2-12

4 0 0
                                    

Kimaya

"Kenzo si Susana pinsan ko, Susana si kenzo kaibigan ko." Pag papakilala ko sa kanilang dalwa.

"Nice to meet you Susana"

"Nice to meet  you too kenzo"

At nag shake hands silang dalwa. Nagulat pa ako ng biglang inilapit ni Susana ang kanyang bibig sa tainga ni kenzo at may ibinulong, ng mapatingin naman ako kay kenzo ay mas lalo kung ikinagukat nang makita ko ang pamumula ng mukha nito, eh?

Mga ilang minito pa silang ganon at ramdam kong buglang nag bago ang emisyon ko kaya iniwan kona silang dalwa doon at pumunta nlanag sa lamaesa, nakakaramdam ako ng matinding uhaw. Kaya kinuha ko ang malapit na inumin sa lamesa at ininom ito ng hindi tinitingnan.

"Bat ang pakla?" Pag tataka ko ng maubos ko ang kalahati ng bote non ng tingnan ko ito ay ganon nalang ang pagkagulat ko ng hindi pala tubig yun at isang lambanog.

Ilalagay kona sana ang lambanog sa lamesa ngunit ng mapatingin ako kina kenzo at Susana ay bigla akong nag init. Kitangkita ko kung paano bigyan ni kenzo ng matatamis na ngiti si Susana na para bang matagal nanya itong kakilala. Pero kapag saakin ni hindi nya kayang ngumit ng ganong katagal. Tumalikod na ako sa kanilang dalwa dahil pakiramdam ko ay nag lalaho lahat ng emosyon ko na bago sa pakiramdam ko, kaya't kinuha koyung lambanog at tiniik yon.

Mahigit dalwang bote na ang nauubos ko ngunit nandoon parin yung kakaibang nararamdaman ko pakiramdam ko mas lalo panga itong lumalala noong uminom ako, ito kase ang kauna-unahang uminom ako ng alak. Ng mapatingin ulit ako kina Kenzo at Susana ay tuloy parin ang hagi hikan ng dalwa, Hindi paba sila tapos?

Sa sobrang inis ay ininom ko ang huling alak sa baso at nag lakad papunta kina kenzo at Susana.

"Uuwi na tayo" makahulugang sabi ko dito, na ikinatigil ng kanilang tawanan.

______________________________

Kenzo

"Nako nako yang si pay-pay ay napaka layas noong bata pa, lalo na kapag napapagalitan ni tita bigla bigla nalang yan tatakbo at puounta sa paborito nyang lugar, sa pay-pay hahahahha" kanina panamin pinag kukuwentuhan si pay-pay yung una ay nahihiya pa ako ngunit nang sa huli ay nag wagi ang curiousity ko.

"Bat ka pumapayag na hangang kaibigan kalang? Ligawan mona habang may oras pa"

Ng maalala ko ulit ang binulong nito kanina ay hindi ko maiwasang ma pangiti. Kahit na aalam kong malabo iyon dahil malapit na ang pag alis ko.

"Jusko kung makikita molang ang damit nan noong bata pa puro putik hahaha numero uno ko kaseng kalaro yan pag dating sa patuhan ng putik" natawa naman ako sa naisip ko, maigi at nakikitapa sila ng magulang nila.

"Hahahahahahahhahahah maigi nga at hindi kami sa gabe nag lalaro ng putik baka hindi nakami mahanap ng mga magulang namen eh." Dag dag panito na mas lalong kinatawa ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Ihit kong tawa dito, ngayon nalang ako ulit ako napatawa ng ganto ah.

"Uuwi na tayo" natigil ang pag tatawanan namin ni Susana ng marinig namin ang boses ni pay-pay ng lingunin koto ay yun nalang ang ikinagulat konanag makita ko ang seryosong mukha nito.

"Ayos kalang ba pay-pay?" Nag aalalang tanong ko dito, ngunit binigyan lang ako nito ng bagot na ekspresyon na mas lalong kinagulat ko, hindi ako sanay na ganto iyon.

"Uuwi na tayo, Kenzo" pag uulit nito. Napa buntong hininga nalang ako at tumingin kay Susana binigyan koto ng tango at mukhang na intindihan naman nya na kailangan nanaming umales.

____________________

"Ayos kalang ba talaga?" Tanong kodito habang nag lalakad na kami Pauwi.

"Oo" sagot nito ng hindi man lang ako nililingon.

"Eh bat ang bilis mong mag lakad? Nag mamadali kaba?"

"Hindi ah, mabagal kalang sadya."

Mabagal? Eh halos takbo lakad nanga ang ginawa ko maabutan kolang sya.

Ng hindi kona makayanan ang pinapakita nito saakin ay mas lalo kong binilisan ang lakad ko para maabutan sya. Ng makalapitv na ako sa kanya ay hinawakan ko ang braso nya at iniharap saakin.

"May problema ba pay-pay?" Nag aalalakong tanong dito.

"Wala nga sa-" ng maamoy ko ang amoy ng alak sa kanya ay pinutol ko ang sasabihin nya at nag tanong.

"Uminom ka?"

7 weeks Where stories live. Discover now