Chapter 17

37 2 0
                                    

Chapter 17


Bumuntong-hininga ako pagkaupong-pagkaupo ko sa armchair sa classroom. I feel so stupid.

"Good morning, Ian." Lumingon ako sa bumati sa 'kin, si Anjella. Yes, Ian, you are courting this beautiful girl.

Ngumiti ako, "Good morning, Anjella. Nagawa mo yung assignment sa English?" Tanong ko sa kanya, para naman magkatopic kami.

"Oo. Ikaw?"

"Oo din, anong movie yung ginawan mo ng review?"

"Medyo old school eh, What a Girl Wants."

"Ah, yung kay Amanda Bynes?"

"Yeah, wow, not every guy knows about that chick flick, I'm surprised na alam mo yun." Ngumiti siya sa 'kin at para bang amazed na amazed siya sa 'kin.

"Ah, favorite kasi yun ni Yann eh..." Ah sh*t, si Julyanna na naman. Pero totoo nga, paborito talaga niya yun, dahil siguro nakakarelate siya. Iniwan sila ng biological father niya, and she's yearning for a father's love all her life.

"Wow sweet. You watch it together?" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kuryosidad.

"Yeah, for like a hundred times already." Tumawa ako ng mahina at umiling-iling.

"Ang saya mo siguro maging best friend 'no?"

Ngumisi ako, "No, not really."

"Why not?"

"Kasi..." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko, f*ck, muntik na. Kasi pag best friend kita, hindi pwedeng maging tayo, may invisible wall na hinding-hindi pwedeng akyatin. 

I didn't say it, kasi mahahalata. Mahahalata, and hindi ko na alam gagawin ko kung malaman niya yun, baka isipin niyang niloloko ko siya. Seryoso ako sa kanya, I like Anjella.

Ngumiti ako at bahagyang umiling, "Basta."

"Daya." Ngumuso siya at umambang babalik na sa upuan niya dahil malapit nang mag-time.

"Ah, Anjella, mind going to the movies with me?" Aya ko sa kanya.

"Hm? Sure I won't mind, kailan?" She accepted with no hesitation.

"Next week?"

"Sige, ipaalala mo na lang sa kin next week." Sabi niya habang nakangiting mala-anghel.

Pagkatapos ng klase, naabutan ko si Yann na naglalakad sa corridor, may kausap na lalake.

Kumunot ang noo ko at dali-daling lumapit sa kanila.

"Yann, sabay na tayo umuwi."

Easiest Ways To a Girl's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon