Patrolman Paigma

16 2 0
                                    

Libong hakbang para sa pag abot ng pangarap,
Libong luhang sa iyong mata ay papatak;
Pangungutya't paglibak iyong maririnig,
Pilit na ilulugmok ang iyong pananalig.

Sa iyong landasin ay marami ang hadlang,
Samu't saring suliranin ang hahambalang;
Daang bagyo ng pagsubok ang iyong masasalubong,
H'wag kang huminto,patuloy na sumulong.

Nandito ako para iyong maging suporta;
Tungkod mo ako sa pag akyat sa bundok ng problema,
Gawin mong sagwan sa gitna ng alon at sigwa.
Hawak kamay,sa daan tungo sa tagumpay tayo ay tutugpa.

Dal'wa tayong sa Panginoon ay magdarasal,
Magkatabing luluhod at panalangi'y iuusal;
Upang ang hiling ay magkatotoo,
Samo ng ating mga puso.

Ang pagmamahal ko sayo ang sya ko namang lakas,
Upang samahan kang tahakin ang landas;
Daan tungo sa tuktok ng tagumpay,
Makamit ang nais sa buhay.

Konting hakbang na lang malapit ka na,
H'wag panghinaan ng loob,tagumpay ay abot kamay mo na;
'Di dapat magpatalo sa lungkot,
Gawing motibasyon upang pangarap ay tuluyang maabot.

Hindi ko man madalas maipakita,
Ngunit pakatandaan,ipinagmamalaki kita.
Ang propesyong iyong pinili upang maglingkod,
Maging alagad ng batas,ay lubos kong ikinalulugod.

Alam kong kalakip nito'y lagi ng panganib,
Buhay ninyo'y lagi ng nasa bingit;
Walang ibang pinakamabisang sandata,
Dasal lamang mahal,sa tuwi-tuwina.

Ingatan ang iyong sarili,'yan ang kahilingan,
Ang pagmamahal ko'y h'wag sanang kalimutan;
'Yan ang laging pakatandaan,
Ako'y andito lamang magpakailanpaman.




Patrolman PaigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon