Chapter 7

2.4K 110 5
                                    


“Mamaaah” ang sambit ni Alex habang naghihikab at nag-iinat ng katawan. Kababa lang niya mula sa second floor ng bahay kung saan naroon ang mga silid nila. Tanghali na rin siyang nagising, hindi lang dahil sa pagod ng kanyang katawan. Kundi dahil sa babaeng gumugulo ng kanyang isipan kagabi hanggang sa madaling araw.
     Si Summer. Si Summer na bigla na lang lumitaw sa isipan niya mula pa kagabi. Hindi niya alam kung bakit kagabi, bago siya umalis sa bahay nina Summer ay nag-alangan pa siyang umuwi. Para bang may salita na nasa dulo ng kanyang dila at hindi niya masabi.
     At yun ang iniisip niya habang naglalakad siya kagabi pauwi, hanggang sa makarating siya sa bahay nila at hanggang sa pag tulog niya. May kakaiba siyang nararamdaman para sa dalagang kasa – kasama niya. Para bang lubos siyang nabagabag na may nagkakainteres kay Summer. Iginigiit niya sa sarili na nagiging protective lang siya sa kaibigan dahil parang kuya na siya nito. Kuya? Hindi ba? Oo naman! Wala ng iba pang dahilan. Hindi niya magugustuhan si Summer dahil napaka bata nito, at kaibigan lang talaga ang turing niya rito. Dahil na rin siguro sa naging malapit sila nito dahil sa naramdaman niya noon ang lungkot at agam – agam nito, kaya para bang naging responsebilidad niya na proteksiyunan ito.
     At saka may girlfriend na siya, si Jacel, mahal niya ang girlfriend at hindi niya ito kayang ipagpalit sa iba. Lubusan lang siguro siyang nag-eenjoy na makasama sina Summer at Clarissa dahil sa, masasaya naman talagang kasama ang mga ito. Masyado kasing abala ang girlfriend niya, lalo na at sa Maynila ito nag-aaral ng kurso sa pagka flight attendant. Kay sa tuwing weekend lang sila nakakasama at minsan kung sem break.
     “O anak, tinanghali ka na ng gising, pagod na pagod ba sa game?” ang tanong ng mama niya sa kanya nang halikan niya ito sa pisngi habang naghihiwa ito ng mga sahog sa lulutuin na ulam nila para sa tanghalian.
     Medyo nakakaangat sila sa buhay, ang papa kasi niya ay isang seaman at nag-iisa pa siyang anak, kaya naman kaya ng mga magulang niya na ibigay ang lahat ng kailangan at gusto niya. Sinabihan na nga siya ng ama na sa Maynila na mag-aral ng kursong construction engineering at sumali sa varsity team ng mga sikat na unibersidad sa Maynila. Pero tumanggi siya, hindi naman kasi niya pangarap na maging basketball player, kahit pa hilig niya ang laro, ang maging isang engineer pa rin ang gusto niyang makamit. Kaya pinili niya pa rin na mag-aral na lang sa isang unibersidad sa San Vicente.
     “Oo nga po ma, bumawi lang ako ng pahinga, intense ng game kagabi” ang sagot niya, hindi niya masabi na pati ang pag-iisip niya kagabi ay naging intense din.
     “Mag-aagahan ka ba? Ipagluluto kita ng sausage saka itlog” ang alok ng mama niya.
     “Hindi na po ma, hintayin ko na lang po yang lulutuin ninyo na ulam, magkakape na lang po ako” ang sagot ni Alex.
     “Wala ka nga palang pasok ngayon ano?” ang tanong ng mama niya.
     “Opo, bakit ma, may iuutos ka ba?” ang tanong niya sa kanyang mama habang nagtitimpla siya ng kape sa kitchen counter. Hindi sumagot ang kanyang mama, kaya pagkatapos niyang magtimpla ay naupo siya sa upuan sa harapan ng lamesa katabi ng kanyang mama.
     “Wala lang, magpapasama lang ako sa bayan ng San Vicente mamaya” ang nakangiting sagot ng mama niya. Mas malaki at progresibo ang bayan ng San Vicente kaysa sa Villa Elena, kaya kapag may mga kailangan na bilhin, mas maganda magpunta sa San Vicente.
     “Mamimili ka ba ma?” ang tanong niya sa mama niya bago humigop ng mainit na kape.
    Ngumiti muna ang kanyang mama bago, “Hmmm, medyo, basta samahan mo na lang ako kasi may gusto akong bilhin, kailangan ko ng opinyon mo” ang simpleng sagot ng mama niya habang patuloy sa paghihiwa ng patatas na isasahog sa afritada.
    “Malamang bagong gamit na naman sa bahay yang bibilhin mo ma at kailangan mo ng taga bitbit” ang biro niya sa kanyang mama.
      “Eh ano naman may problema ba kung mamili ako?” ang natatawang patanong na sagot ng kanyang mama.
      “Wala naman po” ang bawi ni Alex.
      Natawa naman ang kanyang mama, “oo nga pala, diba taga roon si Jacel, bakit hindi natin dalawin sa kanila, ang tagal ko na rin siyang hindi nakita” ang sabi nito sa kanya.
      Oo nga matagal na rin mga dalawang linggo na niyang hindi rin nakikita si Jacel, pero bakit parang hindi niya ito hinanap? Ang palihim na tanong niya sa sarili. Marahil siguro dahil na rin sa naging abala siya sa basketball.
     “Huwag na ma, nagtext sa akin si Jacel, busy daw siya sa school kaya sa dorm muna siya at hindi makakauwi” ang sagot ni Alex.
      “Bakit kasi ayaw mo sa Maynila mag-aral?” ang tanong ng mama niya.
      “Ayoko dun, kasi wala ka dun sa piling ko” ang nakangiti at malambing na sagot niya sa kanyang mama.
     “Huh, loko” ang natatawang sagot ng mama niya at marahan siyang binato ng isang hiwa ng patatas at natawa na lamang siya.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon