Napabalikwas ng bangon si Chelsea ng marinig na umiyak si Irvin. Natutop na lamang niya ang ulo sa biglang pagpintig noon. Napuyat kasi siya pagbabantay sa magama. Sa sofa na lamang siya natulog sa loob ng silid. Sa laki noon, kasya naman siya. Napagisip niyang doon na magpalipas ng gabi dahil naisip niyang baka hindi maasikaso ni Ira si Irvin kapag nagising ito ng madaling araw.
Napakunot na lamang ang noo niya ng mapansing wala na si Ira sa tabi ng anak. Gayunman, nilapitan pa rin niya ito saka tinapik sa hita. Napabuntong hininga siya ng makita ang oras. It was seven in the morning. Kailangan pa niyang tingnan ang salon bago siya pumasok sa Hades’. Ganoon ang naging routine niya araw-araw magmula ng maging cashier siya sa bar.
Doon lumakas ang iyak ni Irvin. Minabuti niyang kargahin ito at inalo. Tinitigan siya ng bata. Mukhang kinikilala siya hanggang sa tuluyan na itong tumahan. Gayunman, palinga-linga ito. Mukhang hinahanap ang presensya ni Ira.
“How’s everything?”
Agad siyang pumihit. Nakita niya si Ira na nakatayo sa pinto. Nakabihis na ito. Simpleng shorts at sando ang suot. Mukhang kagigising lang. Still, he looked dashing. Napalunok siya ng makita ang malaking pagbabago nito.
Wala na ang binatilyong hinangaan niya noon. Ira became a gorgeous hunk. Ang dating buhok nitong malinis ang gupit, ngayon ay medyo mahaba na. Maaaring patayo o patikwas ang ayos noon. Whatever style of his hair, he still looked elegant.
Makakapal ngunit maayos ang pagkakaarko ng kilay nito. Nateternuhan iyon ng mga matang mapupungay at itim na itim. Tila nanunuot iyon sa kanyang kaluluwa kung tumitig. Naghahatid ng kakaibang ilang iyon sa kanya.
Matangos ang ilong nito. Mapupula at mahuhubog ang labi. Nasa anim na talampakan ang taas nito. Ang katawan ay halatadong alaga sa ehersisyo. Nasa tama ang bawat kurba. Kitang-kita niya iyon sa lapad ng balikat nito, hubog ng biceps at triceps. Nasisiguro niya, mayroon din itong abs. Napalunok siya sa naisip.
“What’s wrong?” may halong pagtataka ang tono nito. Mukhang hindi nakaligtas dito ang paghagod ng tingin niya rito.
Napakurapkurap siya. Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil natulala siya sa kakisigan nito. Napatikhim siya. “Pasensya na ho, sir. Kagigising ko lang. Lutang pa ang pakiramdam ko.” pagdadahilan niya.
Tumango ito at lumapit. Marahan nitong kinuha ang anak saka kinarga. Hindi sinasadyang dumampi ang kamay nito sa braso niya. Nahigit niya ang hininga dahil sa boltaheng tumama sa kanya.
Bumilis ang tibok ng puso niya ng maamoy ito. He smelled clean and fresh. God… she wanted to hug him but she controlled herself. Muli, pinaalala niya sa sariling nandoon siya para bumawi hindi para pakinggan ang tawag ng damdamin.
“Pasensya na ho kung dito na ako natulog. Inisip ko lang na baka di mo maasikaso si Irvin kung magigising siya ng madaling araw. L-Lasing na lasing ka kagabi,” pigil hiningang paliwanag niya.
Napahagod ito sa sentido. Mukhang masakit ang ulo dahil halatado sa kunot ng noo na may dinaramdam ito. Minabuti niyang kuhanan ito ng gamot sa bag. Lagi siyang may dalang paracetamol para sa ganoong pagkakataon. Kumuha na rin siya ng tubig at ibinigay iyon kay Ira.
“Para bumuti ang pakiramdam mo,” pigil hiningang paliwanag niya dahil napakunot ang noo nito sa ginawi niya.
“Thanks,” simpleng saad nito saka ininom ang gamot. Nakahinga na siya ng maluwag. Siguradong pahinga na lang ang kailangan nito, bubuti na ang pakiramdam nito.
“You may go now. Ako na muna ang titingin kay Irvin. Thank you for everything,” malamig na saad ni Ira.
“H-Hindi kayo papasok?” pigil hiningang usisa niya.
“No. Masama ang pakiramdam ko. Sige na. I want to be alone,”
Nakaramdam siya ng panghihinayang. Gusto pa sana niyang manatili doon pero naisip niyang sumunod na lamang. Ayaw rin niya itong makatunog kaya minabuti niyang ayusin ang mga gamit.
Napasinghap siya ng abutan siya nito ng lilibuhin. Agad kumontra ang damdamin niya. She wanted to do everything for free. Hindi niya maatim na tanggapin iyon. “Naku, sir. Wala ‘to. Kung wala ulit magbabantay kay Irvin, nandito lang ako. Just call me and I’ll be there,” biro niya para gumaan naman ang atmosphere sa pagitan nila.
Napatitig sa kanya si Ira. Para hindi nito makitang pinamulahan siya ng mukha, minabuti niyang tumalikod at kinuha ang mga gamit. Dali-dali na siyang nagpaalam dahil baka igiit pa nito ang bayad.
Paglabas niya ay napabuga siya ng hangin. Ang bilis-bilis ng tibok na puso niya. Sa huli, napangiti siya. Kahit papaano, napagaan noon ang pakiramdam niya. Sisiguraduhin din niyang magiging sunud-sunod na iyon. Napangiti siya sa naisip.
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romance[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...