CHAPTER 3

766 20 3
                                    

Chapter 3


"Di mo talaga alam kung sinong sumalo sayo?" Pinalibutan ako nina Aling Julie dito sa kubo.

Naghahanda kasi akong umalis ng naabutan nila ako dito at inulan na nila ako ng tanong. Nakuha ko na rin yung sweldo ko ngayong buwan.

"Hindi po" pag aamin ko.

"Si Sir Devon yung sumali sayo Iha! Jusko kay gandang esksena kanina" sabi pa ni Ma'am Julie.

Nagkibit balikat ako at inayos yung buhok ko na bahagyang gumulo.

Napansin ko si Quincy na kanina pa tahimik at masama ang tingin saakin.

Sir Devon? Nakita ko nga silang dalawa kanina pero hindi ko naman alam kung sino si Sir Devon dun at Sir Cairo.

"Ahhh mabuti naman po, magpapasalamat nalang ako sakaniya bukas" sabi ko at nagpaalam na sakanila.

Sino si Sir Devon sakanilang dalawang? Yung palangiti o yung parang galit?

Sa tingin ko si yung palangiti kasi naman, siya yung parang may concern saakin kanina. Habang yung isa wala man lang reaksyon. Parang walang plano na saluhin ako.

"Usto mong sumakay miss?" Napatingin ako sa gilid ko ng may nakita na naman akong tricycle.

Umiling ako sakanya kanya kaya pinaharurot niya na yung kanyang tricycle. Sanaol may tricycle.

"Hey!" Nagulantang ako ng may sumigaw sa likuran ko at bumusina.

Tumigil ako at lumingon sa likod ko. Nakita kong isang lalaki na naka sakay sakanyang Black na big bike at naka helmet.

Napakunot yung noo ko ng kumaway ito saakin. Inalis niya yung helmet niya. Napaawang yung bibig ko ng makita ko siya ulit.

"Lakad ka lang? Sabay ka na saakin" nakangiting sabi ni Sir Devon? Yung ngumiti saakin kanina sa mansion.

"Nako sir wag na ho, salamat nalang 'tsaka malapit lang ho bahay namin dito" sagot ko.

"Kaya nga ihahatid na kita dahil alam ko namang napagod ka kakatrabaho sa pag harvest"

Wala na akong nagawa ng bumaba siya sa kanyang motor at lumapit saakin. Nagulat ako ng sinuot niya saakin ang kanyang helmet.

"Pero ikaw mag da-drive, wala kang extra helmet sir?" Tanong ko sakanya.

"Nah I'm fine" sabi niya. At bahagyang lumapit yung mukha niya sa mukha.

Nagulat ako sakanyang ginawa at hindi kaagad nakagalaw. Inayos niya yung pagkakalock ng helmet ko at tumayo na siya ng matuwid.

Ngumiti siya saakin at naglakad na siya patungo sa big bike niya kaya wala na akong magawa kundi ang sumunod sakanya.

Una siyang sumakay sa Malaki niyang motor bago siya bumaling saakin. Napaawang naman yung Labi ko ng bigla na naman siyang ngumiti. Ang gwapo.

"C'mon sakay ka na"

Pilit kong sumakay sa malaki niyang motor at sa di inaasahan ay napahawak ako sa kanyang Braso dahil malapit na akong mahulog.

Nakita ko namang gumalaw yung balikat niya. Parang natawa sa nagawa ko. Napa simangot naman ako at umayos ng upo.

Pina andar niya na yung Motor at bago kami umalis ay lumingon siya sa magkabilang gilid na tila may hinahanap.

Nagulat ako ng hinawakan niya yung dalawa kong kamay at dinala niya sa kanyang bewang.

"Hold tight babe" napairap ako sakawalan dahil sa kanyang sinabi.

La Hacienda [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon