Kenzo
"Happy birthday I-sa, Happy birthday happy birthday , happy birthday to youuuuuu!" Masayang kanta ng mga dumalo sa kaarawan ni isamaya. Naaka suot ng floral red dress ang bata na bumagay sa kulay nitong kayumangi.
"Maraming salamat po!" Nakangiti nitong sabe habang nakatingin sa lahat ng dumali sa kanyang kaarawan.
Katulad nga ng sinabi ni pay-pay yung cake na ginawa namin ang nag silbing regalo naming dalwa.
"Hoi!" Pang gugulat ni pay-pay, binigyan konaman ito ng bangot na baangot na itsura na nanganga-hulugang hindi nya ako nagulat.
"Alam moba na tuwang tuwa si Isamaya nang nalaman nyang home made yung cake na regalo naten sa kanya" tuwang tuwang sabi nito
"Sabe pa nya natatakot daw syang tikaman ang gawa naten dahil wala namang marunong mag bake sa lahi namen hahahaha. Sabe konalang na isa kang master sa larangan ng pag ba-bake kaya ayun mukhang nakumbinsi naman hahaha" Hindi ko alam kung guni-guni bato pero nakinang ang mga mata nya habang sinasabi ang mga bagay nayun, Para akong inaakit at dinadala sa isang paraiso.
Ng hindi ko matagalan ang pag titig sa mga mata nito ay binalin konalang ang mata ko sa ibang lugar.
"Diba sabi mo hindi kapa nakakapunta sa pay-pay?" Pag tatanong nito, taka naman akong napatingin dito hindi ba't ito na ang sinasabi nyang lugar?
"Hindi paba ito ang pay-pay na sinasaabi mo?"
"Eto na ngayon pero sa taas na yun ang pinaka pay-pay" saad nito habang tinatahak ng daliri ang nasa likod ko na paakyat sa isang lugar na parang light house.
Nagulat ako ng bigla ako nitong hawakan sa kamay at hinila ako paakyat sa taas.
_______________________________
"Charan!" Sabi ni pay-pay habang naka inat ang dalawang braso na pinapakita ang napaka gandang tanawin ng karagatan.
Kitang kita dito ang asul na dagat at maliliit na isla, sa likudan naman nang light house ay makikita ang nag sisitaasang mga bundok. Napaka ganda ng lugar para akong nasa para iso sariwa at malamig ang ihip ng hangin na lalong dumadag dag sa kagandahan nang tanawin.
"Dito kinuha ang palayaw kong pay-pay" napatingin naman ako kay pay-pay ng mag umpisa itong mag salita.
"Napaka layo ng kimaya sa pay-pay, ipinalayaw yun saakin noong bata pa ako dahil kapag nakakagalitan ni inay ay dito ako dumederesto sa pay-pay at nilalabas ang saloobin ko. Hindi panga ako uuwi hangat hindi nila ako susunduin hahaha" napangiti ako ng marinig ko ang dahilan ng palayaw nya.
"Natutuwa ako kapag nakikita ko ang magadang tanawin nato nuong bata pa ako, hangang ngayon. Pakiramdam ko wala akong problema kapag tatanawin ko ang asul na dagat" dag dag nito
"Ang ganda ng alon" wala sa sarili kong sabi dito, dala siguro ng pag kamangha sa nakikita ko.
"May kasabihan ako tungkol sa alon" naagaw nito ang pansin ko kaya napatingin ako, at ayun nanaman ang mga mata nitong kumikinang habang nakangiting nakatingin sa alon ng dagat.
"Naniniwala ako na kapag nag padala ka sa alon o mapait na nakaraan mo ay hindi ka makakarating sa patutunguhan mo. Puwede din namang gamitin mo ang alo o mapait na nakaraan para mas madaling makapunta sa patutunguhan mo" namangha ako sa pananaw nya sa buhay, at kung paano nya yun sabihin. Nakatingin lang sya saalon ng dagat habang may ngiti sa labing binibigkas ang mga salitang iyon.
Fifth weeks End
_________________________
Author:
Gusto kong ipalala sa inyo na ang mga pananaw ng mga character ay katas ng isip at sariling pananaw ko din sa buhay, salamat.