Chapter 2

20 0 1
                                    

Natapos na lang ang araw ngunit hindi pa rin ako kinakausap ng maayos ng seatmate ko. Kaya naman bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko. Di ko rin gusto kausap yung mga nerd sa classroom ba’t ba kasi nasa advance curriculum ako. Okay na sana para sa akin dun sa mga tropa tropa sa regular section, pero anong magagawa nag-eexpect ang school dahil sa nakita nila sa credentials ko.

Lalabas na nga lang ako at dun na ako maghihintay ng sundo sa gate, di ko pa kasi alam kung pa’no umuwi eh, di ko pa kabisado ang lugar.

At habang ako ay naglalakad, may narinig akong….

“Pssssst…” deadma.

“PPPPPPSSSSSSSSSSTTTTTTTTTTTT…” nilingon ko na. Sino kaya yun? Ako ba tinatawag nun? Parang wala naman, mga estudyante lang na naglalaro dun sa lawn, yung iba eh nag-uusap lang naman. Baka hindi ako. Kaya patuloy ako sa paglakad sa lobby, nang biglang…

“Wuie, ba’t parang suplado ka?”

Nilingon ko, naku! Si miss chewing gum pala, at ako pa ang tinawag na suplado, siya nga tong di umiimik sa klase eh.

“Wow, ako suplado? Ikaw nga tong di nakikipag-usap sa akin eh.” Sabat ko naman. “uh, ano naman sa ‘tin ngayon?”

“May tayo ba? Wala naman ahhh” sambit niya habang kami ay patuloy sa paglakad.

“Sira! Ba’t mo ako tinawag, tsaka may pangalan ako noh, si Jousef hindi si PPPPSSSSTTTT”

“Sungit mo naman. Kasi kanina ino-obserbahan pa kita, kaya ayun!”

“Ano nga pala pangalan mo?” tanong ko

“Tricia Moderes” sabay abot ng kanyang kanang kamay for a shake hand.

Inabot ko naman, “Jousef.”

“Yeah, I know… Taga-san kayo dito?”

“Taga Northview 2 ako.”

“ahhh… taga-dun din ako, sabay na tayo?”

“sorry pero susunduin ako ni papa eh.

“Jusko! Sa laki mong yan nagpapasundo ka pa?”

“eh, hindi ko pa po kasi alam ang lugar,” galit na ang tono ko.

“uh, easy… madali naman akong makaintindi eh… uh, sige mauna na ako, bye”

At yun nga bigla na lang tumakbo, aning na babaeng to… “Guard, yung ID ko po…”

“pangalan?”

“Jousef Peñaflor”

“uh, heto,” sabay tapon sakin, buti na lang catcher ako.

Paglabas ko ng gate may sumirbato na, alam kong kotse ni papa.

“Anak, kamusta ang bagong school? Ayos lang ba?” tanong ni papa habang nakatingin sa dinadaanan naming.

“Ok lang naman pa, ang dami nga lang weird na classmate.”

“May mga kaibigan ka na ba?”

“Ang hirap naman maghanap ng mga kaibigan kung lahat ng classmates mo weird.” Sagot ko habang naglalaro ng temple run.

Kinabukasan…

Pagpasok ko ng classroom kumpleto na  silang lahat, buti na lang wala pa yung teacher naming. Grabe naman tong mga to impunto talaga ang oras. At naupo na ako sa aking upuan.

“uh, kamusta?” bati ko kay Tricia.

“hi, I’m fine,” sabay buklat ng libro. “May assignment ka ba?”

Tumigil mundo ko, para akong nabuhusan ng malamig na tubig, “shocks!!! Meron ba? Sa anong subject?”

“Wag ka mag-alala, papakopyhahin naman kita eh” hamon niya.

Kaya, ayun! No choice ako, kopya!

Binilisan ko na lang ang sulat bago pa dumating ang teacher at bago pa mapansin ng iba pa naming mga kaklase. Iba tong seatmate ko, rock! Baka makakasundo ko to.

Break time…

Bumili ako ng sandwich at softdrinks tapos umupo na lang sa isang tabi, nang biglang…

“Pre, ikaw yung transferee diba?” tanong ng isang estudyanteng naka-jersey lang at may adidas na bag yung tipong pupunta ng basketball court.

“Oo, bakit?”

“Ako nga pala si Kristoffer, Kris ang tawag nila sa akin,” akto naman na kakamayan niya ako kaya inabot ko na.

“Jousef, pare.”

“Naghahanap kasi kami ng isang player para sa Basketball team ng school, at iniisip ko kung pwede ka bang mag try-out.” Sabi niya.

“aaahhhh… ganun ba pare, kelan ba ang try-out?”

“next week sa Friday.”

“sige, pare sasabihan na lang kita kung pupunta ako.”

“aasahan ko yan pre ha? Salamat.”

Umalis na nga siya, nang may….

“wuie, Jousef libre ka naman jan kahit softdrinks lang,” tapos biglang upo sa tabi ko paglingon ko si Tricia pala, ngumunguya na naman ng gum.

“huh? Wala ka bang baon jan?”

“sige na naman, sa susunod din a kita papakopyahin.”

“tsk… tsk.. tsk…” napa-libre tuloy ako dahil sa pambihirang assignment na yun. “uh, eto sampung peso bumili ka.”

Lakas naman maka-ngisi ng babaeng to, “hhhoyyyy, salamat ha???” sigaw ko habang siya’y tumatakbo papuntang counter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon