Malamig ang gabi habang ang barko’y sumusunod sa indayog ng mga alon.
Hawak ang kaliwang braso, ako’y nakatingin sa malayo, walang iniisip. “Tahimik dito,” ang nasambit ko. Hind tulad sa loob na wala kang ibang maririnig kundi ang mga tsismisan at pagyayabangan ng mga pasahero.
Habang nagmumuni-muni biglang sumagi sa aking isipan ang buntis na ginang. Nakakatuwa ang giang na iyon, iba sya sa mga ginang na laman ng barkong ito. Siya ay mayroong mababang-loob at puso ng isang tunay na ina. Nakilala ko siya kaninang hapunan. Ganito ang nangyaro.
“Ang daming tao, saan kaya ako makakapuwesto para makakain,” bulong ko habang hawal ang tray.
“Kung sa kwarto naman ako kakain, ang layo para ibalik ang pinagkainan ko,” dugtong ko.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad at nakahanap na rin ng maaaring mapwestuhan, sa tabi ng pusteryosang ginang.
“Uhm, excuse me, pwede po bang maki-share ng table?” tanong ko.
Tiningnan ako ng ginang simula ulo hanggang paa na parang may hinahanap sa katauhan ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya at inaabangan ang pagbukas ng kanyang bibig at sabihing “sige makakaupo ka.”
Gusto ko na sanang umalis sa harapan niya dahil ang tagal siyang sumagot at patuloy pa rin siya sa pagsiyasat sa akin ng bigla siyang ngumiti. Sana eto na ang hinihintay kong sagot.
“Sorry hindi pwede,” sagot ng pusteryosang ginang.
Nang akin iyong marinig, gusto kong ihagis ang “tray” na hawak ko dahil sa haba ngt tanong atsa tagal ng aking itinayo sa harapan niya ay tatlong salita lang ang kanyang sinagot. Ang nakakapang-init pa ng ulo ay hindi siya pumayag sabayan pa ng aking gutom.
“Ah, eh, ganoon po ba,” sagot ko.
Patalikod na ako ng biglang may anghel mula sa langit ang nag-udyok sa aking na magpasalamat kahit hindi niya ako nagawan ng pabor.
“Sa-salamat po,” dugtomg ko ng may halong pagdadalawang-isip kung tama bang mgpasalamat sa kanya o hindi.
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng maaaring makainan hanggan sa hindi kalayua’y may tumawag sa aking pansin.
“Miss dito may bakanteng upuan,” anyaya ng isang gwapong nilalang.
“Ah!” una ko nasabi. “Sige, salamat,” dugtong ko.
Habang humahakbang ang aking dalawang paa palapit sa lamesa kung saan ang gwapong nilalang ay nakatayo, hindi pa rin nawawala sa akin ang ngiti. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa makakain na rin ako sa wakas o dahil sa kinikilig ako.
Sa lamesa, napansin ko ang isang buntis na ginang na kausap ang nag-anyaya sa akin sa lamesang ito.
“Iho salamat, huh, malat kasi ang lalamunan ko kaya hirap akong tawagin siya para ditto na lang maki-upo,” sabi ng ginang sa lalaki.
“Ayos lang po ‘yun. Oh, paano po babalik na po ako sa kwarto ko at matutulog na ko,” tugon ng gwapong nilalang.
Habang naririnig ko ang usapan nila, may nabuong konklusyon sa aking isipan. Si buntis na ginang pala ang tunay na nang-alok at hindi ang lalaking iyon. Hindi pala siya maginoo, napag-utusan lang pala siya. Kinilig pa naman ako kanina—totoo nga, ang ngiting iyon ay dahil sa kinikilig ako.