9. CLOSE TO MY HEART

745 41 1
                                    

Napabuntong hininga si Chelsea habang pinagmamasdan si Ira sa hindi kalayuan. Nakaupo ito sa tapat ng puntod ni Bonsai at matiim na nakatitig sa lapida. Tila kinakausap nito ang namayapang asawa. Halatado pa rin ang lungkot nito at pagluluksa. Karga naman niya si Irvin na tila nalungkot din ng mapasok sila sa pribadong sementeryo. Umiyak ito kaya nilibang niya at dinala sa isang lilim ng puno sa hindi kalayuan.

            Natigil naman ito sa pagiyak. Lihim siyang nanalangin na sana, ganoon din kadaling pakalmahin si Ira. Habang pinagmamasdan ito, natutunaw din ang puso niya. She wanted to make him happy, bring back his smiles but how? Sa tingin niya, ang makapagpapasaya dito ay makulong ang taong naging dahilan ng pagkamatay ni Bonsai.

            Napabuntong hininga na lamang siya at niyakap si Irvin. Binigyan niya na lamang ng oras si Ira at nagisip na lamang kung papaano ito mapapangiti. Sa ngayon, sapat na sa kanyang nakakasama ito at nakakausap kahit papaano. Umaasa siyang pasasaan din at makukuha na niyang tuluyan ang kalooban nito.

            “Let’s go,”

            Napaigtad pa siya ng marinig ang boses ni Ira sa likuran niya. Agad niyang kinalma ang pusong nagwala.

            “Saan ho tayo pupunta?” usisa niya. Maaga pa at sa tingin niya ay may oras pa sila para mailibot si Irvin. Alas sais pa lang ay nasa bahay na siya nila Ira. Pinaghanda pa niya ng almusal ito at pinaliguan si Irvin. Kahit papaano, gumaan ang loob niyang napagsilbihan ang magama. Alas syete naman silang nagpunta sa sementeryo. Isang oras sila doon at nanghihinayang siya kundi nila gagamitin ang natitirang oras para maipasyal ang bata.

            “We’ll go to San Jose. Tumawag si dad kagabi. Nasa San Jose daw siya. Gusto niyang makita si Irvin. Dadalawin ko na rin ang mga casino doon.” anito saka kinuha si Irvin.

            Lihim siyang napangiti. Pansin niya, sa tuwing kasama niya si Ira ay madalas na ito ang magbuhat kay Irvin. Kung tutuusin, hindi siya napapagod magalaga kapag magkasama sila. Very hands-on si Ira dito. She was really impressed how he loves his son. Bihira lang kasi sa lalaki ang ganoon kaalaga sa bata.

            “Okay, sir.” nakangiting saad niya saka sumakay na sila sa sasakyan. Magkatabi sila nito sa likuran. May kasama silang isang bodyguard at nakaupo iyon sa tabi ng driver.

“I guess you can come. Nandoon naman sina dad. Gusto rin noong sarilinin si Irvin,” ani Ira kapagdaka.

            Napatingin tuloy siya rito pero tumingin ito sa labas ng bintana. Hindi tuloy niya makita ang reaksyon nito. Gayunman, napansin niyang bahagyang namula ang tainga nito. Parang nailang! Napakagat tuloy siya sa ibabang labi para pigilang mapangiti. Tila gusto rin nitong bumawi sa mga favors na hiningi sa kanya para alagaan si Irvin.

            Bigla siyang na-excite. Ni minsan, hindi pa siya napasok sa I-Casino. Nawalan na rin siya ng pagkakataon dahil naging abala na siya sa Manila.

            “Baka naman nandoon ulit ‘yon mga nagpunta sa Hades’, sir. Talaga ho bang close kayo?” usisa niya ng maalala iyon. Magmula din kasi nang umalis ang magkapatid, hindi na rin nagbalik pa ang mga iyon sa Hades’.

            Napabuntong hininga ito. “Nandoon sila dahil suki ko na sila noon pa. Besides, their business was just near I-Casino. Sa kanila ang mga seafood restaurant sa tabi namin kaya nakakapunta sila anumang oras nila gustuhin.” paliwanag nito saka siya tiningnan. “They are customers but it doesn’t mean they are my friends. At kahit malapit sila sa akin, hindi pa rin naman sapat na dahilan ‘yon para i-tolerate ko ang mga kalokohan nila.” dagdag nito.

            Napangiti siya. Sinasabi na nga ba niya. Hindi ito kagaya ng iniisip ng dalawang lalaki. Tama ang pagkakakilala niya rito at lalo pa tuloy niya itong hinangaan.

            “Okay.” simpleng sagot niya saka nanahimik na. Maging si Ira ay hindi na rin nagsalita. Niyakap lang nito si Irvin na nakatulog na sa bisig nito hanggang sa ito naman ang nakatulog. Napangiti siyang pinagmasdan ang magama.

            At habang nakatitig sa magama, mayroon siyang napatunayan: mahalaga sa kanya ang magama at mananatili siya sa buhay ng mga ito hangga’t payagan siya ng pagkakataon…

HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon