Page 9

11 1 0
                                    


Dear Bestie,

Matagal tagal din pala akong hindi nakapagkwento sayo. Wala naman kasing masyadong nangyari sa akin sa nakalipas na tatlong buwan.

Pagkatapos nung nakaraang insidente, na pagkausap sakin ni sir, ay balik ang lahat sa dati. As usual, hindi mawawala jan ang pang-aasar sakin na kesyo abnormal daw ako. Si sir? Ganun pa rin naman, nagtuturo siya sa amin ng math at yung mga kaklase ko di mawala wala yung mapang-asar na tingin sa akin tuwing nagtuturo si Sir. Dinededma ko na nga lang sila.

By the way, hindi ko pa pala nasasabi sayo na malapit nang magbakasyon at magiging grade 6 na ako sa susunod na pasukan.

Alam mo ba, sabi nila, mga abala at busy daw ang mga grade 6 kasi graduating students daw. So baka hindi ako masyadong makapagkwento sayo kaya ngayon palang humihingi na ako ng sorry sayo. Sana hindi ka magtampo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush? Kailangan Ko Ba Nun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon