[2015]
Wala na akong ibang maisip na puwedeng sabihin halos lahat na ata ng salita ay nabigkas ko na
Bukod tangi na lamang akong nakatayo sa pinaroroonan ko at parang nakapako na ang mga paa ko dito
Kanina ay halos hindi ako magkanda-ugaga sa paghahanap ng puwedeng pang graduation gift sa boyfriend ko na si ethan
Pero ngayon halos hindi ko na alam kung anong gagawen ko at anong sasabihin ko
Dahil kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano kasaya si ethan kasama ang isang babae
Naguusap sila habang magkahawak ang kamay at hinalikan niya ito sa nooWala na akong ibang masabi kundi ang 'Sakit'
Bago pa man lumingon sa akin si ethan ay kusang gumalaw ang mga paa ko patungo sa puwesto nilang dalawa hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero bahala na...basta ang alam ko gusto kong malaman niya na nandito ako at nasasaktan ako
Halos hindi na ma-ipinta ang ekpresyon ng mukha ni ethan ng makita niya ako...gulat, takot, at lungkot ang nakikita ko roon
"Congrats for your graduation ethan. I hope you'll be happy forever and be successful" napalunok na lang ako para pigilan ang aking luha bago ko ipagpatuloy ang mga sasabihin ko
"I hope you become happier without me, thank you for everything"Agad na akong tumalikod upang hindi niya makita ang pagpatak ng mga luha sa aking mata
Inaasahan kong tatawagin o hahabulin niya ako pero wala
Please ethan grab my wrist and say sorry sabihin mong hindi mo kaya ng wala ako
Yan ang tumatakbo sa isip ko habang naglalakad palayo pero wala. Siguro nga dito na lang nagtatapos ang storya naming dalawa
And maybe it is not my time because I'm just a 15 year old girl and grade 8 student who fell in love to a boy who is 18 years old and grade 10 student
[2017]
"Isha! Kitang kita ng dalawang mata ko may ka-chat na ibang babae yang jowa mo" galit na inabot sa akin ng kaibigan ko ang cellphone mi bryant sa akin "o ayan check it for yourself at ng makita mo na niloloko ka lang ng gun-gong na to!"
Tinignan ko ang messenger ni bryant at nakita ko doon ang mga chat nila ng ibang babae
Good morning babe
Kain ka na ah ayoko nagugutom ang babe ko mamahalin pa kita
Napangiwi na lang ako ng mabasa ko ang mga cheesy niyang salita
Binalik ko kay bryant ang phone at tinignan ko lamang siya habang siya...hindi makatingin sa akin
"Bry bakit?" Pumiyok ang boses ko dahil nagbabadya nanaman ang aking mga luha
"Ok fine... if you love that girl then hahayaan na kita and don't ever give me a reason because ito na eh bistado ka na!""Ano ganon na lang yun isha di mo man lang mumurahin tong gagong to"
Hindi ko na pinakinggang ang sasabihin ng mga kaibigan ko at dumiretso ako sa comfort room
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin habang unti unting tumutulo ang luha sa aking mga mata
Siguro kaya tinawag na comfort room ito dahil ito lamang ang takbuhan ng mga tao upang maglabas ng sama ng loob kapag wala ka ng matakbuhan
Is this really my fate? To be unlucky in love? Ganito na lang ba lagi? Na tuwing susubok akong sumugal sa isang relasyon ay lagi lang akong lolokohin
Ang daming tumatakbong tanong sa isip ko ang daming bakit
Pero ang bukod tangi ay bakit lagi na lang ako sinasaktan ng ganito
Lagi kong sinasabi na baka hindi pa ito ang oras ko
Hindi naman ako nagmamadali na makasama ang nakalaan sa akin pero lord bakit kailangang makilala ko pa ang bwiset na lalaking walang ibang ginawa kundi ang manloko. Bakit! Bakit lord!
Pagkatapos ng relasyon namin ni bryant ay hindi na muli akong sumubok na magpaligaw ay sumugal sa isang relasyon dahil nakakadala na pakiramdam ko ay lagi na lang akong sasaktan
Tuwing may manliligaw sa akin ay lagi ko agad silang pinapatigil dahil sinasabi ko sa kanila na "sasaktan mo lang ako masasaktan ka lang kaya wag na"
And now its been 2 years since I've been like this and I'm happy with it
YOU ARE READING
My Fate
General FictionA story of a girl who always cry and experience heart break Date written: December 6, 2018 End: March 19, 2020