ka na sa Statistics?” Be, pakopya.” “Uy, ma extra ka pa? Pautang naman oh.” “Bebe, pabantay ng gamit ko ah.” “Jes, tabi tayo sa exam maya ah.” – Ayan. Ganyan. Sa mga sitwasyong ganyan, nagiging malapit ako sa kanya. Di ko siya matanggihan, eh kasi nga gusto ko siya.
Madaming araw, linggo, at buwan ang lumipas...
Patuloy pa rin siya yung ganong moment sa amin-- pahingi, pakopya, pahiram, favor... LAHAT. Lahat ng pwede kong gawin para sa kanya, ginagawa ko... Kahit na pagkakatapos niyang makuha ang mga kailangan niya, nababalewala pa rin ako.
Pero, patuloy pa rin akong umaasa na sana. . .
"Sana may mabago naman sa pakikitungo niya sa akin." Uh, alam ko naman na imposibleng magka feelings siya saken eh, kaya kahit friends lang talaga." "Yung tipong babatiin niya ko (hindi dahil mangungutang siya), yung ngingitian niya ko (hindi dahil wala pa siyang pambayad ng utang), yung lalapitan niya ko (hindi dahil mangongopya siya), yung sasamahan niya ko (hindi dahil sa may ipapakiusap/favor siya),... Kundi dahil sa nais niya ring ipadama, na may kwenta rin pala ako sa kanya. Ganun sana.
Eh kaso hindi eh. . .
Isang umagang punong-puno ng kaba, nerbyos, lessons, at notes ng isa sa major subject namin. QUIZ kasi. Quiz lang 'to ah, pero kinakatakutan naming lahat. Major kasi, strict yung prof, at malaki siya kumuha ng percentage dito para sa grades namin. Nagpilian na ng kanya-kanyang upuan, best choice nila ang makatabi ang mga best in class. Bet ng bawat isa ang makatabi ang makakapag ahon sa grade nila.. At pag sinuswerte ka nga naman.. (swerte nga ba?)
Siya ang nakatabi ko. Woah. Alam ko naman na kaya lang siya tumabi saken ay upang makakopya.. Pero kahit na, inggit naman ang mga bruha saken dahil katabi ko siya! HAHAHA. Haaaay, ang gwapo gawapo naman, sarap pagmasdan. Kahit kaibigan lang.. Please?
At eto na nga, nagsimula na ang aming quiz. Nagsimula ng gumala ang mga mata ng bawa't isa, ngunit nagsimula na rin magsuspetsa ang mabangis naming prof. Pag nahuli, SINGKO na agad! Kaya naging mahirap ito. Nahirapan si crush magkaroon ng pag-asa na makakopya. Ako, nahihirapan nang umasa na mabago pa ang feelings niya... Para sa akin. :D
Natapos ang quiz namin, at ewan ko kung ilan lang ang sagot na naibigay ko sa kanya. Naaawa ako. At the same time, nagi-guilty ako. Di ko man lang kasi natulungan ang taong gusto ko. Oo, alam ko na mali yung gawain na ganun, eh pero, sabi nga nila pag mahalaga sayo ang isang tao, gagawin mo lahat para sa kanya... kaya handa akong mag take ng risk para lang mabigyan siya ng sagot.
CHECKING TIME NA. Wala pa ring kawala. Sa kabilang side ibinigay yung ma papel. Hindi exchange-papers-with-your-seatmate ang drama. Wala pa rin siyang pag-asa na madagdagan ang mga sagot niiya. Nakooooo. Sorry bebe ko. :(
After the checking, binalik na sa may-ari ang mga papel. Malungkot siya. Out of 30, 6 lang ang nakuha niya. (at iyon pa yung buwis buhay kong ibinigay na mga sagot) Nalungkot din ako. Feeling ko wala talaga akong kwenta para sa kanya. Tsk. Panigurado, bad shot ako sa kanya. Iisipin niya na wala na siyang mapapala saken, kaya.. Lalayo na lang talaga siya saken. :'(((((
Kinukuha na ni Ma'am ang mga papel para irecord. Sasabihin niya ang mga score mula 30 pababa tapos ibibigay mo yung papel sa kanya. Sa 30, tatlo sa klase ang nag abot ng papel. Di ako kasali dun ah! ....27 madami kaming tumayo, kaya di na gaanong pansin kung sino-sino kami. Hanggang umabot sa 15... may dalawang classmate ko ang tumayo. 11.. napamura na si Ma'am. 10,9,8,7,.."may mas mababa pa ba? juskoday ah! ang bobo na niyan!" Nagtatawanan na ang lahat. Nakatungo na si crush. Ako naman, si paepal, nagmagandang loob, ako na ang nag abot ng papel..
Pagtayo ko.. "Ay, pota! ang boba mo teeeeeh! Sana itinago mo nalang yang papel mo nuh?" AHAHAHAHA. Utak din ah. Utaaaaaaaaak!" Lahat ay tumatawa at nakatingin saken. Tingin na mapanghusga. Pinilit kong sabihin na di saken yun. Pero wala akong lakas ng loob na lakasan ang boses ko, dahil alam kong kawawa naman si crush. Pero may lakas ako ng loob na saluhin lahat ng panlilibak saken, alang-ala sa kanya...
"Wala na ngang beauty, wala pang brain teh?!" Di na nagawang tignan pa ni Ma'am ang pangalan sa papel.
BINABASA MO ANG
Dahil sa Quiz...
RomanceMay crush ka. As in gustong-gusto mo talaga siya. Pero ni hindi man lang kayo close. Di ba gagawin mo ang lahat para lang mapansin at mapalapit ka sa kanya?