Chapter 19

4.8K 133 31
                                    

Imposibleng magbago ang mukha ni Stephan ng ganun kalaki ang ipinag-iba. Sobrang magkaiba na hindi na siya makikilala sa dati niyang hitsura. Oo may mga features sa isang tao na magbabago habang nagmamature, pero hindi naman totally mababago ang buong mukha.

"As for your second and third question, walang ibang nakakaalam na ang mga magulang niya ay may ginawang duplicate niya. Maliban sa batang ipapalit sa kaniya at tumayo bilang siya. Sa kadahilanang para may maipagmalaki ang kanyang magulang na isang anak na mahusay, matalino at kahanga-hanga sa mata ng lahat. Mahigpit na ipinagbabawal ang may makaalam ng sikretong na 'yon. Walang dapat na makaalam kahit na sino. Pamilya man o hindi. Obviously, you are just a family close friend. Important but less necessary in the family."

Hindi ko alam kung matutuwa o magagalit ako. Importante pero hindi sa puntong sobrang kailangan ng pamilya nila? Wtf? Is that even possible? May importante ba pero hindi kailangan? Nakakaloko lang.

Pinaglaruan niya ang mga daliri ko at hinayaan ko siyang gawin iyon. Mas mabuti na ang ganun kesa makita siyang parang handa nang pumatay habang nagpapaliwanag. Ramdam ko ang galit na nagmumula sa kanya. Hindi man niya 'yon ipakita, kusa iyong umaapaw sa kanyang aura. Alam kong ang galit niyang 'yon ay may malalim na pinaghuhugutan.

Kung ano man 'yon ay malalaman ko rin.

"Sino ang mas una kong nakilala?"

"The original. Hindi ka ba magtatanong kung sino?" he asked.

Sinalubong ko ang seryoso niyang mga titig. Naghahatid man ng lamig at pagbabanta ay hindi ko mapigilan ang humanga. Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa kulay ng kanyang mga mata. Kahit nga kay Aki ay ang asul nitong mga mata ang pinakapaborito ko.

"Sino?"

"Stephan Lewis. Your teptep."

I facepalmed. "Are you fooling me? Pareho silang si Teptep nang mga panahong 'yon. How would I know who's the original and the fake one?"

Ginagago ata ako nitong mafia boss na 'to.

"Yeah, by name. But as a person, you first met the original one. You met me first."

"Ah! Sa pagkakaalala ko ay cheerful si Teptep nang una ko siyang makilala. Buti na lang ganun pala talaga siya. Akala ko kasi dahil magkaibang tao sila ay magkaiba na rin ang ugali nila. Saka---"

Nanigas ako sa kinauupuan nang mas marealize ko kung ano ang sinabi niya.

Yeah, by name. But as a person, you first met the original one. You met me first.

You met me first.

Namimilog ang mga matang napatingin ako sa kanya na seryosong pinapanood ang reaksyon ko. Mga tingin na masusi akong pinag-aaralan. Inaarok ang aking kaibuturan. Klase ng titig na parang wala kang sikretong maitatago.

"Y-you?"

I asked while my hands were shaking.

"Yeah, me"

"No way", pabulong kong sambit.

He can't be! He can't be cheerful! Look at him now. Mas malamig pa sa yelo. Mahihiya ang Northpole.

Isa pa, mukha ng rapist ko ang meron siya. Hindi ng kinilala kong bestfriend.

"How?"

Hindi makapaniwala kong tanong.

My head was spinning. My mind was like in a whirlwind. I can't believe it! Not in the slightest even. What he is now is different from who he's claiming him to be, before.

Bumuntong hininga siya at iniharap ako ng maayos sa kanya.

"Listen carefully, Elaina", seryoso niyang saad.

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon