1st Person's POVI was quiet the whole breakfast, and almost didn't broke a sentence. Kapag kinakausap ako ay nasagot lang ng tipid na 'oo' at 'hindi'. Sinong hindi mahihiya?
Pero bakit nga ba ako nahihiya? Ano bang dapat ikahiya Ziaren?
Wala! It's just–na c-conscious lang talaga ako sa presensya nong lalaking iyon. Na para bang hindi niya dapat ako mapansin dahil naiintimidate ako sa kanya. And I didn't even know why! Ni hindi niya na ulit ako pinansin buong almusal at nagpatuloy na sila ni Manang ng pag uusap. Well, pabor sakin yon actually.
Kagat labi akong nakatitig sa screen ng cellphone ko at nakaupo sa hammock chair sa may veranda ng bahay. Tumawag sakin si Ren at medyo weird siya dahil tawa siya ng tawa sa tawag at pag tinatanong naman ay hindi sumasagot ng maayos. Parang baliw lang.
Ngayon ang kauna unahang ultrasound ko at ngayon din ang unang pagkakataong makakalabas ako ng hacienda. Finally! After ages na sa pakiramdam ko'y naikulong ako dito ay makakalabas na ulit ako. Not that I don't want here, but the feeling of freedom is a relief for me. Ang akala ko kasi talaga ay halos taon ang pamamalagi ko dito. Maganda dito, and is beyond the expectation pero iba parin kasi talaga yung makisalamuha sa kung ano nang nangyayari sa mundo.
I'm excited. Oo, super. Hindi lang dahil makakalabas na ulit ako kundi rin ay makikita ko na ang anak ko or what is he/she look like. I can finally call my child son either daughter.
Umangat ang tingin ko sa kabilang parte ng ilog at naaninag ang dalawang pigura ng taong nandodoon. Kinailangan ko pang paliitin ang buka ng mata ko upang mapagtantong si Zoren iyon at kasama si Angeline. Noong una ay nag uusap sila, hanggang sa mapansin kong nagtatalo na ito at parang sumisigaw na si Angeline kay Zoren. Hindi ko iyon maririnig dahil malayo ako sa dalawa. Ganunpaman ay basa ko ang inaakto nila. May nakataling kayumangging kabayo sa tabi ng puno kung saan sila naroon.
Ano kaya ang nangyayari doon?
Kunot ang noo ko habang pinipilit kong basahin ang galaw ng dalawa. Nagmumukha tuloy akong chismosa dito at naalala ang mga kasama ko sa apartment bigla. Gantong ganto sila pag may nakikitang kumosyon, hayst.
Aalis na sana ako roon nang maramdaman ko ang malalamig at malambot na pares ng mga kamay ang biglang hinarang sa paningin ko. Hindi ako kinabahan pero nagtaka ako bigla kaya napahawak ako sa mga kamay na mahigpit na nakatakip sa mga mata ko.
"Sino ka? Christie?" Nag aalinlangan kong tanong nang narinig ko ang hahikhik ng taong nasa likod ko. Pero hindi boses ni Christie iyon!
Tumindig ang balahibo ko nang mapagtanto kung kaninong pilit na tawa iyon. Hinding hindi ako magkakamali!
"Oh my God," Wala sa sariling sambit ko at pinipilit na ikalas ang mga kamay at nagtagumpay sa ginawa.
"Surprise!" Ngiting ngiti si Ren nang tumalikod ako at nagugulat na tingingnan siya. Naka shorts siya at longsleeves na maong na naipalaliman ng spaghetti strap.
"Bethany Renee!" Halos talon ang ginawa kong yakap sa kanya dahil sa kasabikan at nang bitawan ko ito ay sapo niya ang bibig na nakatingin aa tiyan ko na tila gulat sa nakita.
"Holy. Pregnant!" Hinawakan niya ang tiyan ko nang nakanganga. "I really can't believe na makikita kitang ganito. I mean, look at you Ziaren! You're so pregnant!" Hindi makapaniwala siyang tumawa at hinaplos ang tiyan ko.
"Yeah.. I missed you," tangi kong sabi at sunod sunod na ang kamustahan namin.
Napag alaman ko pang kasama niya si Irah papunta dito na medyo ikinagulat ko. Oo nga pala at pinagbawalan akong magdala ng bisita dito. Si Irah na talaga ang nagpapunta sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...