Si Seladon at si Abida

24 0 0
                                    

Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay biglang may sumalakay sa kanilang isang hayop na di nila kaagarang naaninag dahil sa kadiliman. Wala namang nasaktan ngunit ang lahat ay nangamba dahil sa pangyayari. 

"Ano yun?" Tanong ni Kleng-kleng 

"Hindi ko rin alam, ngunit kung ano man yan ay humanda kayong lahat sa pakikipaglaban!" Tugon naman ni Transmit 

At naghanda nga ang lahat sa pakikipaglaban mula sa isang malaking hayop na sumambulat sa kanilang harapan. At nang ito ay nasinagan na ng mga liwanag mula sa ginawa nilang mga sulo at kramil ni Transmit ay laking gulat nila na ito pala ay isang malaking berdeng tamaraw. 

"Humanda kayo! Kaya natin ito basta tulong tulong lang tayo. Nag-iisa lang sya kaya't kayang kaya natin itong patumbahin." May kumpiyansang tugon ni Transmit 

"Sandali lang ginoong Transmit, sa tingin ko ay di pakikipaglaban ang pakay ng tamaraw na iyan. Pansinin nyo at may dala-dala siyang bilao ng pansit palabok. Marahil ay gusto nya tayong tulungan" Tugon naman ni Teteng 

"Teka! Kala ko ba ay pipi ka?! Bakit nakakapagsalita ka na ngayon?" Tanong naman ni Transmit na medyo tumataas na naman ang presyon 

"Ay oo nga po pala, pasensya na po" Tugon naman ni Teteng at bumalik na muli sya sa pagsesenyas. 

Bigla na lamang na may umalingawngaw na tinig mula sa di kalayuan at nagsabi ng mga katagang. . . . . 

"Hi! Paumanhin po, kapayapaan ang aming pakay, di kami mga kaaway. Nais lamang naming makatulong kaya't kayo'y huminahon" 

"Sino ka at saan ka nanroroon? Magpakita ka sa amin kung nais mo talaga kaming tulungan" Tugon naman ni Kleng-kleng 

At sa isang saglit pa ay isang dalaga na napakaganda ang nagpakita sa kanila mula sa likuran ng tamaraw at may dala-dalang lumpiang shanghai at pansit palabok na parehong nasa bilao.

"Ako po si Seladon at ito ang aking tamaraw na si Abida. Aming napuna na kayo na may suliraning kinakaharap kaya't nais sana naming makatulong kahit man lang sa munti naming kakayanan kung ito'y ay di ninyo mamasamain" Pagaalok ni Seladon

"Papaanong ang isang dalagang katulad mo ang napadpad sa kahindik-hindik na kagubatang ito na tanging ang tamaraw na iyan ang iyong kasama? Nasaan ang iba mo pang mga kasamahan?" Tanong ni Transmit

"Mahabang kuwento po, nawa'y kumain po muna kayo at akin pong isasalaysay ang lahat pagkatapos nyong makakain" Tugon naman ng dalaga

"Papaano kaming makakasiguro na walang lason ang mga pagkain ibinibigay mo sa amin?" Tanong naman ng isang matandang mamamayan

"Eto po, ako po muna ang titikim para di na kayo mag-alinlangan pa." Tugon ni Seladon, sabay subo ng isang kutsarang pansit palabok at isang lumpiang shanghai at inom ng tubig.

At pagkatapos nun at nasiguradong ligtas ang mga pagkain ay agad agad na sinunggaban at pinagsalu-saluhan na nga nina Transmit at lahat ng kanyang mga kasama ang pagkaing inalok sa kanila ng dalaga. Dulot na rin marahil sa sobrang pagod at gutom na kanilang dinaranas ay galit-galit muna silang lahat.

"Maari mo na bang isalaysay sa amin kung saan ka nanggaling at papaano ka napunta sa gubat na ito?" Tanong ni Kleng-kleng 

"Nagsimula po ang lahat nung ako po ay bagong panganak pa lamang dalawanpu't limang taon na ang nakakalipas. Bunso po ako sa limang anak ng aking mga magulang na sina haring Ruben at reyna Lete ng kahariang Pibibi. Ang aking mga kapatid na dalawang lalaki at dalawang babae ay sina Liw, ang panganay, si Yoya, ang pangalawa, si Ronba na pangatlo at Zari ang pagng-apat" Pag-uumpisa ni Seladon 

KlopeysyusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon