#AGBGRevengeofadaughter
ISIAH's POV
Dinala namin si papa muna sa hospital para patingnan. Wala naman daw itong ibang karamdaman maliban lang sa na trauma siya at dahilan para mapasma, at na impatso gawa seguro ng kung ano ang kinakain niya. Binilinan kami ng Doctor na i-admit muna si papa para ma-monitor ang kanyang kalagayan. Tinawagan ko si Miyu para makisuyo na bantayan muna niya si papa at may asikasuhin lang akong mahalagang bagay. Nagulat man ay pumayag naman si Miyu.
"Papa, aalis muna ako ha, pupunta dito mamaya si Miyu para bantayan ka." Wika ko kay papa.
"Anak, baka iiwan mo nanaman ako." Wika niyang may takot sa kanyang mata. KAwawang ama ko.
Napangiti ako sa sinabi ni papa, lumapit ako sa kanya para halikan siya sa noo, ngayon ko ulit naramdaman ang pagmamahal ng papa ko, ang pakiramdam na matagal ko nang hindi naramdadaman.
"Papa, hindi na po ako mawawala.." May ngiting wika ko. "May aasikasuhin lang po kami ni Steven."
Napalingon ako kay Steven, napatingin din si papa sa kanya, napangiti naman ang asawa ko at naupo sa tabi ko, hinawakan niya ang kamay ni papa.
"Mr.cruz, wala po kayong dapat na ipangamba, pagbabayarin po natin ang may gawa sa'yo nito."
Nilingon ko ulit si papa na may pagtataka, kaya naman hinimas ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa'kin.
"Papa, ang isipin mo ngayon ay magpalakas at magpataba para 'pag hinatid mo 'ko sa altar gwapo ka." Ngiti ko. "At para na rin 'pag nakita mo ang mga anak ko malakas kayo."
Napangiti siya at hinigpitan ang hawak sa kamay namin ni Steven, napangiti lang din si Steven kay papa.
Isang oras din bago nakarating si Miyu at Seven, napagkaguluhan pa si Seven sa labas bago nakarating sa kwarto ni papa.
"Sabi ko naman sa'yo eh 'wag ka na sumama... 'yan tuloy napagkaguluhan ka. Ano? Nakurot ka ba?"
Wika ni Miyu habang chini-check si Seven kung may kurot, at sinabi naman si Seven na hindi siya nakurot pero ang Miyu makulit pa din.
Maya lang nag ring ang phone ni Steven, nagpaalam muna siya na lalabas siya at sasagutin lang ang phone niya.
"Kayo muna ang bahala sa papa ko ha? Tawagan mo 'ko 'pag may problema." Wika ko kay Miyu.
"Masaya ako at okay na kayo ni tito." Nakangiting saad niya.
Napangiti ako at nilingon ang mahimbing na natutulog na si papa, medyo nagkakulay na siya di tulad nung araw na nakita namin siya. Napagpasyahan namin na dun na lang samin titira si papa at total may isang kwarto pa dun.
"Papa ko pa rin siya, at ito ang gusto ni mama mangyari." Ngiti ko. "Tiyak masaya si mama ngayon."
"So baby girl, sa'n kayo ngayon pupunta?" Tanong ni Seven.
"May tuturuan lang ako ng leksyon." Inis kong wika. "Inaantay pa namin yung taong kinuha ni Steven para maghanap sa bruhang yun... Pagbabayarin ko siya."
Napabuntong hininga naman si Seven, habang si Miyu nakatitig lang kay papa ko, inayos ko naman ang kumot ni papa.
"Oo nga pala, naayos na ni Vicky lahat ng needs natin, at yung venue okay na pati mga invitation cards natin." Wika naman ni Miyu.
"Salamat Miyu, nasabi na rin sa'kin ni Storm na okelay na ang simbahan na kausap na niya."
Maya lang pumasok na si Steven at binalita niyang nakita na ang kabet ni papa, kaya nagpaalam na ako kay Seven at Miyu.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romansa"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...