Friday

12 1 0
                                    

Friday

Sabado nang umaga.

Dahil walang pasok ay nakahilata pa din ako sa higaan.

Ito na ata ang pinaka-masayang araw ko tuwing weekends! Ang Sabado!

Kanina pa ako gising pero nakahilata pa din ako sa aking higaan at abala sa aking phone.

Good Morning! <3

Iyan ang laman ng GM ko at agad na isinend ito sa mga contact na nasa phone ko!

Marami din ang bumati sa akin ng Good Morning at nakakatuwa silang lahat.

James: good morning :)

Danica: Good morning Beh? Busy ka today?

Jane: morning!

Kiana: MOANing haha! Char!

Natawa naman ako sa ibang reply ng mga kaklase ko, lalo na kay Kiana na tag-manyak araw-araw jusko!

Pero sa lahat ng text message ay isa lang na text ang naka-agaw ng atensyon ko. Iyon ay ang text ng bestfriend ko!

David: Good Morning! I love you.

Iyan ang nakalagay sa text niya.
Kumalabog naman ang dibdib ko at pakiramdam ko ay milyong kabayo ang nagtatakbuhan dito.

Pero agad nag-vibrate ang phone ko at nakatanggap ulit ng message mula sa kaniya.

David: Sorry, ws.

Sabi niya sa text. Takte! Wrong Send naman pala kasi!

Agad naman akong nagreply.

Me: No, prob! :)

Akala ko ay magrereply pa siya pero hindi na pala.

Noong hapon ay nag-GM ulit ako.

Good Afternoon Guys! Kain na kayo ng lunch! Eat well! Huwag pagugutom! <3

At ang mga mayayaman na may load ay agad nakapag-reply.

Joshua: Pa-fall!

Pauline: papol ka? u want sapak?

Danica: Sana all may load

Danica: Sana all kumakain

Kiana: Kakain ako kung ikaw ang kakainin ko hahaha!

Agad akong natawa sa sinabi ni Kiana pero kumalabog ulit ang puso ko nang makita ang text mula sa lalaking iyon.

David: Kain ka na din, huwag papagutom. I love you.

Iyan ang eksaktong text niya sa akin.

Pero muling nagvibrate ang phone ko kasing lakas ng pagvibrate ng dibdib ko dahil sa kaba!

David: sorry, wrong send.

Ah? Wrong Send pala ulit.

Natapon ko ang cellphone ko dahil nawala na ako sa mood.

Siguro ay may girlfriend na 'yong mokong na David na 'yon kaya nawrowrong send. Siguro ay sa girlfriend niya sinisend ang mga messages na 'yon. Ang swerte naman nang babaeng 'yon!

Hindi ko maitago ang inggit at ang pagseselos ko.

Oo inaamin ko. Matagal ko nang gusto ang bestfriend ko. Matagal ko nang gusto si David. Pero hindi ko magawang umamin dahil natatakot ako na baka hindi kami pareho nang nararamdaman. Natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan namin.

Kaya naman noong nagreply siya sa akin ng I love you kaninang umaga. Akala ko ay totoo, at noong nalaman kong ws lang pala siya ay umaasa akong dinahilan niya lang. Pero naisip kong nantritrip lang siya.

Pero noong nagreply ulit siya noong tanghali nang I love you. Nakakainis dahil wrong send na naman siya. Naiinggit ako sa babaeng sinasabihan niya nang I love you niya!

Sana ako na lang 'yon.

Good Night Guysue! Sweet Dreams! </3

Nag-GM ulit ako para ngayong gabi, inaasahan ko ang ws ni David dahil baka nantritrip lang siya.

Danica: Good night!

Kiana: Oh? Bakit broken hearted?

James: Night!

At ang text ni David na hinihintay ko. Wala.

Wala siyang text.

Dahil wala naman siyang nararamdaman para sa akin.

Sorry Wrong SendWhere stories live. Discover now