EPILOGUE

8.6K 195 93
                                    


*****

Ngayon ay wala ang presensya ni Lyle sa kusina ng kanyang restaurant upang kontrolin ang takbo ng mga gawain doon, ipinaubaya niya muna ang trabahong iyon sa kanyang sous chef sapagkat kailangan niyang unahing umisip ng bagong idadagdag sa kanilang menu.

Nakatutok ang atensiyon niya sa kanyang laptop at tila malalim ang iniisip.

'Kailan kaya uuwi si Arohi?' Hindi mapigilang turan ng kanyang isipan. 'Six days ko na siyang hindi nakikita...'

Umiling-iling si Lyle. "Focus," bulong niya sa sarili.

Hinilot-hilot niya ang kanyang sentido habang nakapikit at sumandal sa office chair. Hindi niya akalaing makakarating siya sa puntong ito, ang maramdamang tumatanda na siya.

"Well, I'm not in my thirties yet. Still ideal for marriage." Napangiti siya sa nasabi at naramdamang dumaloy ang init sa kanyang mukha.

"Asa ka pa. Sa dalas ng pag-travel ng jowa mo ni hindi nga kayo makapag-loving-loving, marriage pa kaya?" Entrada ni Cassie na hindi namalayan ni Lyle na nakapasok na pala sa office niya.

Napaupo naman ng ayos si Lyle at nagsalubong ang mga kilay. "Dani!" Tawag niya sa kanyang sekretarya.

Agad namang pumasok ang isang dalagang halatang fresh graduate pa lang. Nakapaskil sa mukha nito ang isang masiglang ngiti. "Yes, ma'am?"

"Bakit nakapasok 'yan dito? What did I tell you?" Sinubukan naman ni Lyle ang magtaray.

Napakamot na lang si Dani sa kanyang pisngi. "Eh, Ma'am Lyndal, nangyari na rin naman po ito noong unang beses pero hindi ko naman po napigilan si Ma'am Cassie sa pagpasok. Tapos pang-anim na beses niya na po—"

Itinaas naman ni Lyle ang kanyang kamay para patigilin ang kanyang secretary sa pagpapaliwanag. "Okay, you may go now."

Sumilay naman ulit ang masiglang ngiti ni Dani. "Yes, ma'am!" Tuluyan na itong lumabas sa opisina.

Bumaling naman si Lyle sa babaeng prenteng nakaupo sa may sofa. "What do you want?"

"Bad trip ka, ghorl?" Pang-aasar ni Cassie. Inirapan lang siya ni Lyle. "Well... binibisita ko lang ang tigang kong friend." 

"Sorry, ha? Inuuna ko kasi 'yung trabaho kaysa landi." Inis na sagot naman ni Lyle. Naghalo-halo na ang stress niya sa trabaho at pagka-miss kay Arohi kaya't madilim talaga ang mood niya na lalong pinadilim pa ni Cassie.

Humagalpak naman ng tawa si Cassie. "Kawawa ka naman, Lyle my dear. Ulilang-ulila na sa haplos ng sinisinta."

"Cassie Jeonathan Sasaki, pumunta ka lang ba rito para—" 

Malapit nang bumuga ng apoy si Lyle kaya't inunahan na siya ni Cassie. "Okay, chill!"

Tumayo si Cassie at humakbang papunta sa kinauupuan ni Lyle. "I'm here to pick you up, actually." Hindi na nakapag-react si Lyle ng ikutin ni Cassie ang kinauupuan niyang office chair at walang anu-anong hinila siya nito sa braso. "Let's go!"

At dahil tila papel siya pagdating sa lakas ni Cassie ay walang magawang napasunod na lang siya dito. Ni hindi na rin siya nakapag-protesta dahil sa pagkabigla. Paglabas nila ng opisina ni Lyle ay bumungad agad si Dani na nakatayo sa puwesto nito. Kumaway pa ito kasabay nang malaki nitong ngiti ng madaanan nila ito.

Hindi nagtagal ay nasa loob na sila ng sasakyan ni Cassie. Binuhay ni Cassie ang makina ng sasakyan.

"W-where are we going?" Hingal na tanong ni Lyle dulot ng mabilis na paglalakad at pagkasabik. Ilang araw na rin kasi siyang nakakulong sa kanyang opisina.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon