Lila Ventura

15 1 1
                                    

Bakit kaya madalas nating gusto iyong mga bagay na ang hirap nating makuha?

Pumunta ako sa kwarto at binuksan ang laptop. May article pa akong kailangang tapusin.

Procrastination at its finest.

Binuksan ko ang facebook acoount ko at naghihintay ng reply sa mga tukmol kong barkada. Wala naman akong ka-chat kundi sila.

Usapang jowa ba?

Huwag na lang.

Wala ako niyan eh.

Baka mainis pa ako. Mag-walk out ako dito. Wala ka nang babasahin.

Kasi ako iyong bida dito di ba. So, pag nawala iyong bida edi tapos na iyong kwento.

Hindi kita inaaway. Sige lang tuloy mo na tong pagbabasa mo.

"Hi."

"Hi sino po sila?" Reply ko dun sa nagchat.

"Ikaw ba iyong kahapon?" Sinasabi nito?

"Saan? Alin?"

*flashback*

"Isang latte po. Uno."

Sabi ko sa counter. Gusto ko lang magkape ngayon. Hindi naman ako coffee lover. May mga araw lang na hinahanap ng katawan ko ang lasa ng kape.

Naghanap na ako ng magandang pwesto at umupo. Wala dito lang ako siguro an hour o less than. May klase pa kasi ako mamaya.

Kung iniisip niyong malateleserye tong mangyayari sa akin ngayon, pwes hindi. Napaka-nega at spoiler ko nuh. Eh ayaw ko din naman matapunan ng mainit na kape itong puting uniporme ko. O kaya madulas sa public.

Ayun na nga, umupo ako at nagcellphone cellphone lang.

Hanggang sa napalingon ako sa harapan ko. Iyong katapat kong table, may lalakeng nakaupo.

Mukhang snatcher amputek. Hindi pala, mukhang kidnapper. Parang laki ng problema nito sa buhay ah.

Titingin tingin pa to oh. Nagpatuloy ako sa pagce-cellphone. Hanggang sa napatingin ako sa paligid ko.

Kaunti lang tao dito, siguro mga sampu. Charot. Napatingin nanaman ako doon sa lalake. Tumayo na kasi siya. Tangkad pala neto.

Nilapitan niya iyong isang babae na nagtake-out ng dalawang box ng jco donuts. Wow, yaman.

Ang puti at ang kinis nung babae. Mukhang medyo matanda. Mapapa-sana all ka na lang talaga. Nilibot ko na lang ulit yung mata ko sa paligid.

Pagkatapos kong ubusin iyong kape na in-order ko, umalis na din ako. Mahirap din kasi ang sakayan sa amin pag-uwi.

*end of flashback*

In-stalk ko iyong account ng lalake. Siya nga iyon. Iyong lalake kahapon sa may jco.

Paano naman neto nalaman account ko? Luh, baka stalker to.

"Nahulog mo kasi iyong nameplate mo."

ANO?!

NAHULOG KO NAMEPLATE KO NANG HINDI KO NAMAMALAYAN?!

AGAD KONG CHINECK IYONG BAG KO. PATI SUOT KONG UNIFORM KAHAPON. PATI IYING TABLE KO. LAHAT SA KWARTO.

PERO WALA NGA NAMEPLATE KO.

PUMASOK AKO KANINA TAPOS DI KO NAISIP NA NAWAWALA NAMEPLATE KO?!

ANO BA NAMAN YAN LILA!

"Ah ganun ba. Thank you ah! Napulot mo? Saan? Kailan ko pwedeng kunin sayo?"

Reply ko naman dun sa lalake.

The Man of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon