Prologue

115 55 10
                                    

Brie's POV:

Kasalukuyang akong naglalakad papuntang park na malapit samin. Dinadama ang simoy nang hangin ngayon bakasyon. Umuwi muna kami sa bahay ng Lolo at Lola namin dito sa syudad nang Naga probinsyang Bicol para magbakasyon kung saan talaga namang nakakamiss na umuwi kahit pa gumastos kami nang malaki.

Nakatira kami sa isa sa Village, Filivest East sa Cubao. Marangya ang pamumuhay namin kaya wala naman kaming aberya tungkol sa kung ano ang gusto namin sa araw-araw sa katunayan nga niyan maluho talaga ang pamilya namin pero hindi ako.

Isa lamang akong simpleng babae na mayroong pangarap kung saan hindi ko gusto ang kayamanang mayroon ako para sa sarili ko. Ang gusto ko ay iyon mula sa pinaghirapan ko naman ang gagastuhin ko sa mga bagay na gusto kong bihin. Hindi naman sobrang saya nang buhay ko pero hindi rin naman malungkot tulad nang pagkakaunawa niyo.

Nang makaupo na ako sa isang duyan sa park naisip kong bakit hindi pwedeng maging parehas ang pamumuhay nang lahat ng Tao. Bakit hindi nalang ipinarehas para wala nang problema ang bawat isa sa mundong to? Bakit pa pinapakomplikado ang lahat kung pwede namang pasimplehin nalang ang mga bagay-bagay?

Habang nagmumuni-muni ako nakita ko nalang na mayroong bata ang nadapa sa dinaraan nito. Parang maiiyak na kaya tumayo na muna ako sa inuupuan ko at pinuntahan ito sa pag-aakala kong 7 years old na ata.

"Bata, ayos ka lang? Huwag mong iyakan ang pagkadapa mo. Halika tayo na tayo" Saad ko sa bata saka pinatayo ito.

" A-te, sa-lamat p-po" sinto-sinto nitong saad sakin bago siya ngumiti nang matamis at hinawakan ako sa kamay. Lakad nang lakad lang kami palibot sa park hanggang sa mapatingin siya sa tindahan nang sorbetes.

"Gusto mo ba nun bata?" Tanong ko rito pero umiling lamang siya sakin halatang nahihiya. Pero imbes na salimahan ko nalang tong bata na hawak-kamay ko ay dinala ko siya sa tindahan nang sorbetes.

" Manong, Isa nga pong chocolate" Ani ko sa tindero pagkatapos ay binayaran ko narin at kinuha ko na ang sorbetes sa tindero saka ko ibinigay sa bata na hindi ko pa pala alam ang pangalan.

"Bata, ano bang pangalan mo?" Nakangiti ko pang sabi sa bata kung saan ay nagpasalamat pa man muna siya bago sabihin ang kaniyang pangalan.

"A-ako p-po s-i Ma-marco" sagot naman niya saka tumawa.

Nang matapos siya sa kinakain niyang sorbetes ay agad naman kaming naglakad-lakad ulit.

"Marco! asan ka na? Marco" naririnig kong sigaw nang tao sa likod ko kung saan banda lumingon ang batang hawak ko saka bumitiw sa pagkakahawak sakin. Nakita ko nalang ang bata na tumatakbo papunta doon sa lalaki sabay yakap. Isang yakap na takot mawala ang isang tao sa kanilang buhay. Sa ganong yugto napalingon sakin ang lalaki at pumunta sa harapan ko hawak-hawak ang kamay ni Marco. Masasabi kong hindi sila singyaman tulad nang samin. Moreno parehas ang dalawa pero may maibubuga sa mga nakilala ko kapag naayusan.

"Miss, ikaw ba ang nakakita sa kapatid ko?" Malalim na tono nang tanong niya  na nakapagpatango sakin. "Salamat, mabuti at isang kasing bait mo ang nakakita sakanya" dagdag niya pa para tanguan ko ulit siya. Nakakahina nang tuhod ang boses niya.

Shet! Ang rupok

"Ay oo nga pala, Diego. Diego Sacramento" pagpapakilala niya sakin sabay nang paglahad nang kamay. Nang tingnan ko ang kamay niya ay napansin kong mayroon itong mga bakas nang sugat na naghilom na. Mukhang napakahirap nang buhay nila. Pero imbes na magtagal pa sa ganon ang posisyon nang kaniyang kamay ay tinanggap ko ang pakikipagsake hands sa kaniya.

"Nice to meet you Diego. I'm Brie Zamora." sabay ngiti ko sakaniya na tinugon rin naman niya nang isang ngiti. Nang pakawalan niya ang kamay ko ay humingi siya nang paumanhin dahil sa kamay niya.

Nahalata niya kasing dayo ako sa bayan nila at nahihiya siya dahil doon kaya pinabayaan ko na lamang. Pero hindi naman ako dayo talaga siguro nasasabi lamang yan nang mga taong hindi ako nakikita sa tuwing umuuwi ako nang probinsya dahil hindi naman talaga ako lumalabas nang bahay.

"By the way, saan ang bahay niyo?" Tanong ko kay Diego nang isabay na nila ako sa paglakad lakad sa kabuuang nang parke dahil sa sobrang lawak kung saan sakop narin nito ang iba't-ibang mga palaruan na makikita sa lugar.

"Ah kami, diyan lang sa malapit. Bakit?" Ani niya sakin na ikinakibit ko nang noo ngunit pinabayaan ko na lamang dahil mukhang ayaw niya.

"Wala naman. Gusto ko lang makita, bakit bawal ba?" Alangan ko naman saad sakaniya. Na agad niya rin namang ikinailing.

Nang inabot na kami nang gabi sa pag-ikot-ikot lang naman sa parke ay ang nagpaalam na ako rito dahil baka hinahanap na ako nang magulang ko. Hindi naman na siya sumalungat pa bagkus ay gusto na rin naman niya akong umuwi.

Nang makapunta na ako nang bahay ay hindi na ako nag-abalang kumain pa bagkus ay nilibot ko na lamang ang paningin ko sa loob nang bahay nang makita kong wala na naman ang mga magulang ko ay umakyat na lamang ako sa kuwarto ko at nahiga. Pilit na inaalala ang lahat na nangyari sa araw na to.

Kung ikokompara ang pamumuhay nang lalaking si Diego sa buhay niya ay halatang naghahanap-buhay na ito para sa pamilya. Bagay na hindi ko mararanasan habang nasa puder ako nang pamilya ko.

'Wala ba talagang paraan para ang bawat pamumuhay nang tao ay maging pareho. Kung saan wala nang iniintindi pa kundi ang kanilang sariling pamilya lamang.
Hindi naman siguro impossible ang lahat nang bagay na iyon.' nabubuong tanong sa isip ko hanggang sa lamunin na ako nang antok at natulog.




_________________________________________________

Hello mga KaCalibsta 👋

Anong masasabi niyo sa kuwento nang buhay ni Brie?

Marami talagang buhay ang hindi mo masasabing pantay.
Kaya hayaan niyo na ikwento ko sainyo ang storya nang buhay ni Brie Zamora sa susunod pang mga kabanata.

Enjoy😉

Don't forget to vote, comment and support your author purpleCalib 💗.

Thank you! God bless 😇

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon