Heyah! Xenxha na ngayon lang ako nakapag edit ng ilang chapters so et oh na po.:)
********************************Hindi niya inaasahan na ang naiiritang mukha ni Ms. Cordan ang madadatnan nila sa detention room at hindi niya rin inaasahan na ang detention room pala sa school na ito ay iyong tila conference room kung San sila nangaling kaninang umaga. Sosyaling detention room. No wonder kung bakit mas gusto ng mga studyanteng magloko para lang makatambay sa mismong detention room kung San naroon ang office ng mga S.B.
"You three sit!, Ms. Jacobes, you're clear to go but before that take this slip and go straight to the clinic."
clinic? Nagtaka naman siya ng abutan siya nito ng salamin. Yeah right. Malakas din kasi ang pagkakasampal at pagkakasabunot sa kanya at may kunting kalmot pa siya sa may ibaba ng mata niya kaya medyo namamaga ito. Ibabalik na niya sana rito ang salamin ng may maalala siyang isang tao na nag-abot din sa kanya ng salamin at iyong taong iyon ay kapapasok lang din sa loob ng silid kasama iyong ilan sa mga student body Councils at kasama nadin dun si Trevor.
Kung siya naiilang sa mga titig ng mga ito iyong grupo naman ni Stephanie ay kanya kanyang ayos ng sarili nila at may mga mahahabang ngiti. Napangiwi nalang siya sa mala chucky na mukha ng mga to. Nagmumukha sila lalong katatakutan. Tumango nalang siya kay Ms. Cordan saka inabot ang slip na bigay nito. Bahagya siyang ngumiti sa mga kasama ni Trevor at kay Trevor mismo ngunit ng makita niya si Gaviyen ay para siyang iyong tipong mahihiya pa mismong ngumiti o tignan man lang ito. Napaka seryoso ng mukha nito. Ibang iba sa nakita niya nong mga araw na pinagtritripan siya nito kasama iyong batang an---. Anak? Napa tsk nalang siya ng maalala iyon. Lalo siyang napailing ng makitang sa ungoy na si Gaviyen nagpapapansin si Stephanie.
Nakapag desisyon nalang siyang magpaka poker face at magpunta nalang ng clinic. Saktong malapit na siya sa pintuan ng may humawak sa braso niya kaya napalingon siya sa mga ito.
"Aray! Masakit. Evo naman huwag mo ng hawakan." Sita niya Ng maramdamang mahapdi ang hinawakan nitong sugat niya.
"Tss. Lagot na." Dinig niyang bulong nito. Nagtatakang tinignan niya ito.
"Sorry. Lika na looks like you have a slip. Samahan na kita sa clinic." Presenta nito. Nakangiting tumango naman si Ms. Cordan sa kanila at hindi nakaligtas sa kanya ang ginawang pag-Irap ni Stephanie ng tuluyan na silang makalabas sa silid na yon.
"T-teka Evo. Okay lang kaya ko naman pumunta mag-isa tsaka maliit na sugat lang ito." Totoo naman eh maliit lang iyong sugat niya pero sobrang hapdi tsaka pakiramdam niya ay medyo namamaga narin kasi parang bahagyang lumiit iyong paningin niya.
"Kala mo lang iyon pero may Lason kasi iyong kuko nun kaya huwag ka masiyado papahawak sa mga babaeng iyon." Bahagya siyang natawa sa sinabi nito.
"Ah. Pwede magtanong?" Tumango naman ito.
"Ano bang tawag sa room na yon?" Ito naman ang natawa sa tanong niya.
"We get that a lot. Err. We call it the Rec. Room but students call it as S.B. office or judgement room because that's where students go for detention...sometimes we also call it Hell room with satan inside." May binulong pa ito pero hindi naman niya masiyado naiintindihan. Ang naiintindihan niya lang ay Satan. Kung siya ang tatanungin ay tatawagin niya itong monkey's Layer with Gaviyen inside. Haha.
"Err. Sorry nga pala nung isang araw." sabi niya rito ng mapansing tahimik na ito.
"It's okay. I understand." Sabi nito saka bahagyang ginulo ang buhok niya.
"Com'n let's go baka hanapin ka pa ng Kuya mo at sa tingin ko ay hindi niya magugustuhang makita iyang kalmot mo. Tsk. May Lason talaga iyong babaeng iyon." Napangiti nalang siya dahil naiisip na niya kung ano ang itsura ni Patpat mamaya. Siguradong malalait nanaman ang mga shrimp na sabi ni Patpat.

BINABASA MO ANG
Missing Reflection (on hold/editing)
AcciónRoses for the scent of love, chocolates for the sweetness of affection and balloons for the long run......NANINIWALA parin ba kayo sa mga ito?...Well I do....CLICHE right?....for you but not for LOVE....there's no cliche in love...but in wrong choic...