Chapter 7

18 1 0
                                    

Dmitry 

'Ano bang nangyayari kay Callum? Bakit parang may hindi tama? Bakit bigla nalang siyang di namansin? Kahapon nagising ako na paalis na siya tinanong ko kung bakit ang aga tapos tingnan lang niya ako tapos umalis na. Tapos tinarayan niya lang ako sa CR sa Medical Building. Nung kasama ko sila Everett nakasalubong namin siya tapos di niya nanaman ako pinansin at dahil dun pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan ko. Ngayon naman sinabi niyang busog siya kahit di pa siya nag-aalmusal nung niyaya ko siya kumain. Noon naman ok kami sa isa't isa, nung bago magstart ang school year, nung wala pang pasok. May ginawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?' Pinilit kong alalahanin ang mga nagawa at nasabi ko ang tangi ko lang naiisip ay yung pagtawag ko sa kaniya ng Babe at Baby.

Callum 

Natapos na rin ang second day sa wakas, nakakapagod. Dumiretso na ako pauwi para makapagpahinga at maligo, nanlalagkit na kasi ako eh. Pagkauwi na pagkauwi ko napabulagta nalang ako sa kama tumingin ako sa cellphone ko para sa oras na nakita ko namang 3:17 na. Nakipagtitigan ako sa kisame ng dorm hanggang sa di ko napansing nakatulog na pala ako.

Nagising ako at tinignang muli ang cellphone ko na hanggang ngayo'y hawak hawak ko pa rin. 6:24 ang oras na nakalagay sa bandang taas ng screen nito.

"Maliligo na nga ako sobrang init". Sabi ko. Wala naman akong kausap.

Pinatay ko ang shower ng makarinig ng pagkatok sa pintuan ng banyo. "Callum matagal ka pa jan?" Tanong ni Dmitry. 'Himala hindi niya ako tinawag na Babe o Baby' . "Mabilis nalang, patapos na rin ako eh." Sagot ko sa kaniya. "Ok". Tipid niyang sagot. 'May problema kaya yun?'. Muli kong pagkausap sa aking isipan.

"Ah Callum? Callum, ok lang ba sa'yo na Buttered Shrimp ang ulam?" Tanong niya habang nasa kusina siya at ako naman ay nasa kwarto. "GEH LANG, MAHILIG RIN NAMAN AKO SA HIPON EH.". Sigaw ko para marinig niya ako. Hindi nanaman niya ako tinawag ng Babe o Baby ah.

Maya maya tinawag niya na ako. "Callum luto na yung ulam kain na tayo". Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at pinuntahan siya.

"Wow mukhang masarap ah!" Pagpuri ko sa nakahain sa mesa. Dahil bukod sa Buttered Shrimp ay nagluto rin siya ng Pumpkin Soup. Tumango lang siya at medyo ngumiti sa sinabi ko na dapat ay nagyayabang na siya ngayon. Sobrang awkward ng pagkain namin dahil sobrang tahimik ang maririnig lang ay ang tunog ng pagtama ng kubyertos sa isa't isa pati na sa plato.

"Callum kapag tapos ka na kumain ilagay mo na lang yung pinagkainan mo sa lababo ako na magliligpit." Sabi niya sa akin matapos niya kumain. Kung dati ay hinhintay niya pa ako matapos at nakatingin lang sa akin habang kumakain ngayon puro kabaliktaran na.

Nagbanyo ako matapos kumain at paglabas ko ay naabutan ko na siyang nakahiga sa kama at nagcecellphone. "Ah Callum pakipatay nalang nung ilaw kung matutulog ka na". Sabi niya ng di tumitingin sa akin. Sinunod ko nalang at pinatay ko ang ilaw bago humiga sa kama.

Hindi ako makatulog sa kaiisip kung anong meron kay Dmitry at bakit siya nagbago. "Dmitry? Dmitry tulog ka na ba?" Tanong ko habang nakaharap sa direksyon niya. "Oo Callum kaya matulog ka na rin." Sagot niya. "Dmitry seryoso ako". Humarap siya sa akin matapos ko iyon sabihin. "Callum seryoso din ako kaya matulog ka na dahil ang alam ko maaga ka bukas at matutulog na rin ako dahil pagod ako't antok na antok na.". Muli siyang tumalikod sa akin ng masabi niya iyon. 'Ah kaya pala siya ganun kasi pagod at antok. Ok, akala ko naman nagbago na siya hehehe'. Sabi ko sa isip ko bago matulog.

Nagising ako kinabukasan na wala nanaman siya sa kaniyang kama kaya naisip kong baka nasa kusina lang ulit siya. Pumunta ako sa kusina at wala akong ibang nakita kundi ang mangkok na may nakadikit na parang sticky note.

Nilapitan ko ito para basahin at tignan kung ano ang laman ng mangkok. "Callum ito ang kainin mo at kung gusto mo magkanin meron jan sa rice cooker. Umalis na ako kasi may pupuntahan kami nung mga kaibigan ko". Ang ganda pala ng sulat kamay ni Dmitry. Pero bakit Callum ang nakalagay? Hindi Baby o Babe, akala ko ba pagod lang siya kagabi at inaantok kaya ganun siya. Ano yun paggising sa umaga pagod agad. Pwede rin namang di niya sinasadyang di malagyan. Hayaan ko na nga lang m

Our First Night, Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon