THIS IS BASED ON A TRUE TO LIFE LOVE STORY...
CHAPTER 1: FRESHMEN...
Hindi ko to sisimulan sa mga salitang "isang araw", o "once upon a time", kasi, hindi naman ito isang fairy tale o isang simpleng kwento.
Dito nagsimula ang lahat. Sabi nila, sa High School daw, nagsisimulang magmature ang isang tao...physically..at dito n natututong mainlove, magseryoso, at...,mainvolve sa courtship. Lahat ng ito, yan ang naranasan ng isa ring simpleng estudyante, at sya si Clark.
First year high school si Clark. Exited na halo-halo ang kanyang nararamdaman. Syempre, as usual, kasama nya parin ung mga classmates nya nung elementary, kasama na dun ang kanyang long time crush na si Marie. Sa sobrang katorpehan ni Clark, for almost 3 years na may crush sya kay Marie, ni minsan, di nya sinabi yun, kahit kanino.
Yan! Nagsimula nang tawagin ang mga estudyante kung anung section sila nakaasign. Si Clark, imbis na isipin kung mapupunta sya sa STAR SECTION, mas inisip pa kung magiging kaklase nya si Marie.
Natawag ang pangalan ni Clark. Dahan-dahan syang tumayo, di masyadong nagpapahalata sa kanyang iniisip. Pumunta sya sa gitna ng nakacross fingers. Naghintay...at..."YUN!!", sabi nya sa sarili ng marinig ang pangalan ni Marie. Dahil simula palang grade 3 ay magkaklase na sila, close na magkaibigan na sila Clark at Marie. Yun ang tingin ni Marie.
First month of classes, naghanda si Clark, dahil binabalak nya ng magtapat kay Marie. Nagplano na rin sya ng kung ano-anong gagawin para sure na mapasagot nya si Marie.
Unfortunately, bago pa man magkaron ng pagkakataong magtapat si Clark kay Marie, naunahan na siya ng isang lalaki, transfery lng yun, di pa kagwapuhan. Malas talaga, and wait! there's more! naging sila!!..
Gumuho ang mundo ni Clark, nawalan siya ng loob. Narealize niya na ang pagiging TORPE ay walang napapala. Wala pa ring nakakaalam na may gusto parin siya kay Marie. Martir! pero mahal nya talaga eh. Ang masama pa dun, kapag nakikita nya silang magkasama, yung feeling na, gusto mong tirisin ung lalaki, yung sinasabi nya sa sarili nya na "Dapat ako yun e!!! Dapat ako!!".
Matagal nagtiis si Clark. Hindi nya kasi pwedeng ipahalata na inlove parin sya kay Marie. Hindi pa din kasi alam ni Marie yun. Ang alam nya lang, magkaibigan sila.
After 3 months na pagtitiis, nagbreak na si Marie at ang knyang bf. Tagong nararamdaman ni Clark na nabuhayan muli sya ng loob para magtapat. Nag-ipon sya ng lakas ng loob.
3 days after ng break up nila Marie at ang bf nya, THE MOMENT OF TRUTH! Sinubukan ni Clark na maka-uasap ng seryoso si Marie. Lahat ng gusto nyang sabihin ay umiikot na sa utak nya, ang kaso, Hindi nya ito masabi ng maayos!! "Ahm, Marie", kinakabahang sinabi ni Clark. "oh, bakit?", tanong naman ni Marie. "kung papayagan mo ba ako...na....alam mo na..pwede ba??", sobrang kinakabahan si Clark. First time nya kasing gagawin to. "huh?? Pwedeng ano??", tanung ulit ni Marie. "na mmmmanligaw???". Nagulat si Marie sa sinabi ni Clark.. Biglang tumahimik. Parang nag-iisip si Marie kung ano ang isasagot nya. Si Clark naman, kinikilig na kinakabahan na halo-halo na!!, syempre di nya pinapahalata yun. "ahm, pwede??", magulong sagot ni Marie. "kung manliligaw ba ako...ahm..may pag-asa??". "ahh..ehh..ewan??", sagot ni Marie. "ok, ganito nalang...rate mo 1-10, for 1 is the least and 10 is the highest...", sabi ni Clark. "ahmm....5??", sabi ni Marie. Atleast passing. Nagkaroon lalo ng pag-asa si Clark. Natapos ang usapan nila.
After nila mag-usap, ayun na! Sinimulan na ni Clark ang panliligaw. Binago nya ang sarili nya. From being immature, to mature. Ginawa nya ang lahat ng kanyang magagawa para maging isang perpektong boyfreind.
Ang tagal na, 2 months n rin syang nanliligaw. Eto na. February. Valentines day. Sunday non kaya nagsimba muna sila. Alam ni Clark ang favorite ni Marie kaya balak nyang isurprise ito after mass. Pagkatapos ng mass, nilapitan ni Clark si Marie. Nilabas ni Clark mula sa likod nya ang isang maliit na SPONGEBOB. Natuwa si Marie. After nun, kinuha na ni Clark ang kanyang bag na nakatago sa may upuan. Kinuha nya ang isang malaking stuff toy na SPONGEBOB, tinago sa likod at lumapit kay Marie. Nilabas ni Clark yung stuff toy at binigay nya kay Marie. Tuwang-tuwa si Marie sa stuff toy na binigay ni Clark. "SCORE!!!!", sabi ni Clark sa sarili.
Dumaan ang mga araw, parang wala paring improvement. Natapos na ang School days ng Freshmen. Medyo nawawalan na ng pag-asa si Clark. Pakiramdam nya, unti-unting nauubos ang pagmamahal nya dahil napakadami na ng naibigay nito. Umabot na ng bakasyon. Text at tawag ang communication nila. On the first month ng bakasyon, bago pa matapos ang buwan, tinanong nya ulit si Marie. Sa pagkakataong ito, hindi parin nagbabago ang isip ni Marie, sayang daw ang friendship. Ouch!! Paasa!!! Durog ang mundo ni Clark! Nawalan na sya ng gana. Bumagsak ang buong mundo ni Clark. Ang second month ng bakasyon ay naging napakalungkot. Wala na syang naisip kundi kalungkutan. Natapos ang bakasyon. Puro sad faces. Di na excited para pumasok ulit sa Second year. Eto na, natapos ang unang kabanata sa buhay pag-ibig ni Clark. Ano na kaya ang mangyayari sa kanya sa second year??
Abangan.