#FITTL | Chapter 7
Tumikhim ito at sinuklay ang itim na itim na buhok, bahagya pang namamawis ang sintido nito marahil ay dahil sa ginawang milagro kanina.
“What are you guys still looking for? The fucking show is done already.” ismid nito, pansin ko na miya't-miya ang pagtatapon nito ng tingin sa'kin.
Mahina akong napasinghap, naalala kong tataguan ko nga pala siya!
Hinawakan ko sa braso si Sunshine at hinila na ito, gusto ko ng mawala sa paningin niya at malayo ng isang metro mula sa kanya.
Gusto kong mandiri, pero inis ang bigla kong naramdaman ng maanalisang hindi niya ako nakilala!
Sabagay, baka nasanay siya sa itsura kong mukhang jologs noon. Parang ewan na laging dadalo sa isang gang war.
“Wait.” boses ni Hestian, napapikit ako dahil ang akala ko'y nakilala na niya ako.
“Ay, ano 'to?” boses ni Sunshine ang muling nagpamulat sa'kin. Ang mga mata ko'y bumaba sa mga palad ni Hestian na ngayon ay nakakapit sa braso ni Shine.
“Let's talk for at least, a minute.” sinserong anito. Kumuyom ang panga ko at pinigilang sumali sa usapan nila.
“Ow, talk, eshte ke eyen..” pabebeng sagot ni Shine, gusto ko siyang sampalin ng kaliwa't kanan, taas baba. Inipit pa nito ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya.
Ngumiti si Hestian, sinulyapan ako nito bago hinila papunta sa kung saan ang kaibigan ko.
Nanggigigil ako.
Parang gusto kong paduguin ang pagmumukha ng lalaking 'yon, balak niya bang i-sunod ang kaibigan ko?
Sa isipin na isusunod niya ang kaibigan ko'y mabilis akong napakaripas ng takbo papunta sa direksyong tinahak nila kanina. Nagtago ako ng maabutan silang magkaharap.
“Huh?” iyon ang naabutan kong sinabi ni Shine. “Ano pang hindi ko sasabihin, eh nakita na rin ng kaibigan ko yung ginawa mo?” gulong-gulong dagdag nito.
Medyo naguluhan din ako sa pinag-uusapan nila, sayang at hindi ko nasimulan.
“No. Not your friend there, what I'm pertaining here is Sky. Skyline.” si Hestian.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin nito ang pangalan ko, tila iyon musika sa pandinig ko.
Tumawa si Sunshine, mahina pa nitong hinampas ang makisig na balikat ng takang-taka na si Hestian, minamanyak na niya ang isa.
“Ano ka ba? Isa lang ang kaibigan ko ano! Yung babaeng nakita mong kasama ko kanina, si Skyline 'yun. Nag-make-over lang, grabe ka huh!” anito at hindi pa mamatay sa kakatawa habang ngayon ay nakadikit na ang noo sa matigas na dibdib ni Hestian. Bwisit na manyakis.
Ewan ko ba sa sarili ko, kanina nung makita ko ang milagro ni Hestian doon sa kasama niyang anak ni satanas ay may poot akong naramdaman sa kaibuturan ng puso ko. Sa isiping nagawa na namin iyon tapos gagawin niya rin sa iba ay nasasaktan ako, parang gusto ko siyang sumbatan.
Ego ko ata ito.
At ngayon, sinabi ni Shine na ako nga ito, bahagya akong nasiyahan. Siguro ay ginusto ko ring malaman niya na ako yung sugar niya.
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
Ficción General- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky