Epilogue

193 6 0
                                    


MJ Pov.

Five years later

Hindi maalis ang ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang mag-ina ko. Simula magising siya mula sa mahabang pagkakatulog, everything is okay. Ang sarap sa pakiramdam ang ganito. Simple life but I'm contented. Wala pa akong mahihiling kundi ang makasama at makapiling ang taong mahal ko.

Di ko na maalala kung kailan nagsimula o ang huli nang maramdaman ko ang ganito kaginhawaan. Honesty, I will live this way forever.

Nawala ang munting pag-iisip ko ng tapikin ako sa balikat si Itay at si Nanay naman ay hinaplos ang pisngi ko.

" Kamusta anak?" tanong nila.

Mabilis ko sila niyakap ng mahigpit at marahan na nginitian. " Mabuti naman po at sobrang saya ko lalo na kapag nakikita kong masaya ang mag-ina ko. "

" Masaya ako para sa inyo anak. " sambit ni Itay. " Ilang buwan na ba yan pinagbubuntis ni Eireen anak?" tanong ni Inay habang may ngiti ang labing pinagmamasdan sila.

" Kabuwanan na po ni Eireen Inay at habang lumilipas ang araw kinakabahan ako sa pagsilang niya sa pangalawang anak namin." bumalik sa aking alaala kung paano ako nataranta sa unang sila niya sa anak namin.

Narinig kong tumawa sila. " Aba't dapat masanay ka na. Di'ba sabi mo gusto niyo makarami?" tanong ni Itay.

Sa huli ako naman napatawa sa tinuran niya. Hindi na ako nakaimik lalo ng mapagawi ang paningin ni Eireen at wala pang ilang sigundo ay ngumiti sa'kin at kinindatan ako.

Awtomatikong lumaki ang ngumiti ako at parang uminit pa ang pisngi ko.

Napailing ako sa ginawa niya kaya inirapan niya ako. Bumaling ulit sa anak namin dalawang taon gulang na si Gwyn. Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Eireen noong panahon hindi pa siya nagigising mula sa coma.

Sabi niya nagkaroon kami ng anak na babae. Her name is Eara. Di ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko lalo ng sinabi niyang bumalik ako na kasal sa iba. Na hindi ko na siya mahal.

The heck! How can I do that to her? Kahit yata ilayo ako ni Mom sa kanya, alam ko sarili ko kung sino ang mahal. I can wait. Kaya kong maghintay ng matagal basta sa huli ako ang mahal niya, na akin siya.

Habang kinukuwento niya sa'kin iyon ay tahimik kaming dalawa umiiyak. Nagpapasalamat siya at hindi iyon totoo. Na siya ang mahal ko.Of course! Papaanong hindi ko siya mahal? Pagkatapos ang lahat ng sugal namin dalawa sa relasyon na pinaglalaban namin, bibitaw na lang ako bigla? Sinong siraulong pagkatapos magsakripisyon sa taong mahal nila ay susuko agad na hindi pa nakakamit ang gusto?

Yah! Kung meron man edi ibig sabihin lang iyon ay hindi sapat ang pagmamahal na nararamdaman nila para sa taong iyon. Hindi matibay at madaling matipag dahil lang sa may hadlang.

Tsk. Hindi dapat ganun kung mahal mo edi ipaglaban mo. Kung pakiramdam mo sa simula pa lang ay wala ka ng laban edi subukan mo parin. Aba, wala naman masama kung subukan mo ipaglaban ang nararamdaman mo. Ang totoong talo kapag lumalaban ka ay kapag sinabi ng taong iyon na hindi ka niya mahal, na hindi siya masaya sa'yo, na may mahal siyang iba.

Aba gising! Masakit pero kailangan tanggapin.

Bro it's okay kung magpapakamartir ka pero kapag nakita mo ang taong mahal mo na hindi siya masaya sa piling mo. Let her go and wait for the right person. Di masama maghintay kung kapalit naman ang tunay na kaligayahan sa taong nakatadhana sa'yo, why not diba?

Sa tagal na panahon pinaglaban ko si Eireen eto siya nasa tabi ko. May ngiti sa labi habang buntis sa pangalawa namin anak.

Nawala lang ang ngiti sa'kin labi ng maalala ko ang paninisi ni Eireen ng nalaman niyang nawalan kami ng anak. Ilang araw siya umiiyak nun at wala rin ako sinayang na oras na sinamahan siya at sinabi magiging okay ang lahat.

Bumalik ang ngiti ko sa labi ko ng makita kong papalapit sila sa amin.

I spread my arm and wait for them.

My Eireen hugged me tightly. While Gwyn, eto umupo sa kandungan ko at nanlalambing na yumakap sa'kin.

Nakaramdam ako ng kaginhawan dahil sa yakap ng mag-ina ko.

" Nay nasan sila Ethan at Nathan?" tanong ni Eireen habang kumukuha ng ubas sa basket..

Naisipan namin muna magpicnic sa labas pagkatapos ng stress sa trabaho.

" Naku! Hayun busy ang dalawa dahil malapit na ang graduation." tugon ni Inay.

" College na pala ang dalawa. Ang bilis parang kailan lang..." sambit Ni Eireen habang hinahaplos niya ang tiyang niyang malaki na.

Mukhang naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya kaya mabilis siya napalingon sa'kin.

Inirapan niya agad ako. Napatawa ako ng mahina at umiiling na umusod sa tabi niya. Inakbayan ko agad siya. I kiss her cheeks softy and whisper.

" I'm sure babae na yan." bulong ko at di makontento ay pinatakan ng halik ang leeg niya.

Namula agad ang pisngi niya at nahihiyang kinagat ang labi.

" Ofcourse! Magaling ka magshoot kaya papaano naman hindi magiging babae.." bulong niya at halos mangamatis ang pisngi niya.

I chuckled. " Only for you.. We will name her Eara katulad ng sinabi mo."

"Hmmm."

Tumungo siya habang pulang-pula ang pisngi. Nabuhay ang init sa buong katawan ko.

" I love you." I whispered.

" I love you too MJ. " she replied.

Oww. I love this girl. My naughty princess but actually she's ordinary and she loves me and I love her so much.

Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon