Six - Reunited

88 2 7
                                    

Bago matapos yung buwan, nag-air na sa TV yung music video namin with Gracenote. Maganda naman yung naging resulta tsaka maganda rin yung response ng mga tao dahil nag number one agad yung music video sa MYX.

Dahil dun, tumawag sakin si Sir G at sinabing nagustuhan daw ng isang sikat na producer yung music video namin ni Jb. Maganda raw yung chemistry namin kaya gusto niyang mag-produce ng isang short film with us.

Wtf. As in wtf nagulat ako! Ino-offer-an nila ako ng isang short film with Jb Ledesma?! FOR REAL?!? O_____O

Siyempre tinanggap ko agad! Sino ba namang tatanggi dun diba??

Two days later, nagkaron na agad ng meeting with the production team. Ibang direktor na, ibang producer, ibang staff. Lahat nagbago maliban sa isang bagay.. si Jb. Ka-loveteam ko pa rin si Jb sa project na 'to.

Nung pinabasa sa amin yung script, natuwa ako kasi action film pala ang gagawin namin. Isang malaking challenge agad 'to sakin kasi first time ko pa lang makabilang sa isang short film na action ang theme. Actually, kahit si Jb pala, first time din. Madalas kasi sa drama or romantic comedy siya umaarte. So ayun, hindi lang ako ang excited.

After one week, nagsimula na rin ang shooting. Ito agad pambungad sakin ni Jb..

"Hi Anna! It's nice working with you again." Sabay bigay sakin nung nakakatunaw niyang ngiti.

Ngayon lang kami ulit nagkita. Wala namang nagbago sa itsura niya, gwapo pa rin as usual.

Buti na lang light lang yung scenes ngayong unang araw ng taping. Hindi ako masyadong napagod. Tuwing nasa holding area kami ni Jb, nagkukulitan lang kaming dalawa. Picture picture gamit yung props sa set. Nakakatuwa pala talaga kapag action film yung ginagawa kasi maraming props.

Nung malapit na kaming mag-packup, nag-ayang bumili ng pagkain si Jb.

"Tayo lang?" Tanong ko.

"Oo. Bakit, kailangan mo pa ba ng assistant?"

"Ay, hindi na. Tara."

Naglakad kami papunta sa isang convenience store pero bago pa kami makarating dun, biglang umulan ng malakas. Nataranta kami pareho kasi wala kaming dalang payong. Buti na lang may waiting shed sa 'di kalayuan kaya nakasilong kami dun. Pero nabasa pa rin kami.

"Naku lagot tayo. Bakit kasi biglang umulan ng malakas eh. Dala mo ba phone mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi nga eh. Ikaw rin ba?"

"Hala pano yan? Hindi ko rin dala yung akin." Medyo nag-panic na ako. 'Di ko na kasi alam kung anong gagawin.

"Maghintay na lang tayo dito. Baka sakaling tumila yung ulan." Sabi sakin ni Jb.

"Paano kung hindi tumila?"

"Wag mong isipin yun. Titila rin yan in no time."

Ngumiti siya sakin tapos tinanggal niya yung jacket niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Mas kailangan mo 'to." Sabi niya.

Sinuot niya sakin yung jacket. Ang sweet niya talaga. Na-touch ako sa ginawa niya.

"Salamat." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Pagkatapos nun, hinawakan niya yung kamay ko. Hinayaan ko lang siyang gawin yun dahil nakaramdam ako ng security sa ginawa niya.

Lumipas ang dalawang oras pero hindi pa rin tumitila yung ulan. Sobrang lakas pa rin. Pati yung hangin malakas. 

"Jb, nagugutom na ko. Paano na tayo makakaalis dito?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Konting tiis na lang muna, Anna. Hintayin lang natin tumila yung ulan."

"Eh dalawang oras na tayong naghihintay dito." Frustrated kong sinabi.

Bigla niyang ni-rub yung mga kamay niya sa isa't isa at nilagay yun sa magkabilang pisngi ng mukha ko. 

"Wag kang mag-alala, kung hindi man tumila yung ulan, nandito lang ako sa tabi mo." He assured me.

Dahil sa sinabi niya, nag-iba yung pakiramdam ko. Sakit ng tiyan na lang yung ininda ko pero hindi na ako natakot. Dahil kay Jb, nawala yung takot ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Summer Fling [ON HOLD]Where stories live. Discover now