"Serial Killer"

4 0 0
                                    

"Kyahhhhhhhhh!"
Matinis na sigaw ng babae sa gym ng school kaya agad akong lumapit don at nabigla sa nakita ko...

Isang lalaking naliligo sa kanyang sariling dugo.

Kung isang simpleng tao lang ang titingin dito ay mukha itong suicide ngunit hindi. Ito ay isang murder na pinagmukhang suicide.

"Detective Joyce!" tawag sakin ng head ng police ng school namin.

"Sir Lucas! Anong nangyari dito?" tanong ko.

"Mukhang suicide to Joyce e. Tumalon sya mula sa 2nd floor ng gym." kamot ulong sagot nya

"Pwede po ba akong pumasok sa crime scene?" tanong ko.
At tinanguan nya lang ako.

Agad naman akong nag suot ng gloves at dali daling pumasok sa crime scene.

Inuna kong tignan ang pulso ng biktima.

"Lima hanggang 10 minuto nang patay ang biktima" bulong ko sa sarili ko at agad na tiningnan ang relo ko.

"3:30 pm na. Maaring nangyari ang krimen mula 3pm to 3:30" saad ko pa.

Habang tinitingnan ko naman ang damit ng biktima ay may napansin akong sulat sa may bulsa nya kaya agad ko itong tiningnan.

• •/••• •••/•• ••/• •••••/••• •/• •

"Tap code" bulong ko sa sarili ko.

"Babe! Babe! Anong nangyari kay blake? Sagutin nyo ako!" nagulat ako ng biglang dumating si Angela ang girlfriend ng biktima.

Lumabas na ako sa crime scene para idecode ang code Nang dumating ang tropa nya na si Ashton at lumapit sakin.

"Anong nangyari dito Joyce?" tanong nya

"Nakita yung bangkay ni Blake na nakahandusay dyan. Tumalon daw galing sa second floor" sagot ko.

"So suicide?"

"No it's not a suicide" sagot ko at umakyat sa second floor.

Pagdating ko sa second floor na pinanggalingan ng katawan ni blake ay may nakita pa akong isang papel.

AM:18:7:19:14:00:

agad kong dinecode ang dalawang code at tyaka bumaba sa crime scene.
Nandon parin ang suspect. Time to shine Joyce!

"Officer Lucas, hmm. Mukhang kilala ko na kung sino ang serial killer." pag uumpisa ko.

"Sino?" inosenteng tanong ni Officer Lucas.

"Ashton, nasan ka ng mga oras na 3pm to 3:30 pm?"

"N-nasa canteen ako" nauutal na sagot nya.

"Meron bang makakapag patunay na nasa canteen ka nga ng mga oras na yon?"

"Ako!" saad ni Angela

"Ashton wag kanang mag maang maangan. Ikaw ang pumatay kay Blake" deretsahang sagot ko.

"May gusto ka kay Angela kaya mo pinatay si Blake!" dugtong ko pa.

"A-ano?"

"Ano ashton? Mag maang maangan kapa? Huli kana! Nakita ang panyong to sa 2nd floor, akalain mo nga naman. Mismong lugar pa ng pinag hulugan ng biktima ang napaghulugan mo neto? What a coincidence!" Mangha at dire-diretsong sabi ko.

"T*ngina mo Joyce!" Sigaw ni Angela.

"Ako ang pumatay kay Blake! Wag mong idamay si Ashton dito!" Sigaw ni Angela at saka sya umiyak.

"Hindi Angela! Tayo ang gumawa nito! Wag mong akuin ang lahat!" Paiyak naman na sabi ni Ashton.

"Joyce, ako nalang ang ikulong mo wag na si Angela." Pahabol pa nya.

"No Ashton! Ako ang dapat na ikulong! Ako ang nagplano neto kaya ako ang dapat na   ikulong!" Sigaw ni Angela sakanya.

At ako? Napangisi nalang ako dahil sa kaartehang nalalaman netong dalawang to. Kaya nilabas ko ang papel na nakuha ko sa crime scene.

"Angela" banggit ko sabay pakita ng naunang papel.

"Ashton" saad ko muli at pinakita pa ang isang papel.

"Pareho kayong may kasalanan kaya pareho kayong makukulong! Puro kayo kalandian!" Saad ko.

"Ashton tropa mo si Blake diba? Bakit mo nagawa to? Ah Alam ko na. May gusto ka kay Angela pero hindi mo siya maangkin dahil kay Blake na sya. Kaya naisipan mong patayin nalang si Blake para wala bang sagabal sa relasyon nyo!" Kunwaring namamanghang sabi ko.

"Hindi! Mali ka! Pareho naming gusto ang isa't isa kaya plinano ko to para makapagsama kami!" Sigaw ni Angela

"Officer Lucas, Alam mo na ang gagawin mo." Sabi ko.

"Tsk kumagat agad sa pain nakakainis naman!" Pabulong na sabi ko at tyaka umalis na sa krimen.

One shot compilation!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon