PAMELA's POV
Halos mataranta kaming lahat sa pagtakbo ng makita naming duguan at bumagsak sa lupa si Lyn,
Lahat napaiyak ako nang makita ang nanghihinang katawan niya . . .
Madaming nagtanong kung ano nangyari at nakita namin nangustong gusto niya sumagot pero hindi na niya kinaya . . .
Unti-unti nang sumara ang kanyang mga mata . . .
Napamura si Kenshin, ang iba umiiyak, pero kahit hindi nila sabihin sakin lahat kami nangangaba, mas lalo na at hindi namin alam ang nangyayari, kung ano ba talaga nangyari kay Lyn . . .
Napaupo ako sa lupa dahil sa panghihina ng aking tuhod, kinakabahan ako . . .
paano kung my pumapatay? Paano kung ako na isusunod?
Sana, sana panaginip na lang ang nangyayari, sana isang masamang panaginip na lang ito, sana pag gising ko nasa kama ako at masayang lalabas ng kwarto . . .
"hon, halika na" medyo nabigla pa ako nang akayin ako patayo ni Kenshin . . .
Naglakad kami patungo sa pinag iwanan namin ng pagkain, kailangan namin kunin iyon at hahanap ng aming matutulugan na alam namin na ligtas kami . . .
Habang palakad kami, nauna kasi sakin si Kenshin dahil na medyo mabigat pa sa pakiramdam ang makakita ng taong namamatay . . . nasa pinakalikod ako, si Kenshin ang nasa harap . . .
Malapit na kami sa mga pagkain nang . . .
My isang napakainit na kamay ang humawak sakin sa balikat . . .
nang bigla na lang mag slow motion ang paligid, my palakol na dumaan sa aking harap na kung hindi ako tumigil sakto sana ito sa aking ulo . . .
[whooossshhh]
[bllaaaaaggggg]
Nanginginig akong napaupo sa lupa, mas nanghina ang aking tuhod . . .
napatingin ako sa pinagbasakan ng palakol na tatama sana sakin kung hindi lang my humawak sakin sa balikat . . .
Nakita ko kung paano lumipad ang palakol sakto sa mukha ko, kunting kunti na lang sapul na sa ulo ko . . . nakita ko kung gaano katalim ang palakol na iyon, nakita ko kung paano niya putulin amg bangs ko . . .hindi ko alam kung sino ang nasa likod ko pero laking pasasalamat ko sakanya . . .
"Pam, ok ka lang?" nag aalalang tanong ng mga kasama ko, nataranta ang mga ito sa paglapit sakin, samantalang si Kenshin napasugod sa pinanggalingan ng palakol . . .
"Sh*t!" sabi ni Kenshin, pabalik na ito samin
BINABASA MO ANG
The Bloody Christmas(Part Two of Horror Train)
Mystery / ThrillerPaalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, huwag niyo na lang po ituloy ang pagbabasa :3 chalamuch . . .Ang konsepto ng kwentong ito at ang...