A Bet to Remember - Chapter 1

30 0 0
                                    

Unang araw ng klase. Ordinaryong mga tao ang nasa paligid ko. Ordinaryong paaralan, ordinaryong mga kaklase at ordinaryong mga propesor. Nakakatamad. Sana walang mangulit sakin. I don't intend to make friends. I don't even know the benefits of having friends. Of course I wouldn't do something without any benefit(s). Maski ang pagpasok ko sa eskwelahan ay may benefit. My parents allowed me to stay in a house wherein ako lang ang nakatira at yung isang katulong. Mas maganda sana kung ako lang pero ayoko rin namang mabother sa pagluluto at kung ano pang gawing-bahay. Kaya okay na rin yan. Kapayapaan ang nananaig sa bagong tirahan ko. Walang parents na pinapansin ang kada kilos ko. At mabait si Ate Lucia (yung katulong namin, I prefer to call her Ate than Yaya). Tahimik pa siya at hindi niya ako pinapakelaman. The perfect person to be with in the house.

Masyado palang maraming tao dito. Ayoko pa naman sa mga tao. Allergic ako sa kanila. Ayoko ng mga girls. Especially those girls who see their faces as coloring books. Kung ano-ano na lang ang kulay ng mga mukha nila. Ayoko rin sa personalities nila. Yung iba, sobrang aarte, parang hirap na hirap sabihin ang "r". Puhraaaang... puhraaaang. Ganun. Yung iba sobrang sensitive, yung tipong masagi mo lang yung maganda "raw" niyang bag eh susumpain ka na hanggang langit. Yung iba sobrang martir, yung tipong hangang uminom ng isang gallong zonrox para lang sa pag-ibig. Pero bakit nga ba naging ganyan ang mga babae? Bakit sila nagpapaganda? Dahil insecure sila sa ibang mga babae? Hmmm. Pwede. Pero, bakit sila naiinsecure sila sa mga babae? Yes. Alam niyo yan.

Madalas din naman nilang problema ang girls pero mas madalas na sila ang gumagawa ng sarili nilang problema. Pinanganak silang mayroong advantage sa mga girls. Hindi nila kailangan sumabak sa isang matindi at madugong giyera kada buwan, hindi nila kailangan ng mga pangkulay ng mukha dahil required sa trabaho, hindi nila kailangan mag50-50 para magkaroon ng anak, at higit sa lahat, hindi nila kailangan mag-ahit ng kili-kili. Napakasuwerteng mga nilalang. Sana lang ay naappreciate nila ang kasuwertehan nila.

Siyempre hindi ako babae, hindi rin ako lalaki. Hindi rin ako bakla, tomboy o kung ano pang gender  ang maiimbento sa mundong ito. Mayroon akong teorya. Isa talaga akong super-alien na nanggaling sa planetang XXXX. Sadyang parehas lang ng physical features ang mga tao dito at ang mga tao sa planeta namin. Alam kong hindi kayo naniniwala sa teorya ko. It's okay. You don't need to.

"Hello~~~! Ako nga pala si Nicole. Ikaw??"

"None of your business."

"Wahhh. Ang sungit mo naman."

Nakalimutan ko palang banggitin yung ganitong mga klaseng babae. The "pa"-cute and "pa"-innocent type. Better not involve myself with this person. Ahhh. Better not involve my self with anyone.

"Uiiii~ Pansinin mo na ako. Dali. Ano name mo? ^___________^"

I'm right about what type of girl she is.  Makulit pa to. Sigurado.

"Sige na~~ Let's be friends."

"I don't want to. Leave me alone."

"WAAAAHH~~~ Sungit mo naman. Huhuhuhu."

Nyeek. I really hate girls.

"Okay, class. I am your professor, Ms. XXXX. I will be arranging your seats alphabetically. Please stand and stay in front."

Nothing usual. Lahat ata ng profs eh ganito ang gagawin sa seating arrangements. Dapat yung makatabi ko ay tahimik lang at yung hindi ako papakelaman.

"Ms. Santillan, beside Mr. Rodriguez."

Hm. Buti lalaki. Hindi mangungulit yan. Wait.

"Hello, Ice princess, Chase Rodriguez here. Don't forget our bet. ~_^"

Snap. That guy from earlier. The bet guy. Hmph.

"Ms. Santos, beside Ms. Santillan."

"Hello Ms. Santillan, naaalala mo pa name ko? Nicole. Ayiee~ Magkatabi tayo. Papansinin mo na ako."

This is hell. I want to have a peaceful class everyday. Bakit ba sila pa ang mga katabi ko? I better transfer to another section.

"Excuse Maam, may I go out?"

"Okay."

--------------------------------------------------------------------------

"Miss Santillan, kung papayagan kita magtransfer ng section, marami ring magpapalipat. No, my decision is final. Diyan ka na."

"Yeah right. Lilipat na lang ako ng course."

"Miss, nagsimula na ang klase. You are not allowed to shift."

"First day pa lang naman eh."

"No. Kung gusto mo magshift, next sem na. Itry mo muna dito. Eto yung pinili mo eh. Next semester, I promise na papayagan kita."

"Daddy naman eh. I'm your daughter, right? I have a feeling na hindi kayo nagdrawlots ni mommy. Pinili niyo lang yung university na to."

"You said anywhere is fine. I might allow you to transfer to other university, NEXT SEM.  End of the conversation. Go back to your class now."

------------------------------------------------------------------

Arrrrrrrrrrrghhhhhhh. This is really getting on my nerves. I hate everyone. I hate people. Bakit ba kasi  ako lang ang super-alien dito. Tsk.

"Kapag sumama ka sa MATATALINO, magiging matalino ka. Kapag sumama ka sa mga ADIK, magiging adik ka. Kapag sumama ka sa AKIN, magiging akin ka."

T___________________T

What the?

"Leave me alone."

"I will not give up Ice Princess. Not until I see you smile. Sabi nila, kapag pinaghihirapan ang isang bagay, mas lalong masarap sa pakiramdam. Mayroon pa naman akong 13 hours para mapangiti ka."

T_________________T

Geez. Really. This guy, that girl, and that old man, together with that old woman. Hindi ko na lang kayo papansinin. Hindi na lang ako aatend ng klase.

"Hoy, Ice Princess, malapit na magnext period, san ka pupunta?"

"None of your concerns."

"Anong none of my-----"

"Miss, saan ka pupunta? I forgot to tell you na may conditions pala yung usapan natin kanina. Kailangan mong magkaroon ng Good Standing. At kailangan ay mayroon kang perfect attendance in all subjects. Papayagan kitang umabsent kung may sakit ka or may emergency. Other than that, hindi pwede. You better go back to your classroom now. I will be your professor in Fundamentals of Accounting I, your major subject, 6 units. Estudyante rin ba kita hijo? Bumalik na kayo sa classroom."

"Wahhhhhhhhh~ Miss Santillan. You are here. Plano kitang kulitin hanggang sabihin mo sakin ang pangalan mo. Alam kong deep down inside eh mabait ka. Sige na~ Let's be friends."

Nagsamasama pa sa harapan ko ang tatlong ito. Pero siyempre, no choice ako sa ngayon. I have to bear with these people for one semester.

For now, goodbye solitude. I will miss you.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Bet to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon