CHAPTER 1:AWIT

45 5 0
                                    

CHAPTER I: AWIT


"Ang pag-ibig ay parang musika na kung saan nararamdaman mo ngunit di mo nakikita."
-Sadrita Basu

Lahat nagkaguluhan, nag-aayos, at natataranta kung anong uunahing gawin. Habang
naglalakad ako sa hallway halos lahat ng mga estudyante ay abala sa kanilang gawain. Bakas sa
kanilang mga mukha ang saya at pagkasabik. "Excuse me, pwedi po ba magtanong?" agad kong
tanong sa isang lalaking di ko kilala. "Hi, Ako nga pala si Evan, ikaw?" agad niyang tugon. Habang
tumitingin ako sa mga estudyante nang masulyapan ko ang kanyang mukha nakaramdam ako ng
1 minutong paghinto (shala gwapo nemen) at agad ko namang sinabi ang aking pangalan "Kenzo,
bago lang po kasi ako dito, ano po ang ganap bakit nagkakaguluhan at abala ang lahat?... hinila
nya bigla ang aking kanang kamay sabay hila papuntang function hall (enebeyen bwenomano
kaagad) nang makarating kami sa pinupuntahan nakaramdam ako ng pagod (ikaw ba naman
hilahin ka bigla tas tatakbo, parang timang ano to love story?)

"Grabi naman! Ano ako aso na may tali sa leeg?" ngiti lang ang kanyang tugon sa akin (pero
ok na rin) kapag bago kasi dito sa school naman ... at agad siyang, ay sila pala kumanta ng
Memories by: Maroon 5, ganda pala ng boses... (Alam nyo yung pakiramdam na hinaharanahan
ka?) Yun yung nararamdaman ko ngayon, isipin mo silang lahat kumakanta pagkatapos kakikilala
mo pa lang siya. Siya rin pala ang lead vocalist ng grupo nila. Nang mag chorus na tumingin sa
akin, kumindat at sabay kanta ng "There's a time I remember. When I did not know no pain. When
I believe in forever, and everything would stay the same. Now my heart feel like December when
somebody say your name, 'Cause I can't reach out to call you, but I know I will one day..."

Hindi ko rin namamalayan na nagsisimula na rin pala akong umindak at ngumiti sa kanya.
Pero bat Memories ang welcome song? Haha di ko rin alam ang importante ang ganda ng mga
boses.

Si Evan ay may katangkaran, yung sakto lang, moreno at matangos ang ilong, maamo ang mukha, at may
kasingkitan ang mata. Kapag una mo siyang makita ay di mo siya gaanong maapreciate pero kapag
tinitigan mo nang mabuti, gwapo pala. Pareho lang kami ni Evan ng year level at edad.

Same section lang kami, at magkalayo kami ng upuan, ayaw kong magkatabi kami baka di
ako makapokus sa klase nakakafeel kasi ako ng mga Norepinephrine and Endogenous opiodis
(Search niyo nalang guys) kapag nakakatabi ko si Evan.

Araw- araw kaming magkasama sa klase, unti-unti ko na rin siyang nakikilala at maging sa
bakanteng oras tinuturuan niya ako ng mga kantang di ko pa alam o narinig tulad nalang ng Your
Still the One ni Shaina Twain ang ganda ng boses niya habang nagigitara at napapasecond voice
nalang ako. Minsan tinanong niya ako na mag-audition sa kanilang grupo dahil kulang sila ng
mga back-up singers para sa gaganaping Music Festival sa darating na Valentines. "Naku wag na!,
baka mapahiya pa ako sa mga kagrupo mo." Ang sabi ko naman sa kanya. "Tiwala lang, hindi ka
naman namin pagtatawanan." Iyon ang aking naging pampalakas loob. Nang tawagin na ang aking
pangalan agad akong pumasok sa room na kung saan sila ay naka-upo. Kinakabahan kasi ako lalo
na kapag nandiyan si Blaine. "Ano ang iyong kakantahin, Kenzo?" ang tanong ni Jo, ang secondvocalist ng grupo nila. "Ang kakantahin ko ay The Simple Things by: Micheal Carreon," "Bakit
mo naman ito ang iyong napili?" ang tanong ni Evan, "Gusto ko lang ibahagi ang tunay kong
nararamdaman sa taong minamahal ko (chos, ang toto? Kenzo? Walang masabe? Nadulas ka),
thank you" "Good luck, Kenzo." Ang sabay nilang sabi.

Huminga muna ako ng malalim at nagsimula nang kumanta, "It's a simple things you do I
just can't get enough of you. It's that perfume that you wear and the way you do your hair..."
habang kumakanta ako tinitingnan ko si Evan, in short kinakabahan ako habang seriyosong
tinititigan niya ako at nang bigla siyang ngumiti... nang sa part na ng rap bigla akong nautal at di
ko na matandaan ang lyrics dahil kay Evan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AwitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon