Maaga pa lang ay bumangon na si Summer para tulungan ang kanyang lola na magluto ng kakanin na ititinda. Sa tuwing sabado kasi marami ang umoorder dahil marami ang namimili lalo na yung mga paluwas ng Maynila.
Mabilis siyang naligo at naghanda na para sa mga gagawin. Sinuklay niya ang kanyang mahabang diretso na buhok at pilit na pinatuyo ito gamit ang tuwalya. Pagkatapos ay itinali niya ng mataas ang buhok. Naglagay na siya ng towel sa kanyang likod para kahit pagpawisan siya ay di mababasa ang likod niya ng pawis.
Masaya siyang lumabas ng kanyang kwarto at naabutan niya ang kanyang lola na nakaupo sa harap ng lamesa at hawak ang cellphone nito, napansin din niya ang mga bilao na walang laman.
“La?”ang patanong na bati niya sa kanyang lola, napansin niya na mabilis na pinahid ng kanyang lola ang luha sa pisngi at mata nito at pilit itong ngumiti bago humarap sa kanya.
“O Summer, kanina ka pa ba diyan? Mag-almusal ka na may sinangag at pritong itlog at tuyo ako na niluto, maghain ka na at sabay na tayong kumain” ang sabi nito sa kanya sa boses na halatang pinasaya at pinasigla nito.
Hindi na kaya pa ni Summer na tiisin na makita ang lola niya ng ganito, kailangan na niyang malaman ang tunay na kalagayan nila.
“Lola, hindi na po ako bata, kaya ko na po iintindihin ang lahat, sabihin nyo na po sa akin ang totoo, may problema po ba?”
Tumulo ang isang luha sa mata ng kanyang lola, at nakita niyang yumugyog ang balikat nito nang kumawala ang luha nito sa mga mata. Kumirot ang puso niya at mabilis siyang lumapit sa kanyang lola para yakapin ito.
“Pasensiya ka na anak, at medyo kakapusin tayo, nabawasan kasi ang kumukuha sa atin ng mga kakanin, kailangan ko ng maghanap ng iba pang pagkukunan ng pangkabuhayan natin o magtitipid pa tayo ng husto para makaraos tayo. Pero gagawin ko ang lahat, lahat-lahat, para makapag kolehiyo ka Summer, huwag kang mag-alala” ang lumuluhang sabi nito sa kanya.
Pinilit ni Summer na hindi umiyak, gusto niyang magpakatatag para sa kanila ng lola niya. Mukhang ang araw ay nakalubog sa kanila ng mga sandaling iyun, ang sabi ni Summer sa sarili. Pero, dadaan lang ito, hindi ito magtatagal at malalampasan nila ito, ang giit niya sa sarili.
“Lola, matagal pa naman po iyun, may dalawang buwan pa bago ako mag tapos ng senior high, pipilitin ko po makakuha ng scholarship tapos mag part time job po ako para may allowance po ako sa transpo ko, magtutulungan po tayo lola, huwag po kayong mag-alala” ang nakangiting sabi niya sa kanyang lola at ipinakita niya rito na puno pa rin siya ng pag-asa.
Niyakap siya ng mahigpit ng kanyang lola, “napakabait mo apo, napakaswerte ko sa iyo, sayang lang at hindi ko kayang ibigay sa iyo ang lahat ng kailangan at gusto mo” ang malungkot na sabi ng lola niya.
“Lola, hindi ko po kailangan ng luho sa mundo, hindi naman po kayang bilhin ng pera ang gusto ko” ang sagot niya sa kanyang lola.
“Sino si Alex?” ang pabirong tanong sa kanya ng lola niya.
Namula at nag-init ang mukha ni Summer, “lola hindi po kayo po ang ibig kong sabihin” ang pagtanggi niya at isang tawa ang isinagot ng kanyang lola sa kanya.
“O siya sige, maghain ka na nang makakain na tayo at maglalaba pa ako tapos may mga order pa naman ako, magluluto ako mamaya” ang sabi ng lola niya.
“Lola ako na po ang maglalaba kayo na po ang magluto, tapos ipagtabi niyo ako ng ube ha” ang bilin niya sa lola niya.
“Ube-leche flan ang gagawin ko” ang masayang sagot ng lola niya. At nanlaki ang mga mata ni Summer sa bagong narinig.
“Mukhang mas masarap yun lola” ang masayang sabi niya.
“Nakita ko na may gumawa na nito at may order sa akin kung kaya ko raw, e madali lang naman gawin kaya, tinanggap ko” ang masayang sagot ng lola niya. Nabawasan man ang mga orders nila ay may pag-asa pa namang tumaas ang order kapag may bago silang mailuluto, ang sabi ni Summer sa sarili.
“O kilos na ng makakain na tayo” ang sabi sa kanya nito.
Dahil sa naging abala si Summer sa mga gawaing bahay ay sandaling naalis ang mga isipin niya sa buhay. Habang naglalaba ay ang lola naman niya ang nagluto ng kanilang pananghalian kasabay ng mga order na paninda.
Bago matapos ang paglalaba niya ay tinawag na siya ng kanyang lola para kumain muna ng pananghalian. At saka nito ipinatikim ang bagong gawa nitong ube-leche flan . At talaga naman namilog ang mga mata ni Summer nang sumayad na sa dila dila niya ang masarap na lasa ng ube halaya na may leche flan sa ibabaw.
“Lola may bago na akong paborito” ang sabi niya sa kanyang lola, “ang galing nyo po talaga magluto, ituro nyo po sa akin ito ha” ang sabi niya sa kanyang lola.
“Oo naman, ubusin mo na iyan, at itinabi ko talaga yan para sa iyo” ang sabi ng lola niya sa kanya.
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
Любовные романыFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...