Hiraya

662 19 0
                                    


Gumagawa ako ng senaryo sa buhay na ako lang ang nakakakita,
Hindi ako gumagamit ng mahika o anumang uri ng salamangka,
Nalabanan ko ang dragon na gamit lamang ay makalawang na espada,
Naglayag na ako sa pinaka malamig na karagatan sa hilaga,
At nakuha ko na ang pinaka makinang na tala na nakatanim sa gitna ng uniberso at tinalo ang mga halimaw na nag babantay dito,
Di ako nag bibiro,
Di ako gumagawa ng kwentong barbero tungkol sa mga naranasan ko,
Basta nagawa ko na ang mga ito,
Pero hindi lang din saya o paglalakbay ang mga naranasan ko sa buhay ko,
Nalampasan ko na din ang iba't-ibang klase ng problema,
Mga mapanghusga na mga mata ng mga tao,
Mga pekeng pagmamahal galing sa mga pekeng tao,
Mga talim ng salita na tumagos na sa aking puso,
Na ginawa akong patay,
Kahit na ako ay humihinga pa,
Tumatayo parin kahit ang mga tuhod ay babagsak na,
Nakangiti parin,
Kahit na ako ay lumuluha na ng dugo,
Dahil masyado nang masakit ang pambubugbog ng mundo,
Masyado ko ng minahal ang sakit na dulot ng mga ito,
Sawa na ako,
Pero ako ay lalaban pa hanggang sa huling hininga,
Wala akong baril pero maituturing mo akong sundalo,
Dahil minsan ang problemang papatay sayo ay ang sarili mo,

Gumagawa ako ng senaryo na ako lang ang nakakakita,
Hindi ako gumagamit ng mahika o anumang uri ng salamangka,
Gamit ko lamang ay ang ilusyon, imahinasyon at pantasya,
At ang tawag ko dito ay Hiraya.

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon