Chapter 2
"Nalipasan lang siya ng gutom, wala na po kayong dapat ipag-alala"
Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Ma'am belle na pinapaypayan yung sarili niya at isang nakasuot ng puti na babae hula ko isang doktora. Nilibot ko yung paningin ko at nakita kong nasa isang silid ako na napaka linis. Guestroom ata ng mga Estabillo.
Gumalaw ako unti kaya naagaw ko ang atensyon nila.
"Jusko mariyah! Okay ka na ba Alliah?" Agad lumapit saakin si Ma'am Belle at tinignan kung ayos lang ba ako.
Tumango ako sakanyan para sabihin na ayos lang ako.
"Always ba ito Alliah? Na hindi ka kumakain sainyo kaya ka maaga dito?"
"H-hindi po Ma'am, kanina lang po ako w-walang kain d-dahil wala po kaming bigas" napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi.
"Iha, hindi maganda sa kalusugan ang hindi kumain. Kaya ingatan mo yang sarili mo at wag na wag mong kalimutang kumain" Sabi ng doctor.
Tumango ulit ako at tumayo na.
Nang may naalala ako ay lumapit ako kay Ma'am Belle. Nilapit ko yung mukha ko sa may tenga niya para bumulong.
"Ma'am Belle wala po akong pera para pambayad sa doctor" natawa ng bahagya si Ma'am Belle sa sinabi ko at humarap saakin. Pinaypayan niya yung sarili niya tila stress na stress na sa kanyang narinig.
" jusko nimo dai! Wag kang mag-alala dahil yang si Doctor Marian ay family member yan ng mga Estabillo"
"H-ho? So Wala na po akong babayaran?" Bahagyang tumango si Ma'am Belle kaya napa hinga ako ng maluwag dahil dun.
Lumapit ako kay Dr. Marian at nagpasalamat sakanya. Medyo nagtagal pa ako sa pakikipag usap sakanya dahil madami siyang pinaalala saakin na dapat ay hindi ko palipasin ang gutom.
Nang natapos na kaming mag-usap at magpasalamat ay lumabas na ako sa silid. Nauna ng lumabas si Ma'am Belle kanina habang nag-uusap kami ni Dr. Marian dahil may aasikasuhin pa daw siya sa kusina.
Lumingon ako sa buong paligid ng mansion at namangha ako sa kung gaano kaganda ang kanilang disenyo.
Napatigil ako ng may maalala ako.
Sinong nagdala saakin dito? Imposible namang si Ma'am Belle dahil pamaypay lang laging dala nun.
Baka isa sa mga trabahante ng Estabillo?
O kaya si Mang Berto?
Palabas na sana ako ng Mansion ng nakarinig akong may pababa sa kanilang engranteng hagdanan.
Dalawang makikising na Lalaki ang una kong nakita.
Napaawang ang bibig ko dahil sa ganda ng kanilang katawan. Nang tumingin ako sakanilang mukha ay halos hindi na ako maka galaw. They look like a goddess!Lumakas yung kabog ng dibdib ko ng napalingon sa gawi ko yung isang lalaki.
Ngumiti ito ng malapad at lumapit saakin.
"Hey are you lost?" Tanong niya
Napailing naman ako napayuko.
"H-hindi po p-pasensya" sagot ko ay tatalikod na sana ng magsalita na naman yung lalaki.
"Ikaw yung trabahante na nawalan ng malay kanina?" Tanong niya ulit.
Tumingin ako sakanya or should I say sa kanilang dalawa? Yung nagtatanong saakin ay nakasuot ng Gray shirt with Blackshort at nang ibaling ko yung paningin ko sa likod ay halos umatras na ako sakanyang pamamaraan ng titig.
BINABASA MO ANG
La Hacienda [COMPLETED]
Historia CortaIsa lamang trabahador sa Hacienda si Alliah nang makilala niya ang dalawang magkakapatid na Estabillo. Nung una ay hindi naniniwala sa Love at First Sight si Devon pero nung makita niyang nawalan ng malay si Alliah ay nakita niya ang pinakamagandang...