Chapter 17: First Battles

3.9K 170 19
                                    

Chapter 17: First Battles

***

Sinundan ko ng tingin ang aking ama hanggang makaupo siya sa tabi ni Mr. David Wallace na malapad ang ngiti sa kanya. Seryoso siyang nakipag-usap kay sir Wallace. Samantalang walang mababakas naman na emosyon kay general na nakatayo lamang sa likod ng upuan niya.

"Excuse me, Clarines Academy. You need to go to the backstage because the introducing of teams of every academies will start in a minute, thank you," nakangiting sabi ng isang babaeng lumapit sa mesa namin. Agad din siyang nagpunta sa ibang table pagkatapos naming tumango sa kanya.

Binitiwan na ni Finn ang aking kamay at naunang naglakad.

"Let's go," aniya.

Sumunod kami sa kanya. Habang naglalakad hindi ko maiwasan mapatingin sa aking ama na seryosong nakikipag-usap sa katabi niya. Seryoso namang nakatingin sa akin si general na nasa likod lang ni daddy. Parang nakabantay siya sa bawat galaw ko.


"...Next is the Swindlers Academy. Pinangungunahan ni Gyo Morales.." isa-isang pinakilala ng emcee ang bawat miyembro ng panglimang academy na natawag sa stage. Nagpalakpakan ang mga tao habang pinakikilala ang mga represenratives ng bawat academy.


"...Shinar Academy......Kanji Academy.....Dorias Academy na pinangungunahan ni Luke Dorias!"


Napalingon ako kay Luke na ngiting ngiti at kumakaway pa sa mga tao. Tipid naman na ngumiti ang mga kasama niya. Nag-exit sila sa stage at dumaan sa harap namin. Mayabang na ngumiti si Luke kay Finn bago lumampas sa amin. Seryoso namang tumingin sa amin ang mga kasama niya. Nakita ko pa ang isang babae na tumaas ang kilay sa akin bago humawak sa braso ni Luke.


"Clarines Academy!"

Unang umakyat sa stage si Finn, sumunod naman kami sa kanya. Tumabi sa kaliwa niya si Palm kasunod si Rui, Kit, Bon at panghuli ako. Lumingon ako kay Finn na seryosong nakatingin sa harap. Napatingin din ako sa harap. Isaisang binanggit ang aming mga pangalan ng emcee.


Nakangiting nakatingin sa amin sina sir Nero at prof. Hera habang pumapalakpak. Samantala ang mga magulang ni Finn, hindi man nakangiti bakas naman ang saya sa mukha habang nakatingin sa kanilang anak. Halatang pinagmamalaki nila si Finn.


Napasulyap ako kay dad na seryosong nakatingin sa akin. Tumatango siya sa sinasabi sa kanya ni Mr. David na nakatingin din sa akin habang nakangiti.


Nag-bow kami sa audience at agad nag-exit sa stage. Nakasalubong namin ang team ng Xavier Academy. Ngumisi si Knov kay Finn bago lumampas sa amin at umakyat sa stage. Sumunod sa kanya ang mga teammates niya na mayabang rin na tumingin sa amin.

"Let's go back to our table," sabi ni Finn na binalewala ang inasta ni Knov sa kanya.


Tumango ang mga teammates ko sa kanya at sumunod.


"Ahm..Pupunta lang ako ng comfort room," paalam ko sa kanila.


Agad lumingon sa akin si Finn.


"Sasamahan na kita," lumapit siya sa akin.


Napasulyap ako kay Palm na masama ang tingin sa akin.

"Ahh..hindi na. Kaya ko na. Samahan mo na lang sina Bon. Tsaka hindi naman ako magtatagal," hinawakan ko siya sa likod at bahagyang tinulak papunta sa mga kagrupo namin.


Napangiti ako ng sumimangot siya sa akin.

"Are you sure?" tanong niya.

Tumango ako at nagpaalam na rin kina Kit. Naunang naglakad si Palm papunta sa mesa namin. Nagpahuli naman si Finn na parang nag-aalala pa sa akin. Ngumiti uli ako sa kanya bago tumalikod at naglakad.


CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon