Chapter 5 - Desperado

57 1 0
                                    

“Make it or break it”

[Candy]

Himala at hindi ako sinundo ni Chrystal. Kaya heto ako naglalakad mag-isa papuntang school.

Pagpasok sa classroom nakita ko si Chrystal nagbabasa ng libro, as always.

“Bes, saan ka kanina? Bakit di mo ako sinundo?”

“Ha? Eh… nakalimutan lang.” Sagot niya na di tumitingin sa akin. Concentrate siya sa binabasa niya kaya umalis nalang ako.

Nakaupo ako sa pathway ng entrance door. For short, nakaharang. Nakatunganga sa sahig. 

“Tabi” Sabi ng may-ari ng sapatos na nasa harapan ko. Kilala ko na kung sino. Si Asungot.

“Di marunong mag-excuse?” Tumingin ako sa taas para makita ang pagmumukha niya. Bakit ba ako tumitingin sa mukha niya kung naaasar lang din ako. Tange lang.

“Kung di ka matututo mag-excuse, dun ka sa exit door pumasok.”  Kaming tatlo pa lamang ang nasa classroom. Ay—dalawa lang pala. Nasa labas pa pala si Xander.

“Kaylan pa naging entrance ang exit? Exit nga di ba?” Namimilosopo na naman.

“Ngayon lang.” Daily routine na yata namin to. Ang asarin ang isat isa.

“Papasukin mo na ako, please.” Uy, marunong magplease.

“Ayoko. Kita mo namang komportable na ang tao.”

“Sige. Diyan ka lang hanggang sa matapos ang araw.” Pupunta na sana siyang exit door ng biglang tumayo si Chrystal at lumabas ng room.

“Hala ka.” Kantyaw ni Xander habang tinuturo niya ako gamit ang pointing finger niya.

Hinabol ko si Chrystal.

Sa bilis maglakad ng babaeng to, pinatakbo pa niya ako. She slowed down and faced me.

“Uy bes, sorry na kung naingayan ka sa amin ni Xander.” Mukha siyang galit na naiinis. Maybe it’s because of me and Xander. Ang lalakas kasi ng mga boses namin. Naidistorbo namin siya.

“Hindi ka ba napapagod sa ginagawa niyo? Away nalang kayo ng away. Ni minsan di pa kayo nagkakabati. Please do the favor I asked you… please.” And she walked away. She left me nailed in my spot.

Bumalik ako sa classroom na takang-taka. Bakit ganun siya ka desperado na maging kaibigan kami ni Xander? Eh nandyan naman siya. Hindi ba siya magseselos kung magiging close kami ni Xander? 

Kami lang dalawa ni Xander ang nasa loob ng room.

“Anong nangyari don?” Tanong niya.

“Ikaw kasi.” Tumabi na ako sa kanya.

“Anong ako?! Nandito nga lang ako. Walang ginagawa.” Nginitian ko nalang siya.

“Alam mo, may baon ako dito. Sayo nalang. Parang wala ka pang agahan eh.” Saad ni Xander at kinuha ang isang supot ng tinapay at inaabot sa akin. Kumuha naman ako ng isa. Kumain ako habang nakatanga.

“Lalim yata ng inisip mo…” Tumingin ako sa gilid ng mga mata ko, nakita ko si Xander na nakatingin sa akin. Tama nga siya. Ang lalim ng iniisip ko. Sing lalim ng balon.  

Natapos nalang ang araw, di ako pinansin ni Chrystal. Huhu… talagang pinipilit niya ako sa gusto niya.

[Ram]

Mag-isa na naman akong pupunta ng library kasi si Alex ayaw. Gusto niya lang makinig ng loug music which is bawal sa loob ng library.

Now entering the library. Lumingon-lingon ako. I am now inside the library—

Not a Fairy Tale at AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon