Maaga akung nagising kaya tumulong muna ako sa kay yaya sa mga gawaing bahay.
Habang nagpaplantsa ako ay tinanong ako ni yaya.
"Saan po ba kayo galing kagabi maam? Boyfriend niyo po yung naghatid sa inyo?"
Hindi naman masyadong itsusera itong si yaya noh? Fi-nold ko muna yung damit na tapos ko ng plinantsa at sinagot siya.
"Hindi po yaya..."
"Mamatay?"
"Mamamatay talaga...?" natawa ako ng mahina "..hindi, bagong kaibigan" muntik na akung masuka sa ideyang bagong kaibigan ko siya. Yacks! Hindi ko namang pwedeng sabihing hindi kami bati nun baka isumbong pa ako kay mama.
"Bakit hindi mo man lang siyang ininvite na pumasok?" tanong ni yaya
"Daming tanong yaya huh? Nagmamadali kasi siya kaya ganun." sabi ko nalang
"Okey, sabi mo eh" sabi niya. Iniripan ko lang siya ng pabiro at pareha kaming natawa.
Habang busy kami ay may biglang nag doorbell. Pareha's kaming nagkatinginan ni yaya.
"May inaasahan kang bisita?" tanong ko kay yaya. Balita ko kasi ay nanliligaw yung bodyguard ng kapitbahay namin sa kanya. Mabuti pa si yaya. Lumalablayp. Ahehe. XD
"Naku wala..." sabi niya. Tapos umalis siya at pinagbuksan ng gate habang pinagpatuloy ko ang pamamalantsa...
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!" sigaw mula sa labas. Muntik ko ng mabitiwan yung plantsa sa tinis ng boses ni yaya. Sino ba kasi yung nag doorbell at parang mamatay na sa sigaw si yaya? Pupuntahan ko sana siya ng himihingal na tumakbo siya palapit sa akin.
"Maam, may artista po sa labas! Hinahap kayo!!" excited na sabi ni yaya.
Artista? In my 17 years existing sa mundo ay wala akung close na artista at higit sa lahat bumisita pa talaga huh? Napakunot naman ang noo ko dun ng may biglang pumasok nga na artista mula sa pintuan- i mean demonyo.
"Di ba maam ang gwapo niya? Para siyang artista!" sabi ni yaya.
Bweset. Ano na naman bang ginagawa niya sa pamamahay ko? Masyado pang maaga para bwesitin niya ako.
"Yaya, iakyat mo na 'tong na plantsa ko na" utos ko kay yaya. Baka makita pa niya yung bangayan namin eh.
"Mamaya na maam m---"
"Ihahatid mo 'to sa kwarto di ba??" sabi ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Okey po maam..." tapos dali-dali niyang kinuha yung damit na naplantsa ko na at pumanhik na sa taas.
"Anong ginagawa mo dito?" dretsa kung tanong sa kanya.
"Sinusundo ka? 9am yung klase mo di ba? 7am na oh, bakit hindi ka pa handa?" balik tanong niya sa akin. Tapos umupo siya sa sofa na nandun. Feeling at home huh?
"Pwede ka nang umalis. Mag ta-taxi ako" pinal kung sabi at tinuloy ko na yung pamamalantsa pero hindi pa rin siya gumagalaw sa pagkakaupo niya.
"Naririnig mo ba ako?" sita ko sa kanya
"Hindi eh, pasensya na. Mabuti pa magbihis kana!" sagot naman niya. Ano ba talagang kailangan niya sa akin at palagi niya akung binibweset??
Iniripan ko lang siya at padabog na pumanhik sa taas. Masyado pang maaga para mag-away kami. Agad akung nagbihis dahil tapos na akung maligo.
Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa labas. Hindi ko na siya hinintay pa. Bahala siya.
Kasunod ko siyang pumasok sa kotse. As usual, walang imikan hanggang sa hindi rin ako nakatiis.
BINABASA MO ANG
Say something (ON GOING CHAPTERS)
RomanceIt's nice to know that you were there Thanks for acting like you cared And making me feel like I was the only one It's nice to know we had it all Thanks for watching as I fall And letting me know we were done - My happy Ending Avril Lavigne Hi Gois...