Maraming beses na akong nasaktan. Hindi ko na yata mabilang sa dami. Sabi nga nila sa buhay na ito walang nakakalabas ng walang bahid ng sakit. Kumbaga, Pag nabuhay ka. Umasa ka ng masasaktan ka in some point in your life.
Maraming pwedeng pagkuhanan ng mga sakit na yan. Pwedeng sa pamilya, kaibigan, kaklase, kapit-bahay o yung tao man na pinag alayan mo ng puso mo. Yung taong nagpabago sa mga paniniwala mo.
Bata pa lang ako namulat na ako sa hindi kagandahang pamilya. Broken family kumabaga. Naghiwalay ang mga magulang ko siguro around 5-6 ako. At dahil matalino akong bata. Gets ko na agad na hindi normal ang pamilya ko. Naaalala ko pa noon ang pagmamakaawa ng tatay ko sa nanay ko. Naalala ko rin ang mga pigil na hikbi ng nanay ko. Fresh na fresh sa utak ko ang mga nangyari. Bata pa noon ang dalawa kong kapatid kaya naman hindi pa nila naiintindihan ang mga nangyayari. Buti nalang. Ayokong danasin nila ang dinanas ko. Siguro habang buhay ko na yung babaunin. Kasi pilit ko mang alisin sa utak ko. Talagang makulit at nagsstay sya. Yun siguro ang unang pinakamasakit na nangyari sakin. Unang sugat na bigay na sarili kong pamilya.
Pero hindi rin naman nagtagal e naging ok din ang lahat. Tuluyan mang naghiwalay ang mga magulang ko. Nakahanap naman sila ng partner sa katauhan ng stepmom at stepdad ko. Pareho silang masaya. At masaya ako para sakanila. Parang lumawak kasi ang pamilya ko. Extended family kumbaga. Sobrang saya ng may malaki at dalawang pamilya. kaya naman hanggang sa school e nadadala ko ang positivity ko. Masahin akong bata noon. Pero hindi lahat ng bagay ay sasangayon sa mga gusto nating mangyari sa buhay. Kung may saya may sakit. Parang package. Buy1get1.
Maganda naman ang performance ko simula nagumpisa ako mag aral. Hindi ako nawawala sa honor. Panlaban ng quiz bee, Spelling bee at kung ano ano pang bee. Makulay ang 4 na taon ko sa elementarya ngunit nagiba iyon ng tumungtong ako sa 5th grade. Nahiwalay ako sa mga kaibigan ko. Since mataas ang grades ko napunta ako sa section 1 at ang mga kaibigan ko ay naiwan sa mababang section. Dahil wala nga akong kaibigan sa section na iyon ay tinry ko makipagkaibigan sa mga kaklase ko. Pero hindi nila ako gusto.
Sinong hindi gugusto sakin? Matalino ako, May kaya ang pamilya at Hindi naman ako mabaho. kaya nagtataka ako kung bakit ganoon nalang ang pag ayaw nila sakin? Hindi manalang nila ko binigyan ng chance ipakilala ang sarili ko. Pero ganun na nga siguro. May mga bagay na hindi mo kontrolado. May mga bagay na hindi para sayo. Kaya naman ibinuhos ko ang lahat ng oras ko sa pag aaral. Wala akong kaibigan. At madalas tampulan ng tukso. Maarte. Mayabang. Feeler. Yun lang siguro ang matandaan ko sa dami ng mga sinasabi ng mga babae kong kaklase sakin. Minsan narin akong natapunan ng lunch ng isa kong kaklase. Kanin at hotdog ang laman ng lunch box nya kaya naman nagdikitan ang mga kanin sa buhok ko at kaylangan kong magpatulong sa mga kaibigan ko sa kabilang section para tanggalin ang mga kanin na nakadikit na yata sa anit ko. Pero may isa pang bagay ang sobrang nagpasakit sakin. Ang malamang pinapagkalat ng mga babae kong kaklase na sipsip ako at nilalandi ko daw ang noong english teacher namin para maging top 1 sa klase. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang ganoong kweto. Gusto ko na silang kulamin nun pero ayokong gumaya sa mga ugali nilang ganun. Ayokong maging masama.
Noong araw na marinig ko ito. Pumasok parin ako sa klase ko ng tahimik. Bata pa ko nun kaya hindi ko alam kung paano ihandle ang mga ganitong bagay. Kaya ginawa ko nalang ang lagi kong ginagawa. Mag aral.
Pero siguro sobra lang ang kayang buhatin ng puso natin. Hindi ko yata kaya yung sobra sobra. Kaya paguwi ko ng araw na yun sa bahay. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa namaga na ang mata at ilong ko. Yun yung pangalawang beses na nasaktan ako o umiyak ako. Madalas akong masaktan pero hindi ko binibilang yung maliliit na sakit. Yung mga grabe lang.
Mabilis naman lumipas ang mga taon. Grumaduate ako bilang 3rd honor sa batch namin. Hindi ko man nakuha ang 1st honor masaya parin ang mga magulang ko dahil doon. Alam naman nilang ginawa ko ang best ko. Pero kahit na appreciate nila ang effort ko. Walang pumuntang magulang sa graduation ko. Tita ko lang ang umattend sa graduation. Ang nanay ko ay nasa ibang bansa at ang tatay ko naman ay nahihiya daw umattend ng graduation ko since hindi naman sya ang nagpa aral sakin. Kaya wala akong choice kundi umattend ng may sama ng loob.