Author's Note: Medyo mahaba-haba ang update ngayon pero pagtyagaan niyo na lang basahin. XD
-------------------------------------------------------------------------------------------------
“Hindi, hindi ako in love sa kanya. Hindi! Impossible ‘yun. Ako? In love? Whahahahaha what a joke!” Napapatawa na lang ako sa sarili ko tuwing nasasagi sa isip ko ang word na LOVE.Tinitingnan na nga ako ng mga tao na parang baliw kasi bukod sa nagsasalita ako mag-isa ay tumatawa din akong mag-isa.Oh diba? Ako na talaga ang totoong baliw. Hahaha
“Sinong in love?” Sabi ni Janice na bigla-bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Buti nga di ako nagulat sa kanya eh, kung hindi baka nasuntok ko na ‘yun. May reflex kasi ako na basta basta nalang nanununtok kung nagugulat ako at may tao sa harapan ko eh.
“Ah wala, si ate,” dahilan ko sa kanya.
“Ah hehe, ano may syota na ba uli ang ate mo? Pang-ilan niya na yan,” pabirong tanong ni Janice pero do ko naman siya masisisi eh. Ilang beses ng nagmahal ang ate ko at nabigo pero hayon, bumabangon pa rin.
*Cue in theme song*
♩ ♪ ♫ ♬ Heto ako, basang basa sa ulan
Walang masisilungan
Walang malalapitan♩ ♪ ♫ ♬
*Cut theme song*
Theme song nga pala ‘to ng ate ko. Hahaha
“Ewan di ko na maalala,” sagot ko sa kanya.
“Ah okay. Sige Zee, dito na ang room ko,” sabi niya at pumasok na din sa classroom niya. Zee din pala ang isang nickname niya para sa akin.
Nagmadali na din akong pumunta ng room namin. Magbe-bell na maya-maya.
Kriiiiiiiiiiing!
Eksaktong tumunog ang bell nung nakarating ako sa room namin just in time para sa attendance. Whew!
“Pasa niyo na lang daw,” sabi ni Rocky na seatmate ko sa class na ‘yun na may iniabot na madaming flyers sa akin. Ano na naman kaya ‘to? Tanong ko sa sarili ko.
“Leadership Seminar—a three day leadership training at Boracay. Enhance your skill and knowledge with sun and surf in between,” sabi ko na binabasa ang nakasulat sa flyers na ‘yun.
Sembreak na namin ang date nito ah. Pero well, why not. It looks fun. Imbitahan ko nga ang mga kasama ko sa camera club pati na din si Janice.
“Rocky, sasama ka ba dito?” Tanong ko sa nagseseryoso na namang si Rocky sa upuan niya.
“Siguro if magiging boring ang unang araw ng sem break ko,” sabi niya na poker face habang nakikinig kay ma’am. “Bakit ikaw ba?” Tanong niya sa akin na tumingin pa sa akin para malaman ang sagot ko.
“It looks interesting so yeah,” deretsong sagot ko sa kanya. Ewan ko kung ano ang sinabi ko pero biruin mo ‘yun, nagawa kong mapa-smile ang super seryosong si Rocky tsaka nagpa-cute pa siya habang sinasabing, “On second thought sasama na lang ako, andyan ka naman eh.” Kumindat pa nga siya sa akin matapos. Hala! Ano kayang nakain nun?
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?