Dedicated toh sa isa sa mga fav. kong author ;)) Siya yung may gawa ng A kiss in the rain tsaka ng Living under the same roof, Basahin nyo yun , mganda yung mga yun . Tsaka may mga horror stories din syang ginagawa ;) Yun lang ;)
Cliche's POV
Waaaaaahhhhh !Grabe nakakakilig talaga yung kanina. Isipin mo nailigtas ka ng ultimate crush mo. Uwaaaahhh . Nandito ako ngayon sa kwarto ko specifically sa kama ko at walang tigil sa pag-ikot at paggulong.Kapag naaalala ko kasi eh. Kyaaaaah, Weeeehhhh--*blag*
"Awww" pano ba naman nahulog lang naman ako sa kama ko. Haaay antanga kasi ng sahig. Nako Cliche sisihin ba naman ang sahig!?
Haaaayy posible kayang may gusto na sakin si Charby? *sigh* Nangarap na naman .
Ilang sandali pa ay nakatulog na rin ako.
Bigla akong nagising nang may marinig akong kalampag. Tumingin tingin ako wala naman. Naisipan kong isara na lang yung bintana. Laking gulat ko ng biglang may yumakap sakin mula sa likod.
Waaaaaahhhh sino toh,may mumu ba sa kwarto ko pero teka lang may mumu bang nangyayakap?
"Cliche"nagitla ako ng biglang nagsalita yung yumakap sakin. At yung boses na yun, hindi ako pwedeng magkamali,sa ilang taon kong paghanga sa kanya imposibleng di ko makabisado ang boses nya. Humarap ako doon sa yumakap sakin.
"Charby?!"Tama ang hinala ko siya nga, ngunit anong ginagawa niya sa kwarto ko?
"Anong ginagawa mo dito Charby?"tanong ko sa kanya .I see him Grin
"Nandito ako dahil may kailangan akong singilin" sabi niya in a very husky voice
"Si-ngilin ?wa-la na-man akong ut-ang sa-yo ah-h"
"Meron!Tanda mo ba niligtas kita kanina pero wag kang mag-alala di pera ang kailangan ko.Ang kailangan ko lang ay.." sabay tingin mula ulo ko hanggang paa.
Uwaaaaahh hiniling ko tong mangyari pero sa isip ko lang yun. Hindi ko naman naisip na pwede tong mangyari. Palapit siya ng palapit sakin.
Isang hakbang niya palapit, isang hakbang ko naman patalikod.
Hakbang ...
Hakbang....
Hakb-- Uwaaaaahh wala na kong mahahakbangan. Napatingin naman ako sa likod ko, at pader na toh. Agad naman niya hinarang ng dalawa niyang braso ang ulo ko dahilan para macorner niya ako.
Tinitingnan niya ako sa mata , uwaaaahhh nalulusaw ako sa mga mata niya.
Palapit ng palapit ang mukha niya sakin.
Onti na lang maglalapat na ang mga labi namin.
1............ Ramdam ko na ang hininga niya
2.............. Napapikit na lang ako at inantay ang kanyang mga labi
3..........Ayan na!
4........................
5................
"CLICHEEEEEEEEEEEEEEE"
Agad naman akong nagising ng marinig ko ang sigaw ni Mama.
"Haaaayyy buti naman anak gising ka na !kanina pa kita ginigising pero di ka gumising at nga pala anak bakit ka nakanguso kanina?"
"Aahh eh.."
"Hayaan mo na, bumaba ka na lang pagkatapos mo maligo at nakahanda na ang almusal, dalian mo baka malate ka pa!"
"Sige po ma"
Lumabas na si Mama *sigh*
Napabuntong hininga na lang ako.
"Haaayyy panaginip lang pala, Sayang!"
-Dandan ^_^
BINABASA MO ANG
Fantasy
TeenfikceSa buhay natin , hindi natin maiiwasan ang magmahal o humanga sa isang tao. Pero paano kung nahulog tayo sa taong imposible tayong saluhin.Yung taong sobrang hirap abutin, kung baga langit siya lupa ka lang. Ganyan na ganyan ang nararanasan ni Clich...