Chapter 24 Pinag-iisang mga Puso

326 4 0
                                    

Chapter 24

Nang ganoong oras walang ibang lugar na pwedeng puntahan si Maxxine kundi sa  may parola. Uupo siya  doon  hanggang umaga. Walang ng ferry boat kung na masakyan na tatawid sa dagat. At isa pa hindi siya pwede lumayo dahil maliit pa ang bunsong si Heart. Nakatingin si Maxxine sa mga bolang nakalutang sa tubig. Gabayan ito ng mga mangingisdang namamangka na  dumadaong sa parola.

"Wedding? To whom? Why was he in my room? There's nothing to talk about anymore."

Walang makakasagot sa kanyang mga katanungan. Lumalalim ang gabi , lumalamig din ang hangin galing sa dagat. Hindi man lang siya nakadala ng kahit anong pang balabal laban sa lamig. Nakahalukipkip ang kanyang dalawa braso. Niyayakap niya ang sarili dahil sa lamig. 

"Malamig Maxxine, magkakasakit ka," boses ng lalaking pamilyar.

"O bakit  mo pa ako sinusundan."

"Para masabi ko sa'yo lahat ang mga dahilan." Tumabi na si Fernan sa kinauupuan Maxxine.

"Ano pa ba ang dapat mong sabihin?"

"Dahil sa pakiusap ni Mr. William Davis pinili kong hindi tumupad sa usapan natin. Gusto niyang mabilis mong matutunan ang  pamamalakad sa kanyang negosyo. Kaya nakiusap siyang bigyan muna kita ng dalawang taon. Nangako siyang hindi na tututol sa pagmamahalan natin pagkalipas ng  mga taong tumupad sa aming usapan. Malaya ka ng piliin ako at magiging masaya siya para sa atin. Nasabi niyang unti-unti na siyang nanghihina. Sana'y patawarin mo ako Maxxine."

"Kailangan mo pa bang marinig na pinapatawad kita o kaya  kailangan mo pa ba ang kapatawaran ko. Hindi na di ba?" May ibig sabihin ang mga sagot niya kay Fernan.

"Pwede ba nating gawing isang masayang gabi ang gabi na ito para sa atin," pakiusap ni Fernan.
80 ok naging mabigat sa kanyang puso. Kaya tumayo siya upang hindi makita ni Fernan ang kanyang mga mata na nag-uumpisa na namang umaahon ang mga luha. Sinundan na rin siya ni Fernan hangga't sa sasakyan.

Para kay Maxxine mahirap sumalungat sa tadhana
Kung maiksi nga lang naman talaga ang buhay bakit hindi pwedeng maging masaya ang gabi para sa kanila. Ayon sa pakiusap ni Fernan.
Kaya pilit niyang inalis ang pait sa puso. Gusto niyang maging masaya dahil kasama niya pa ang lalaking mahal niya. Mainit niyang tinugunan ang mga yakap, nagpaubayang siya'y hagkan. Maalab at matamis na halik ay kanyang ninamnam.

"I love you so much, Maxxine."

Kahit hindi na siya  gaanong sigurado sa pag-ibig ni Fernan, bahala na ang kanyang pusong mag desisyon.

"I love you so much, Fernan."

Napakaganda ng bukang liwayway. Nagising si Maxxine na unang nakita ito. Kasunod na umagaw sa kanyang pansin  tunog ng phone ni Fernan.

"Sagutin mo ang iyong phone," utos niyang sabi.

Maari kasing tawag iyon mula sa kanyang inay Letty. Naiwan ang kanyang phone. Hindi niya na naisip dalhin ito. Kahit nakapikit si Fernan dinudukot na ang kanyang phone  sa bulsa.

Napabalikwas ito na may tila naalala. Napatingin sa kanyang orasang pambisig. Halatang nagulat sa oras na kanyang nakita.

"Sige, sige po,"

Iyon lang ang tanging isinagot ni Fernan sa kausap. Nais ng sumabog sa sakit ang puso ni Maxxine.

"Mahalagang  naroon siya,"  ang sabi sa kanya bago tumalikod at bumaba ng kanyang sasakyan.

Masakit at bumarena pa ito sa kanyang utak ni Maxxine. Kasal ng lalakinh nag-iisang minahal. Mula noon na hindi niya nagawang palitan sa kanyang puso. Ang ama ng kanyang mga anak. Ikakasal na at ang bilin " mahalagang naroon siya.

Maraming tao sa kastilyo. Kitang kita na ito ni Maxxine sa labas pa lang ang mga nakaparadang mga sasakyan. Hindi na nga niya nahintay na pagbuksan pa siya ni Mang Tonio. Halatang abala ang lahat. Wala na siyang nagawa kundi ang hinayaan sa labas na rin nakaparada ang sasakyan. Kahit si Randy hindi rin niya napansin. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob.

"Nay, anong meron?"

"Dumiretso ka na sa loob anak."

Ngunit hindi niya naiwasang napahinto sa ayos ng buong paligid. Ang hardin na lalong inayos at dinagdagan pa ng mga nakapasong buhay na mga bulaklak. Inikot niya ang paningin sa buong paligid. Nais niya pa sanang umikot sa likod kung saan mas malawak pa ang hardin.

"No, mom! You need to fix yourself first before going there." Mahigpit ng hinawakan ni Xandra ang kanyang kanang kamay.

Inakay pa siya papasok sa loob. Pati sa loob ng kastilyo nakita ang sobrang paghahanda. Marami ang nagtulong-tulong upang mapabilis ang dekorasyon.

Tumulo na ang kanyang luha ng makita si Heart na may bitbit. "Will You Marry Dad?"

"Will you marry me?" boses ni Fernan sa kanyang likuran.

Dahan-dahang itinukod sa sahig ang isang tuhod at naghihintay sa kanyang kasagutan. Napatakip sa mukha niya si Maxxine. Hindi siya makapaniwala, lalo na naka groom tuxedo na si Fernan.

"Why do you surprise me like this?" nasabi niya ito habang lalong nag-unahan ang mga luha sa tuwa.

"Will you marry me?" inulit pa itong banggitin ni Fernan.

"Ye-sss!"

Halata ni Fernan ang panlalamig ng kamay ni Maxxine habang isinusuot niya ang engagement ring. Nakita niya kung gaano kasaya ito.

"Marrying you is my most greatest dream. You are my every reason to smile, my every reason to live."

Napahikbi si Maxxine sa sobramg saya habang nakasubsob sa dibdib ni Fernan.  Hindi sukat akalain ang masopresa ng ganoon. Sobrang saya sa pakiramdam.

"Sige na hihintayin ka na namin sa garden sa likod," masayang bilin ni Fernan.

"Ang daya naman, ibig sabihin magmamadali ako sa pagbibihis," ani niyang naglalambing kay Fernan.

"Nakapaghintay ako ng maraming taon. Balewala sa akin ang maghintay  ng ilang oras na lang." sagot ni Fernan. Matamis na ngiti at halik ang iginawad sa kanyang magiging asawa.

Tanaw na ni Maxxine ang mga naghihintay sa garden. Si Fernan amg nais niyang titigan habang maglalalakad siya papuntang altar.

"Mahalin mo at ingatan ang aking anak." Naiyak na sa saya ang isang inang tulad ni Aling Letty habang inaabot ang kamay na anak sa lalaking kanyang magiging kabiyak.

"Thank you, dad."Kumaway pa si Fernan sa kanyang father-in-law sa video call. Gustong- gustong mapanood ang anak na ikakasal.













Love Beyond Infinity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon