Warning:
⚠️MAY TYPO
⚠️WRONG GRAMMAR (maybe? kayo na humusga!)
⚠️MAY BAD WORDSPLEASE FOLLOW ME AND VOTE MY STORIES!❤️
Ivy's POV
Sound Trip
Food Trip
Movie Trip
Facebook TripWala na akong ma-isip na trip!
Nakaka-loka! Wala akong ma-isip na gawin! Di naman ako pwedeng pumunta ng mall. Wala akong kasama. Kasi si Alexander may pinuntahan 'daw'. Di naman sinabi kung saan pupunta. Kasi di lahat ng bagay kailangan sabihin sayo Ivy. Hulaan nyo kung anong araw ngayon!
S A B A D O na po. Weekend. Pero ito ako nagkukulong sa bahay mag-isa. Walang magawa. Pumuntang Korea sila Mama at Papa. Si Yaya naman umalis. Kaya ito ako mag-isa. Na bobored na rin akong mag-selpon. Wala rin ako sa mood mag-vlog. Ewan! Di ko alam ang gagawin ko. Gusto ko sanang mag-road trip pero wala akong ma-isip na puntahan. Marunong rin naman po kasi akong mag-drive ng kotse pero wala talaga akong gana pumunta everywhere.
Alexander's POV
"Di kita maintindihan Alexander Ford! Bakit ayaw mong makipag-date dun sa anak ni Ms. Funtales! Maganda naman yun! Sexy! Matalino! Pero bakit ayaw mo makipag-date dun?!". Dad. Ito naman po ang inyong shining shemering Daddy nyo! Pinapa-galitan na naman ako! Dahil sa Date Date na yan.
"Eh sa ayoko Dad! Di ko sya type!". Sagot ko naman kay Dad. Ayoko! Kasi pinapa-alala nun na wala akong ganong klaseng katawan!
"Anong di type mo dun Alexander!! Mabait! Matalino!-"
"Maganda! I know! Pero di ko pa rin makita sa kanya ang hinahanap ko sa ibang babae!". Yeah! I deal boy este ideal girlfriend. Hehe
Umalis nalang ako sala at pupunta sa kwarto pero-
"Anak! Making ka naman oh! Kailangan mo ng magka-girlfriend! Kailangan may ipa-kilala ka ng girlfriend sa Chairman. Dadating na sya next week! Lunes! May isang araw ka nalang para mag-hanap! Isang araw anak! Isang araw! Pag wala kang pinakilalang girlfriend sa Lunes! Mawawala lahat ng mana mo! Hahayaan kitang pumili ng magiging girlfriend mo! Pero sisiguraduhin mong may ipa-kilala ka sa Lunes! Inu-utusan kita! Hindi biglang Ama mo! Inuutusan kita bilang isang Anak ng Chairman!". At nag-walk out na si Dad kasama yung secretary nya.
Nalaglag panga ko sa mga sinabi saken ni Dad! Dadating ang Chairman sa Lunes?! What the!! Really!? Lunes!! At kailangan may ipa-kilala akong girlfriend! Well! Di naman ako nagulat dun sa part na dapat may ipa-kilala na akong girlfriend sa Chairman! Nagulat ako dun sa part na dadating na si Chairman sa Lunes! And I have a one day to find Girlfriend?! Really! Akala siguro ni Daddy pag-shoshoping lang yung pag-hahanap ng Girlfriend! At take note! Isang araw lang yung binigay! Nakaka-loka!
Bat kasi ngayon lang sinabi ni Dad eh?! One Day. One day. Isang araw lang ang meron ka para mag-hanap ng girlfriend Alexander. Eh? Saan ako maghahanap? Sino ang magpapanggap na girlfriend ko? Urgghhhh! Pini-pressure mo ako self eh! Sino ba kasi pwedeng kunin? Wala naman akong kilalang pwedeng gawin girlfriend kahit sandali lang! Kahit saglit lang! Mag-isip ka Alexander! Hindi pwedeng wala kang ipa-kikilalang girlfriend sa Chairman!
Ito kasi yun! Isa sa mga rules bilang Monteriño (hindi naman rules). Nakasanayan ba. Mga panganay na Lalaki dapat ang gumawa nun. Pagnagka-edad kay ng 17 ay kailangan mo ng mag-karoon ng Girlfriend. Para sa pag-dating ng takdang panahon ay matutu ka ng mag-handle ng isang relasyon. Relasyon nyo bilang mag-asawa. Oo! Asawa agad! Nakaka-loka! Kasi once na naging Moteriño ka. Dapat sa Edad na 35 to 40 ay Kasal ka na. Kaya nga hirap na hirap ang Lola nyo!
Paano pag-dumating ang panahon na maging 35 na ako tapos di pa ako kasal? Ano nalang sasabihin ni Chairman? Ni Dad? Excited pa naman si Dad na magka-apo sya! Kakaloka! Alam nyo kasi! Ang plano ko talaga mag-aampon nalang ako ng anak! Wala akong plano mag-asawa! Gusto ko tumandang binata! Yeah! Yun ang plano ko! Charot! Haha! Joke lang! May plano naman talaga akong mag-asawa! Pero plano pa lang! Hindi ko naman minamadali sarili ko! Gusto ko pa kasing enjoyin tong pagka-dalaga este pagka-binata moment ko!
Hep! Pero paano ko nga eenjoyin ang pagiging binata ko! Kung yung taong mga naka-paligid sa akin ay atat na sa pag-aasawa ko! Excited mag ka-apo! As if gusto ko naman mag ka anak?! Charot! Gusto ko yata mag-ka anak. Hindi nyo pa pala kilala si Chairman no? Sino ba kasi yang si Chairman na yan?! Sino ba siya sa buhay ko?! Bat ba kinakatuktan ko si Chairman?! Char!
My Grandfather. Lolo ko. Lolo sa Ama. Lolo kay Dad. At bakit ba inuulit ulit ko pa yung mga sinasabi ko?! Siya si Kalistino Monteriño. Chairman, Boss, Taga-pamahala or King of Monteriño Family. Sya ang laging nasusunod! Sya ang kinaka-takutan lahat ng Monteriño. At kasama na ako dun. Ang totoong may ari ng Monteriño International High School. MIHS for short. Kay Daddy lang nya talaga pinamana yung school na yun. And soon! Ay sa akin na rin ipapamana yun! I love it! Hihi. Maliban sa MIHS ay siya rin ang nagmamay-ari ng mga ibang 5 star Hotel sa Boung Pilipinas. Ang Moteriño Hotel na nasa Mindanao (hango sa apelyedo niya). Ang Lastiza de Hotel sa Visayas (hango sa pangalan ng kanyang Asawa) at marami pang iba. Oh! Diba? Ang bongga ng Lolo nyo?! Ang raming pagmamay-ari! Sa USA tumira si Chairman simula nang namatay yung asawa nya.
Si Lola Lastiza Monteriño. Di ko alam kung ano ang pangalan nya nung Dalaga pa sya. Ang bait ni Lola Lastiza. As in! Para syang anghel na binagsak dito sa lupa! Sya ang nag-alaga saken nung bata palang ako. Lagi kaming nag-lalaro nun sa bakuran nila. Lagi pa ako pinag-lulutuan ni Lola nun ng Biko. Ang sarap nya mag-luto! Pramis! Sya rin ang unang naka-alam ng sekrito ko. Ang sekrito na matagal ko ng tinatago. Kaya nga pag-kasama ko sya ay dun lang ako nakaka-labas sa kulungan ko. Support lang sakin ng Support sakin si Lola nun. Pero dumating na nga yung araw na kinaka-takutan ko. Ang namatay sya! Grade 1 ako nung namatay si Lola. Grabe ang iniyak ko nun! Halos isang linggo akong di kumain nun. Nag-kulong lang ako sa kwarto nun! Buti na nga lang at di ako nagka-sakit! Pero na-realize ko sa sarili ko na. 'Siguro kung pa buhay pa si Lola at ganito ang ginawa ko ay papagalitan ako nun'. Kaya nag move on nalang ako. Inaliw ko yung sarili ko. Then One Day nakilala ko si Ivy. At wait nga lang?! Parang ang layo na natin sa Topic ah?! Si Chairman yung topic natin hindi yung Lola ko!! Ok back to Topic.
Yung realationship ko naman kay Chairman ay complicated. Haha! Minsan mabait sya sakin. Minsan galit sa akin. Minsan naiinis sya sa akin. Moody for short. Hahaha. Di ko masabing close kami ni Chairman pero parang ganon na nga.
-乇几ⅅ_ㄖ千_匚卄卂卩ㄒ乇尺_12-
Link of my Accounts:
Twitter:
https://mobile.twitter.com/leo_clateroYouTube:
https://m.youtube.com/channel/UCiU7nmzEBHv55jqRMxJERLAInstagram:
https://www.instagram.com/leocrisclatero23/Facebook:
https://m.facebook.com/leocris.clatero?ref_component=mfreebasic_home_header&ref_page=MMessagingEntBasedReadController&refid=12&_rdrOfficial Facebook Page:
https://m.facebook.com/Leo-Cris-Updates-112649843492633/?ref=bookmarksFacebook Group:
m.facebook.com/groups/458583294767326?group_view_referrer=profile_browser&_rdc=1&_rdr-PLEASE FOLLOW MY ACCOUNT FOR MORE INFO.👆
-VOTE MY STORIES❤️
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Gay
Teen FictionWhat if your friend is starting to fall in love with you? What if? But there's a problem, he is a GAY. What are you going to do? Are you going to stop your feelings? or tell him that you love him? I'm Ivy Perez and he is Alexander Ford Monteriño...