Short Story

15 0 0
                                    

SOFIA


Nang ako ay magdalaga, umabot na ako sa punto na kailangan ko na bumukod sa pamilya ko. Sa sobrang hirap ng buhay namin, kinakailangan kong tumira sa bahay ng tiyahin upang makahanap ng trabaho para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko.

"Sofia anak kailangan mo pa bang lumayo sa amin at magtrabaho?", tanong sa akin ni mama, nakakalungkot lang isipin na kailangan kong magtrabaho dahil ang magulang ko ay may malubhang sakit.

Tanghali na nung ako ay lumisan sa lugar namin, hindi na ako nagtagal dahil baka mag-iyakan lang kami ng pamilya ko at baka magbago ang isip ko na hindi na umalis.

Kinabukasan

Hapon na ako nakadating sa bahay ng tita ko, kung saan ako maninirahan na hanggang sa makahanap ako ng magandang trabaho. Sa aking pagdating kapansin-pansin na tanging ang bahay lang ni tita ang nakatayo sa lupaing iyon.

Madamo, mapuno, nakakatakot, tahimik at tanging balon lamang ang kasama ng bahay na iyon na matatagpuan sa likod ng bahay.  Nung marating ko na ang harap ng bahay, kumatok ako ng tatlong beses. Tatlong minuto na ako sa labas ng bahay wala pa ding nagbubukas ng pinto.

Sa aking pangalawang pagkatok, sa wakas ay binuksan na din ang pintuan dahil ako ay natatakot na sa sobrang tahimik ng lugar, naramdaman kong may nakatingin sa akin sa malayong lugar sa mapunong parte sa aking kanan ngunit nang tinignan ko wala naman. Nung mapansin kong wala naman nakatingin sa akin,  binalik ko na ang aking tingin sa taong nagbukas ng pintuan.

Sa pagbukas ng pintuan, tila ba tumigil ang mundo ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil ang inaasahan kong si tita ang magbubukas, ibang tao pala at lalake pa. Nagtitigan kami ng ilang sandali at sa sandaling iyon nagkagusto na agad ako sa kanya kahit ito pa lang ang unang beses naming pagkikita.

"Sofia, naku buti naman at nakarating ka na kanina pa kita hinihintay." masayang bungad sa akin ni tita nung siya ay lumabas galing sa loob ng bahay. Inilipat ko ang aking tingin sa tiyahin ko at niyakap ko siya ng mahigpit sa tagal naming hindi pagkikita.

Pagkatapos namin magyakapan, pumasok na kami sa loob dahil palubog na ang araw. Sa aking pagpasok kaba ang una kong naramdaman dahil sa malaking litrato na nakapaskil sa tabi ng kahoy na hagdanan. Isang litrato ng babae na pagtumingin ka sa mata nito ay parang kinukuha ang iyong kaluluwa, dahil sa nakakatakot nitong mapupulang mata.

Sa takot ko inilihis ko ang aking paningin sa ibang bagay na makikita sa loob ng bahay. Kapansin-pansin ang bahay ng aking tita ay sobrang luma na pati na ang mga dekorasyon dito, pero mukhang matibay pa kung mag-iingat sa bawat kilos.

Ipinakilala sa akin ni tita ang binatang nagbukas kanina ng pintuan, si Austine na kaseng edad ko lamang at sa kasamaang palad anak pala ito ni tita, ibig sabibin kami ni austin ay magpinsan.

"Austine, samahan mo ang iyong pinsan sa kanyang magiging silid at magluluto lamang ako ng ating hapunan." bilin ni tita sa kanyang anak at nagtungo na sa kusina.


Kami naman ni Austine ay umakyat na upang pumunta sa magiging silid ko habang ako ay maninirahan dito. Sa aming pag-akyat tanging yapak lang namin ang maririnig sa kahoy na hagdanan. Nang marating na namin ang pangalawang palapag ng bahay, nilukob na naman ako ng takot dahil sa nakita ko.

Ang mga dekorasyon dito sa pangalawang palapag ay mga nakakatakot na manika na unang beses ko palang nakita sa aking buhay. Hindi ko maalis ang aking mga mata sa mga manika dahil nararamdaman kong kinukuha nila ang aking kaluluwa, hindi nagtagal tinawag ako ng pinsan ko at nabaling sa kanya ang paningin ko. Umalis na kami doon at tinungo na namin ang magiging silid ko.

Mga ilang hakbang pa ay narating na namin ang silid ko na matatagpuan sa kanang bahagi at ang kay Austine naman ay sa kaliwang bahagi. Nung nasa tapat na kami, umalis na agad ang pinsan ko upang tulungan ang tita ko sa paghanda ng hapunan namin. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng magiging silid ko sa takot na makakita ng manika sa loob.

Binuksan ko na ang pintuan at sa sobrang dilim nito,binuksan ko ang ilaw at nung wala akong nakita ni isang manika tuluyan na akong pumasok at inilagay ko na ang mga gamit ko doon sa may tabi ng lumang higaan na sa tingin ko ay kasing tibay pa ng bahay na ito. Tanging isang bintana lang ang meron ang aking silid upang makapasok ang hangin.

Madilim na nung similip ako sa bintana at ang bumungad sa akin ay ang balon na luma at habang pinagmamasdan ko ito may biglang lumabas sa likod ng baloj ma babae may suot na pulang bestida, tatawagin ko sana ito ngunit biglang tumakbo ito sa may mapunong bahagi.

Hindi ko na lang pinansin at nagmadali na akong bumaba upang tumulong sa paghain. "Mabuti naman nakababa ka na, halika at maupo ka na.", naupo na ako sa bandang kaliwa ng lamesa sa tabi ni Austine. Naiilang ako sa kanyang mga titig at hindi na ko na lang pinansin dahil medyo kinilig ako sa kanyang pagtitig sa akin.

Nang tumingin ako sa aking harapan nagulat ako sa aking nakita dahil may dalawang nakaupo na manika sa lamesa sa harap ko. Nakakatakot ang mga itsura nila at nakatingin sa akin. Nagsimula na kaming maghapunan at nagkwentuhan lang kami tungkol sa naging buhay namin sa lugar namin. Hindi ako nakakain ng maayos sa kadahilanang nakatingin sa akin ang dalawang manika na tila pinagmamasdan ang aking mga kilos.

Nang matapos na kaming maghapunan, tumulong ako sa pagligpit ng mga plato at pagkatapos niyon, nagpasama ako sa pinsan ko sa pag-akyat sa aking silid. Nagpasalamat ako sa kanya nung marating na namin ang silid ko at pumasok na ako nung siya ay nakaalis na at pumasok sa sarili niyang silad. 

Sandali kong inayos ang aking gamit at pinatay ko na ang ilaw hindi kase ako sanay ng maliwanag pag natutulog na,  hinayaan ko na lang din nakabukas ang bintana upang may pumasok na hangin mula sa labas. Sa aking mahimbing na pagtulog, naalimpungatan ako dahil sa naramdaman kong may nakatingin sa akin habang ako ay natutulog ng mahimbing, binuksan ko ang ilaw ng aking silid ngunit wala namang ibang tao bukod sa akin kaya nagpatuloy na lang ulit ako sa pagtulog pero bukas na ang ilaw dahil sa takot ko na baka may nakatingin sa akin.

-----------------------------------------------------------------

Madilim Na SilidWhere stories live. Discover now