(A/N : Hi! First time ko pong gumawa ng HORROR ang genre sana magustuhan nyo. Pa-vote at comment po pagnagustuhan nyo. Ja!)
Malakas na ulan.
Malakas na ihip ng hangin.
At malakas na pagdagundong ng kulog at kidlat.
Nakahiga lang ako non habang pinapakinggan ang ingay sa labas ng bintana. Madilim sa loob ng kwarto ko pero dahil sa pagkidlat ay medyo lumiliwanag ang ilang bahagi nito.
Punong-puno ng mga manika ang bawat sulok ng kwarto ko. Yung tipong kahit saan ka tumingin ay makikita mo sila. Imbis kasi na laruin ay mas gusto ko silang nakikitang naka-display lang. Nakakatuwa kasi silang pagmasdan dahil ang gaganda nila.
Maliit palang kasi ako noon, pangarap ko ng magkaroon ng maraming manika. Kaya nong nakagraduate ako at nakapagtrabaho nangulekta na ako ng mga manika. Karamihan nga sa mga ito ay nabili ko pa sa ibang bansa. Yung iba naman ay regalo lang ng mga kaibigan ko dahil alam nilang mahilig ako sa mga yun.
Nong una natutuwa pa akong mangulekta non pero simula nong dalhin ko ang
huling manikang yun ang weird na ng naging pakiramdam ko tuwing nasa loob ako ng kwartong ito. Palagi nalang kasi akong nagigising tuwing hatinggabi at nakikita ko ang manikang yun na nakaupo sa upuan sa gilid ng kama ko. Hindi lang yun, nakakarinig din ako ng ilang pagkalabog ng mga gamit ko sa loob ng kwarto. Sa sobrang takot ko itinapon ko ang manikang yun sa malayong lugar para hindi ko na sya makita pa.
Bahagya akong napatingin sa orasan na nasa dingding ng kwarto. Alas tres na
pero hanggang ngayon gising parin ako. Patuloy parin ang pag-ulan sa labas.
Kaya naman tumagilid na ako ng higa at niyakap nalang ang manika kong si Emily.
Papikit na ako non ng bigla akong makarinig ng mga malalakas na pagkalabog sa
labas ng kwarto. Agad akong napabangon para tignan ang ingay na ‘yun.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip ang labas pero wala akong nakita. Sinubukan ko pangtawagin sila Mama baka gising pa sila pero ni HA! ni HO! walang sumagot. Kaya isinara ko nalang ang pinto at bumalik sa kama.
Pahiga na ako non ng bigla kong marinig ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Akala ko nga sila Mama pero wala talagang tao. Kaya imbis na intindihin pa ang pagbukas nito. Isinarado ko nalang ulit ito at saka bumalik sa higaan. Baka kasi hindi ko lang naisarado ng maayos kanina ang pinto kaya bumukas uli.